CIII: Ang Kalandian ni Mina

19 0 0
                                    

Matapos kong mapatuyo ang sarili ko, dumiretso nako saaking silid.

Nang narinig ko si Ama na sumigaw mula sa labas at sinabing.

"Anak! Si Prinsipe Luhan ng kahariang Nyowk andito!"

Di ko pa nakikita si Prinsipe Luhan sa personal, kinikwento lang sya ng mga chismosa kong FB friends sakin, sini-search ko sya sa Facebook, instagram, twitter chu~chu pero waley! Nabubuhay ata sya sa kabihasnang ipinagkakait ang internet! Pero ngayon! Andito sya, sa kaharian namin! Emegesh!!!

Sa narinig kong yun, naglundagan ang malalandi kong blood cells saking mga ugat!!

Tumakbo ako at naghanap ng masasandalang pader para mag "walling" habang sinasabing...

"Oh Luhan! Mahal kong Prinsipeng Luhan, ano kaya ang sadya nya't dumayo pa sya saaming kaharian!!"

Napatigil ako sa pag"walling" nang may naamoy akong mabantot...

*sniff sniff*

"OMG! Nangangamoy ang kili-kili ko!?"

Kailangan ko nang maligo...nakakahiya baka maamoy pa ako ni Luhan My Honey Loves So Sweet Hubby Bhabezx Bhozx CoewHzx IkH4w LhüN6sx SaPatxcz nHazx!!

P-pero paano kung maging matanda ako, nakakainis naman kasi yung hinayupak na matandang yun! Sinumpa pa akooo!

Kailangan ko nang maligo, magpapatuyo nalang ako...

Pumunta agad ako sa Bathroom ko at binuksan ang gate nito (taray ng Bathroom may gate pa!) at tumambad sakin ang 24 karat gold kong Bathtub...amoy na amoy ko ang halimuyak ng scented candles ko na nakapalibot dito, may mga nakakalat pang Red Roses Petals sa buong paligid.

Naglakad ako ng slowmotion patungo sa bathtub ko.

(insert music: Careless Whisper)

Nang malapit nako sa bathtub ay tinanggal ko na ang tuwalyang nakatakip sa sexy kong katawan (SPG!) at agad akong sumawsaw sa bathtub ko slowmotion parin (feel na feel ko syempre). At nagsimulang libagin ang sarili ko.

Napansin kong nagumpisa nanamang maging kulubot ang skin ko..Nandidiri ako sa sarili ko...nakakatakot ang kulubot kong balat, pero wala na kong magagawa eh, ganyan talaga...

Kinuha ko ang Anti-Aging soap ko at ginadgad ko sa balat ko.

Pero wa-epek paren!!

Umahon ako ng bathtub ko at naghanap ng pader para mag "walling" ulit sabay sabing..

"Sinabon ko naman, Ayaw kuminis!!!" sabi ko with matching feelings.

Nasira ang momentous moment ko nang may biglang kumatok sa pinto ng silid ko.

*Tok-Tok-Tok*

Sino kaya yun?!

Di ko na pinansin yun at lumusong ulit sa bathtub ko.

Nang biglang may nagsalita.

"May tao po ba jan? *tok tok* Walang sumasagot,wala atang tao" narinig kong sabi ng misteryosong boses

Huh?! Sino kaya yun!? Magnanakaw!? OMG!!!

Nang biglang..

*BOOOOOOOM*

isang napakalakas na pagsabog ang narinig ko mula sa silid ko.At nakarinig din ako ng malalakas na mga yapak ng paa na parang papunta dito.

"S-Sinong anjan!?"

Baka makita niya ang itsura ko!! Matanda pa naman ang itsura ko ngayon!!

Ngunit huli na ang lahat..

*BOOOOOOOOOM*

"Waaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!!" Sigaw ko

Sumabog ang gate ng Bathroom ko!

Anong gagawin ko!?

Sino kaya ang misteryosong nagpapasabog ng mga pinto ko!?

Makikita nya kaya ang itsura ko sa katauhan ni Erming?

Tulungan nyo ko mga bataaa!!!

Grandma ½Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon