Sa sinabing iyon ni King Qhong,daig ko pa ang makakuha ng autograph kay Zayn Malik sa sobrang saya!!!!!
"TALAGA POOOOOO!!!?" sigaw ko at naging Chibi ang itsura ko, yung mata ko naman naghugis puso.
"Pero, sa tingin ko, hindi na ata magandang ideya yang iniisip nyo, ayoko syang maging manugang!!!!" Singit ni Queen Tas na kontrabida ng life ko...panira talaga to ng moment eh!
"At bakit naman!?" Tumayo ako habang nakapameywang
"Kasi may black eye ka!!!" Sagot naman nya
Shemay! Napaka big deal naman sa halimaw na to ang black eye ko!? Gagaling naman to ah!?
"Bakit!? Maraming namang concealer sa kaharian namin, pwede ko namang tapalan tong black eye ko eh!? Sino ba kasing may gawa nito saken!? May nakakaalam ba!? SIGURO IKAW NO!?" sabi ko sabay turo kay Queen Tas, oo nga baka sya nga!
"Ha!? At bakit ako ang pinagbibintangan mo ha babaeng impokrita!?" Sagot ni Queen Tas
"OH! AYAN NANAMAN KAYO EH!!!! TUMIGIL NA NGA KAYO!?---" natigilan nanaman kami ni Queen Tas sa pagbabangayan nang sumigaw si Fafa Luhan
"----KAYONG DALAWA!!! UPO!!!" utos samin ni Luhan
"Arf! Arf!" Sabay naming sabi ni Queen Tas sabay upo...teka, bakit pati ako napatahol!?
"Mukang walang patutunguhan itong usapan natin...babalik nalang kami bukas dito upang makapag usap tayo ng maayos." Ani King Qhong
Tumayo na sina King Qhong at Queen Tas sa couch at pumunta na sa labas para sumakay sa kanilang magarang karwahe.
"Paalam na kaibigang Chow!!" Sigaw ni King Qhong habang tumatakbo na palayo ang karwahe nila.
"Paalam din kaibigang Qhong at Queen Tas, magkita nalang tayo bukas!!!" Sabi ni ama at nang makalayo na ang karwahe nila ay pumasok na ng palasyo ang aking ama.
Naiwan ako sa labas para pumasyal muna sa hardin.
Punung-puno ng bulaklak ang hardin, iba iba ang kulay, may mabango, may mabaho, may malaki, may maliit, may mapula-pula, may mamasa-masa...ahm. Teka, iba na yun XD
Lumapit ako sa isang tanim na pulang rosas. Nais ko sanang pitasin iyon nang may narinig akong nagsalita.
"Napaka ganda ng rosas na iyan hindi ba? Sing ganda mo mahal na prinsesa.."
Sino yun?! Napalinga ako sa likod at nasilayan ko ang Zayn Malik ng buhay ko. :3 si Prinsipe Luhan.
(Insert Music: ang walang kamatayang 'Sa Isang Sulyap Mo')
Wooo!! Eng pege nye telegeeee!!!!
Napatulo ang laway ko nang makita ko sya, may kasama pang kaunting plema.
Bumaba sya sa kabayo nya at kinuha ang kamay ko't hinalikan ito.
Keneleg nemen ekeeee!!! Umatake nanaman ang kalandian ko. Shemay!
"Napakaganda mo pala talaga gaya ng iniisip ko Prinsesa Mina" sambit nito achaka sya ngumiti
Waaah!! Literally, makalaglag panty ang ngiti nya.
"A-Ah-- prinsesa Mina, yung ano mo- ah..yung panty mo nalaglag.." nahihiyang sabi ni Luhan
Tiningnan ko ang panty ko, nalaglag nga dahil sa ngiti nyaaa!!
Kinuha ko ito at hinagis ko kung saan-saan..
"Ayan..wala na!! Hihihi.." Sabi ko, naku! Isipin nyo nalang kung ito ang makasama ko panghabang buhay, shemay! Mamamatay ako sa kilig! Lalo na't itinakda syang ipakasal sakin!! Wahhh!! Heaven!! Kung sana di sirain ng Queen Tas na yun ang pangarap ko -.-"
"Ahm, may bumabagabag ba saiyong isipan aking Mina?" Sabi ni Luhan sakin
"Ah eh, wala naman Luhan. Hihihi" Pa-cute kong sabi
Pumitas si Luhan ng isang rosas at inilagay sa tenga ko.
"Ayan, mas lalo kang gumanda" bulong nya saaking tenga
Ngumiti naman ako kaso pilit lang, e kasi naman yung rosas na nilagay nya sa tenga ko ay may TINIK, natarak ito sa balat ko kaya eto ngayon, nagdurugo na.. -.-
Di man ako makapagreact , gusto ko sanang tanggalin kaso nakabaon na sa balat ko chaka baka isipin nyang ayaw ko ng bulaklak na to.
Ang sweet pala nya grabe!!
"H-Halika,maupo tayo doon sa bench." yaya ko sakanya.
"Ok" sabi nya, ngumiti nanaman sya...wala nang mahuhulog na panty kasi wala nakong suot nun, tinapon ko na.
"Ah- Luhan, bakit naka-topless ka lang?" Tanong ko sakanya
"Eh kasi may autograph signing ako kanina sa MOA, yung isa kong fan, hinila yung tshirt ko, napunit..kaya heto, wala akong damit. " sabi nito at napakamot sya ng ulo sabay ngiti
"Ah ganun ba? Luhan, pwede bang favor?" sabi ko
"Ano yun aking Mina?" tanong nya
Kinuha ko ang iphone ko at binuksan ang App na Retrica.
"Pwedeng selfie tayo, ipopost ko lang sa account ko para mainggit mga friends ko" sabi ko
"Sure." Sabi naman nya.
Sinet ko sa Polaroid ang filter at .
*click*
"Wacky naman!!" Sabi ko
*click*
"Pouty lips naman!!" Sabi ko
*click*
Matapos ang 326,177 camera shots, napagod na kami..naubusan kami ng pose eh.
"Ang saya mo palang kasama Mina.." sabi ni Luhan with his masculine voice
"Hehe, hende nemen mesyede!!!" Sabi ko. Landi ko! Wohoho
Nagulat nalang ako bigla nyang hawakan ang pisngi ko at ...
Kiniss nya ako. (///°_°///)
Sa pisngi!!!
Nabigla ako nang bigla nalang syang tumigil at kumalas sakin ...at tila gulat na gulat sya ....
"E-Erming..." ang sambit nya.
BINABASA MO ANG
Grandma ½
ЮморWala akong maisip na story description para dito. Basta basahin nyo nalang! Hahaha