Zeus' POV
Isang kulubot na tinubuan ng tao ang nakita naming nakasawsaw sa pure gold bathtub.
Ang chaka nya te!! Wiiiii ><
Bumaba sakin si Luhan at tinutukan nya ng espada ang leeg ng taong kulubot.
After a few conversation between Kulubot and Luhan, umahon si kulubot sa bathtub.
OH MY SIOMAI KALAMAY KUKO NG TATAY MONG PATAY!!!
Nakakita ako ng dalawang bundok na parang na-Landslide, panat mga te!!!
Si Kulubot naman panic-stricken, nahiya pa sa katawan nyang rumpled... Sus.
Agad nyang kinuha ang towel nya na nasa gilid ko.
Pisti...ang pangit pala talaga nya sa malapitan!! Muka syang crumpled paper.. Grabe sa wrinkles pati ata kalyo nya kulubot.
"Anong tinitingin-tingin mo jan kabayong manyak!? Umalis ka nga jan at baka sipain kita!?" Sabi nya sakin
Ay!? Ansabe nya!? Ako manyak!? Duh!? Bakit ko naman mamanyakin ang tulad nyang kulubot? Besides, mas maganda naman ako sakanya noh!? And what?!! Sisipain nya ako? Baka di nya alam nag-aral ata ako sa isang kick-boxing school noong pony pa ako. Wiiiiii ^^
Pumasok si kulubot sa isang pinto. At nawala na sya ...Thank you naman!!
"Iihi nako!! Puputok na talaga ang pantog ko!!!" Sabi ni Luhan
Agad pumunta si Luhan sa bowl sa tabi ng golden bathtub.
At doon sya na-jingle bells.
It's my time to shine!! Sisilipan ko si Luhan habang umiihi...Wiiiii !!!! ^^
Papalapit na ako kay Luhan ng biglang...
"PRINCE LUHAAAAAAAN MY LOVESSSSS!!!!"
Isang napakagandang babaeng naka see-through na red silk robe (taray!) ang lumabas mula sa pintuan kung saan pumasok kanina si Lola Kulubot..
Siya na ata ang prinsesa ... Wiiii ^^
***
MINA'S POV
Grabeeeeh!! Nakakahiya!! Nakita ni Luhan yung
Kailangan kong magpatuyo agad at baka di ko na maabutan si Prinsipe Luhan.
"Kuratchaaaa!!! Ikuha mo ako ng tuwalya!!!!" Pasigaw kong utos kay Kuratcha
Wala pang isang segundo ay dumating si Kuratcha dala ang tuwalya ko.Kasi nga si Kuratcha ang anak ng kuya na lola ng biyenan ng ate ni The Flash
"Punasan mo ang katawan ko." Utos ko
"K dot" tipid nyang sagot
Matapos ang 0.5 na segundo ay natapos nya na akong punasan kasi nga si Kuratcha ang anak ng kuya na lola ng biyenan ng ate ni The Flash.
Nagliwanag ang katawan ko at bumalik na ako sa dati kong anyo bilang Mina. Sinuot ko ang damit kong pang-seduce :)
"PRINCE LUHAAAAAAAAAAAN MY LOVESSSSS!!!!" Sabi ko gamit ang pinalandi kong boses
Napalingon naman si Luhan.
Timing na timing ako!! Nagwi-wiwi si Luhan!! WIT-WIW!!
Lumapit ako sakanya at humarap na sya sakin habang inaayos ang zipper ng pantalon nya.
Ngumiti sya sakin.
"Tunay ngang napaka-ganda mo Prinsesa Mina" sabi nya with his masculine voice
Poootik!! Nasa hibin na ba aku oy? Pake-geseng naman aku mga dudung!!! Panagenep ata etu!!!
Bumalik ako sa katinuan ko nang biglang hinawakan ni Luhan ang pisngi ko at inilalapit nya ang muka nya sa muka ko.
Eto na yun!! Eto na tologoooooh!!!
Kikiss na nya akoo!!
Nilapit nya ang ang muka nya hanggang 1 inch nalang ang pagitan namin. At.....
*BOOOOOOOOOOOOOOGSHHH!!!!!*
Wiiiiii ^^
BINABASA MO ANG
Grandma ½
HumorWala akong maisip na story description para dito. Basta basahin nyo nalang! Hahaha