Prologue

15 3 0
                                    



"INUMIN mo 'tong ipe-prescribe ko sa'yong gamot for 3 times a day. Iwasan din magpuyat, since stress will be bad for you and your health," sabi ko habang sinusulat ang gamot na kailangang inumin ng pasyente ko.

"Thank you, Doc. Ima-make sure ko po talagang iinumin 'to ng anak ko. Napaka tigas kasi talaga ng ulo eh," sabi ni Sally na nanay ng pasyente ko at masamang tinignan ang anak niya.

Kung tatantyahin, siguro mga nasa mid 30's palang si Sally, samantalang ang anak niya na si Dave ay 13 years old pa lamang.

Regular patient ko na sila kaya kilala ko na rin sila pareho. Dave just gave me an awkwardly smile.

"Tama yan, makinig ka sa mama mo ha. Nag-aalala lang din 'yan sa'yo," sagot ko bago inabot ang reseta sa kanila.

"Opo Doc, thank you po," sabi nito at napakamot pa ng ulo. Tinanguan ko lang sila bago sila tuluyang umalis ng clinic ko.

Sila na ang huling pasyente ko para sa araw na 'to since half-day lang naman ako ngayong araw.

"Eunice, I'll be going na, you can also call it a day. Magpahinga ka na rin," sabi ko sa secretary ko pagkalabas ko ng office ko.

"Sige po, Doc! Asikasuhin ko lang po 'tong reservations for tomorrow, then uwi na rin po ako. Thank you, Doc! Ingat po pag uwi!" sabi niya na kaya tinanguan ko lang at diretso nang umalis.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa bag ko bago tuluyang sumakay. Nang makaupo ako, pinihit ko agad ang susi para istart yung makina.

It's already 4:30 PM pagkacheck ko sa orasan ng kotse ko. May kailangan akong puntahan ngayon, pero dadaanan muna ako sa condo para magpalit ng damit. May need kasi akong i-meet kaya kailangan kong mag-ayos muna.

Pagkainit ng kotse ko ay diretso ko nang pinaandar ito at tuluyan nang umalis.


NATAGALAN ako bago makarating sa condo ko. Tahimik dahil ako lang din naman ang nakatira rito.

Dumiretso ako agad sa sofa at nilapag ang gamit ko. Pagkatapos ay tumungo na 'ko sa CR. Kailangan kong maligo, para akong naaalibadbaran sa katawan ko.

Nang matapos ako ay agad kong sinuot ang bath robe ko at pumasok sa walk-in closet ko.
Dumiretso ako sa wardrobe kung saan naka-hanger ang mga dress ko.

Isang white flowy dress ang naisipan kong isuot ngayon. Kinuha ko rin ang gold stethoscope necklace ko at sinuot 'yon. Ito ang napili kong necklace since it's my favorite. Gift kasi 'to sa'kin nung nag sstart palang ako mag medschool. I also partnered it with my golden hooped-earrings para mas maganda tignan.

Pagkatapos noon ay inayos ko ang buhok ko. Nag bun nalang ako para madali, at nag-iwan ng onting strands sa harap. Nag make-up din ako nang slight para naman magmukha akong fresh kahit papaano.

Nang matapos akong mag-ayos, dinala ko na ang gamit ko at diretso nang pumunta sa parking para kuhanin ang kotse ko.

IT'S already 8 PM, and nasa kalagitnaan ako ng traffic. Dumaan muna kasi ako ng Jollibee drive thru, since hindi pa 'ko kumakain magmula kanina. Kaya ito ako, naabutan ng traffic.

Habang mabagal na umuusad ang mga sasakyan, nagulat ako nang biglang mag ring ang phone ko. It was an unknown number. Iniisip ko kung sasagutin ko ba o hindi, pero sa huli ay sinagot ko nalang din.

"Hello who's thi—"

Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.

"Is this Dr. Dizon? You need to come real quick, it's urgent."

Pagkasabi niya noon ay agad nang napuno ng kaba yung nararamdaman ko.

Hindi ko hahayaang maulit ulit 'yon. Hindi na ako papayag pa. Not on my watch.

Till Our Next SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon