Untitled Part 7

13.3K 47 1
                                    

Kinabukasan, nagising ako ng good mood at syempre, ginawa ang daily routine ko.After nun ay nag bihis na'ko ng uniform dahil monday nanaman ngayon.


Bumaba nako at nag good morning ng malakas sa loob ng bahay.


"Aba. Mukhang maganda ang gising ng baby namin ngayon ha."


"Mama naman. I'm not a baby anymore. Graduating na'ko oh.."


"Na'ko. Ikaw talagang bata ka. Basta baby ka parin namin.."


"Mama naman e."

"Hahaha. Kidding. Tara na't sumabay kana samin kumain ng hindi ka malate."


Umupo nako at nag sandok na. Kumain lang ako ng kumain at pagakatapos ay dumretso na sa school.. Pagdating ko dun ay boses kaagad ni Jeric ang narinig ko.


"Anaaaaaaa kooooooooo."


Naging agaw atensyon ang boses ng lalaking to. Nakakahiya tuloy.


"Ano ka ba, Jeric. Nakakahiya. Kung makasigaw ka, kala mo nawala ako ng isang taon."


"peace tayo. —Namiss kasi kita." At guess what? Isang malakas na sigaw nanaman ang pinang bawi nito sakin.. At lahat ng mga crowd ay napa 

'Ayiee. Ang magbest friend, mag boyfriend-girlfriend na.'


"Nako. Hindi pa po kami." SAbi ko dahil gosh! Nakakahiya kaya.


"Oo. hindi pa kami. MAGIGING kami palang." At inemphasize pa nito ang MAGIGINg ha. Ano ba to? ;3


"Ah. Eh——"


"Beessst."


Save by Abi. Thank you bessst.


"Tumakbo palapit samin si Abi at hinila ako patakbo. Ito namang si Jeric may pahabol pa bago sumunod samin..


"Guuuuys. Tandaan nyo ha. Magiging kami na. Magiging kami. SOON!" Sabay takbo nito pasunod samin.


Nagtawanan naman lahat ng mga nakarinig doon.


"Kahit kailan talaga itong si Jeric, mukhang ewan." SAbi ni Abi.


'Gosh! Nakakahiya kaya." Sabi ko naman.


"Nakakahiya nga, kinilig ka naman."


"ANO? Hindi aaaah.."


"Hindi? Sure ka??" Sabi pa nito..

"Hi-Hindi........"


"Eh bakit ka namumula?" Sabay sabi nilang dalawa ni Jeric.


STEPFATHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon