CIV: Prinsipe Luhan

6 0 0
                                    

Kinakabahan ako..

Di ko alam kung anong gagawin ko!?

Napatingin ako sa gate kong sumabog... May nakikita ako, di gaanong klaro kasi nga malabo ang mata ko diba matanda na nga ako.. Nearsighted ako eh.

Nakikita kong papalapit sakin yung misteryosong species.

At lumuwa ang mata ko sa nakita ko..(●0●)

S-s-si Prisipe Luhan, nakasakay sa Puting Kabayo, naka-topless sya, kitang kita ko ang mala-pandesal nyang 6 packs abs. May pagkakahawig sya kay Miguel Tan Felix ^^

Sa wakas!! Nakita ko na rin sya in person! Dati kasi sa brochure lang ng Avon ko sya nakikita, model kasi sya ng ---

Deodorant...kahit ganun, nainlove parin ako sakanya, napaka alluring kasi ng kili-kili nya eeh ^^

Umaatake nanaman ang kalandian ko...

"Nese lenget ne be eke!?" sabay lip bite sa nanunuyong lips ko.

(Insert music: Sa Isang Sulyap Mo -intro-)

Bumaba sya ng puti nyang kabayo nya at naglakad palapit sakin, (may effects pang liwanag, glitters at bubbles ang nakapaligid sakanya, slowmotion din sya syempre!).....pagkatapos ay nilabas ang Espada nya at itinapat sa leeg ko.

"Sino kang kulubot na nilalang ka!? At anong ginagawa mo sa kastilyong ito!?"

"A-ako si---" naku dapat di malaman ni Luhan na ako to, si Prinsesa Mina...

"Bakit hindi ka makasagot ha!? Siguro magnanakaw ka no!?" sabi ni Prinsipe Luhan.

"H-Hindi, ako si Erming, ang lola ni Prinsesa Mina..." sabi ko sabay kindat

"K." tipid nyang sagot

Kainis, di ko sya malalandi kung ganito ang itsura ko!

Kailangan ko nang pumasok sa walk-in closet ko para magpatuyo at magbihis para bumalik nako sa pagiging Mina ko. Di na ko makapaghintay na landiin si Prince Luhan.

"Lola, saan ka pupunta?" sabi sakin ni Luhan

Pisti ...Lola yung tawag nya saken!? Sakit nun ah!

Magbabayad talaga yung matandang sumumpa sakin kapag nagkita kami !!! Grr!!

"Ah-eh ..magbibihis lang..." Sabi ko sabay ahon sa bathtub ko

"WAAAAAH!!!" sigaw ni Luhan

"Bakit?" Tanong ko sakanya, tas nakita kong tinuturo nya yung katawan ko kaya napatingin din ako.

HOLY KALABAW!! NAKALIMUTAN KO PALANG HUBO'T HUBAD AKO!! Nakakahiya!! Nakita tuloy ni Prince Luhan ang corrugations ko sa aking body!! @#&$%!!!!

Dali-dali kong kinuha ang towel ko sa likod ni Luhan, at nakita ko ang puting kabayo ni Luhan na nakatingin sa katawan ko.

"Anong tinitingin-tingin mo jan kabayong manyak!? Umalis ka nga jan at baka sipain kita!?" Sabi ko sa kabayo

Lumakad na ako papuntang closet ko, si Luhan naman tinakpan ang mata gamit ang kamay nya. Nandidiri ba sya sakin!? Pwes, humanda sya! Makikita nya na mamaya ang tunay kong anyo.

Zeus' POV

Nakakainis naman si Luhan na ito! Makikibanyo lang sasakyan pa ako.. Oo, ako ang kabayo ni Prinsipe Luhan, ako si Zeus, ang baklang kabayo!! Wiiiiii ^^

Taray ko, may POV ako noh!? Yung name ko napaka-masculine pero ang puso ko naman hermaphrodite :3

Anong magagawa ko? Si Luhan ang nagbigay ng name ko.

Back to the story.

Paakyat kami ngayon sa Grand Staircase ng palasyo nina King Chow. Napakalaki talaga ng palasyo nila, pero saan kaya ang banyo?

Sa paglalakad namin, este sa paglalakad ko, may nakita kaming natatanging pinto. Kulay pink at may drawing na rainbow at ponies!! Taray ng pinto teh! Ang cute, parang AKO! Wiiiiii ^^

*Tok Tok*

Kumatok si Luhan pero walang sumasagot.

"May tao po ba jan? *tok tok* Walang sumasagot,wala atang tao" sabi ni Prinsipe Luhan

Kanino kayang silid ito, ang cute talaga ng pinto.

"Zeus sipain mo ang pinto." Ani Prinsipe Luhan

Huh? Sipain? Naku!? Sayang naman yung pinto kung idedevastate ko lang ...pero utos ni Luhan kaya sige.. Wiiii ^^

*BOOOOM*

Wasak ang pinto beybeh!!

Pumasok kami sa loob ng silid, infaireness teh, Havey ang kwartooo!! Wiiii ^^

Sa set-up ng room na'to parang kwarto ito ng isang prinsesa...

"Saan kaya ang banyo dito? Nai-ihi na talaga ako!!" Sabi ni Luhan

EMEGESH LUHAN! WAG MONG IHIAN ANG LIKOD MO KUNDI MACHU-CHUGI KA SAKEN! Wiiiii >:(

Sa pagsa-sight seeing namin, isang threshold ang aming nasilayan. Bakit naman may malaking threshold dito sa isang cute na room? Yun na siguro yung CR :)

Sinipa ko ulit ang Threshold.

At....

"Waaaaaaaah!!!!"

Grandma ½Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon