Chapter two

26 3 0
                                    

"Class dismissed." Nilagay ko na ang gamit ko sa bag at hinintay namin na makalabas si ms. Ponse, last subject teacher namin. Tumayo ako at lumapit kay agatha. Nakita ko siyang nagreretouch at naglalagay ng lipgloss sa bibig niya. Sa buong classroom, siya ang pinakamaingay. Bukod sa maliit na, ang tinis pa ng boses. Umupo ako sa katapat na upuan ng inuupuan niya at humarap sa kaniya.

"Agatha may balita na ba?" Tinabi niya na ang lipgloss niya at isinara ang bag.

"Wala pa rin. Pero ang sabi, nasa senior daw ang girlfriend ni sir." Nanlaki ang mata ko.

"Ano?! Gross." Sabi ko at sumimangot. Meron kasing napapabalita na girlfriend ng isang english teacher namin dito sa school. And everyone knows na hindi iyon pwede. May mga teacher kasi kami na newly graduates lang kaya hindi masyadong malaki ang agwat nila sa amin but still, it is against the law.

"I know. Eh alam mo na ba yung balita?" Umiling ako. Ang lakas talaga ng sagap ni agatha sa tsismis. "Si tristan daw nakita may kasamang babaeng second year highschool sa mall. Nakaakbay pa daw siya." Lagi naman nilang nakikitang may kasama si tristan pero hindi nila napatunayan. Napalingon ako sa labas ng room at nakitang tumatakbo papasok si trisha. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kendall!" Hinatak niya ang kamay ko at pilit na itinayo.

"Ano?" Tumayo na ko. Tinulak niya ko para maglakad at tumama ang hita ko sa dulo ng table namin. Napahiga ako sa lamesa sa sakit at sumigaw.

"Sorry, sorry! Kendall si kurt!" Hinimas ko ang hita ko at tumayo ng maayos. Tinapik ko siya sa pisngi. "kumalma ka nga muna trisha." Huminga siya ng malalim.

"O ngayon sabihin mo sakin kung napano si kurt." Mahinahon kong tanong. Nanonood lang sa amin si agatha pati ang iba kong kaklase. "Nakikipagsuntukan si kurt dun sa harap ng building nila. " nanlaki ang mata ko at nataranta.

"Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"

"Yung totoo?" Sarkastiko niyang sagot. Tumakbo ako palabas ng room at dumiretso sa freshman building. Nadatnan kong nasa gilid ni mam Kinsay si kurt na nakatingin ng masama kay Tristan. Anong nangyari? Nakita kong may dugo sa gilid ng labi si tristan at nakatingin lang kay kurt. Lumapit ako at sumiksik sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa kanila. Nakaramdam ako ng kurot sa kanang hita ko. Siguro dahil sa pagtama ko kanina sa lamesa.

"Mr. Ocampo and mr. Reed go to the guidance office. Now." Rinig kong sabi ni mam kinsay nang makalapit ako. Napatingin sa akin si kurt at nawala bigla ang sama ng tingin niya ng makita ako. Sumimangot ako at bumuntong-hininga. Naglipat ako ng tingin kay kurt at ganun din siya. Pero agad siyang nag iwas at dire-diretsong naglakad papunta sa guidance office.

Nagsi-alisan na ang mga estudyante at naglakad na rin ako. Napahinto ako nang kumirot na naman ang hita ko.

"Anong nangyari kendall?" Tanong ni agatha na nakasunod sa akin.

"Makirot lang yung hita ko." Sabi ko.

"Hindi ikaw. Sila tristan, anong nangyari?" Tinignan ko siya ng masama. Tsismosa talaga kahit kailan. Tumingin siya sa akin at tumawa. "Joke lang kendall. Una na ko ah?" Sabi niya tsaka naglakad palayo.

Sinundan ko ng tingin si trisha na sumunod kay tristan sa guidance office. Ngayon lang nangyari to na nagsuntikan ang dalawang yun. Kasi una, mas bata sa amin si kurt. Siya yung bunso sa amin kaya imposibleng patulan siya ni tristan. Pangalawa, wala naman sinasabi sa akin si tristan na problema niya kay kurt. O baka nagsabi sila pero hindi ko lang matandaan?

"Hoy." Tumingin ako sa gilid ko at nakita naglalakad papunta sa akin si caleb. Nanlaki yung mata ko nang makita kong naninigkit amg mata niya sa akin.

Maybe somedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon