"that was so embarassing!" Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang mukha ko. Naiisip ko palang yung ginawa ko nung isang araw na pag amin kay caleb nahihiya na ko sa sarili ko. Nung gabi na yun nang umuwi na sila at kami nalang naiwan nila kuya, kinausap niya ko habang nagdidinner kami. Pagkaupong pagkaupo ko palang sa upuan kakaiba na ang tingin niya sa akin. Akala ko naman kung ano. Yun pala uutusan lang ako na samahan ko siyang mamili para sa birthday niya.
"Ano ba naman kasing pumasok sa isip mo at sinabi mo sa kaniya na gusto mo siya?" Tumingin ako kay trisha, close friend ko. Nasa school canteen kami ngayon at nagla-lunch. Kinuha ko yung donut niya at sumubo. "Wala lang. And you know what's the worst part? He thought im joking. Ghad trisha! Nararamdaman ko na talagang malapit ko na siyang masuntok eh."
Pinaningkitan niya ako ng mata."Wala nga lang ba? Baka naman totoo na?" Sumimangot ako. I prop my elbow on the table and rest my chin on my fist. Akala ko nga din gusto ko kaso hindi pala. Hindi ko siya sinagot. Sumubo ulit ako ng donut. Tumingin ako sa paligid at pinanood ang mga dumadaang estudyante nang may umupo sa tabi ko. Amoy palang kilala ko na kung sino. Si tristan, kambal ni trisha. Isang lalakeng gwapo naman sana, kaso chick magnet. Feel na feel pa niya pa na gwapo siya.
"O bakit ang tahimik niyo ata?" Hindi ko siya pinansin. Biglang pumasok sa isip ko ang itsura ni caleb nung gabi na iyon. Im sure, i saw something in his eyes aside from his eyeballs. Takot? Pero bakit naman?
" nagconfess kay caleb." Sabi ni trisha tsaka ako tinuro gamit yung bibig niya. Napaubo bigla si tristan nangsabihin yun ni trisha. Dahan-dahan ko siyang nilingon tsaka tinignan ng masama. Loko to ah. Nagkatinginan kami at tinaas niya ang dalawa niyang kamay as if he's surrendering.
"Im not saying anything okay?" Sabi niya tsaka nag iwas ng tingin. I groan in annoyance. Narinig kong tumawa si trisha. "What?" Sabi ko. Umiling lang siya tsaka sumubo sa pagkain niya. Inubos ko na yung donut ko tsaka naglabas ng notebook.
"Kendi" tawag ni tristan.
"Stop calling me kendi, trash can!" Sabi ko. Ever since ipakilala ako ni trisha sa kaniya 3 years ago, kendi na ang tawag niya sa akin dahil daw hindi bagay yung kendall kasi hindi daw ako mukhang doll. Ang pangit ko daw. Kaya tinawag ko siyang trash can since yun yung unang naisip kong katunog ng name niyang tristan.
"Then stop calling me trash can." Sabi niya tsaka humarap sa akin. Nagtitigan kaming dalawa " wait. Let me guess, kayo na ni caleb no?" Napakagat ako sa labi ko.
" my gosh. I don't like him okay? It was just a prank." Napatingin ako sa gilid niya at nakitang kakapasok lang ng canteen ni caleb. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi pa din ako makapaniwala sa ginawa ko. Im so stupid. Gosh kendall you're so stupid.
"Ehem." Sabi ni trisha. I bit my bottom lip, something that im doing whenever im annoyed or nervous or thinking.
"Bakit nga ulit ako nagconfess sa lalakeng yun?" Tanong ko. Umayos ako ng upo at tumingin kay tisha na ngayon ay nagtetext.
"Because it's just a prank?" Yeah it is. Nagpaalam na si trisha sa amin ni tristan dahil may dadaanan pa daw siya bago matapos yung lunch break. Umoo nalang ako. We're senior highschool and we only got two and a half moths bago kami grumaduate. And somehow i wanted to do something that's not nice while im still here. I wanted to feel that thing my fellow students called "fun".
"I heard you're running for valedictorian?" Tanong ni tristan. Tumango lang ako.
"Trash can--"
"Stop calling me that." I rolled my eyes.
"Whatever. Magsabi ka nga mga bagay na ginawa mong naging dahilan para mabigyan ka ng detention slip." Tinignan niya ko ng tingin na 'anong-trip-mo' look.
" magsabi ka nalang kasi."
"Para saan naman?" Tanong niya.
"Wala lang." Pagkukunwari ko. Gusto ko kasi makaranas ng detention bago ako grumaduate and alam kong ayaw ni tristan yun.
"Oh come on kendi--"
"Stop calling me kendi!" He rolled his eyes.
"Whatever." Naningkit ang mata ko at hindi naiwasang matawa. Tumawa din siya. Tumayo na kami at naglakad palabas. Tumingin ulit ako sa paligid. Wala na si caleb. I groan. Bakit mo pa ba kasi hinahanap yung lalakeng yun?
"Anong nangyayari sayo?" Sabi ni tristan nang medyo tumatawa.
"Wala." Tahimik lang kami habang naglalakad. Siguro siya din may iniisip. Napansin kong pinagtitinginan kami ng ilang estudyante. Otomatikong nagkatinginan kami ni tristan. And with that look, alam na namin ang ibig sabihin nun. Without saying anything to each other, naglakad kami ng magkabilang direksyon. Siya pabalik, ako paabante. Hindi ko na pinansin ang mga tingin nila at dumiretso na sa classroom namin. Mga tsismoso't tsismosa. Bago pa ko makapasok sa classroom, may narinig akong tumawag sa akin. Umatras ako ng isang hakbang tsaka tumingin kay caleb. Nakita ko siyang nakangiti ng malaki pero agad na nagseryoso nang makita niya akong nakatingin na ako sa kaniya. Parang ewan ito. Bigla kong napansin yung mantsa ng ketchup sa laylayan ng uniform niya. Ano naman kayang nangyare sa lalakeng to. Malinis kasi kumain si caleb kaya madalang ko lang siya makitaan ng mantsa ng pagkain sa damit. Tumayo na ako ng maayos nang makalapit na siya sa akin.
"Bakit? Gala ka ng gala malapit nang magstart yung klase." Hindi siya sumagot. Tumingin siya sa loob ng classroom namin tapos sa likod ko. Tinignan ko siya ng 'anong-ginagawa-mo-para-kang-sira' look.
"Hoy anong hinahanap mo?" Lumapit siya sa akin at nilapit ang mukha niya sa kwelyo ng uniform ko. Nanlaki ang mata ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hoy kendall sampalin mo na bilis para makabawi ka na sa pagtawa niya sayo nung nagconfess ka.
And so i did.
"What was that for?" Tanong niya. Nakahawak siya sa kaliwang pisngi niya at nakasimangot. I bit my lower lip. Nakaangat pa din ang kamay ko sa ere dahil sa pagsampal ko sa kanya. Napalakas ata.
"Uhm.." Sabi ko sabay takbo papasok ng classroom.
"Hoy!" Sigaw niya. Dumiretso ako sa upuan ko at nagdedma-dedmahan. Pumasok siya ng classroom at nakaramdam ako ng pagkataranta. Pero bago pa siya makahakbang ulit ay tinawag na siya ni mister zampay na kakapasok lang din ng pinto.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo mister young?" Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang pagtawa. Akala mo ah.
"Uhm. .."he looked at me and i wiggled my eyebrows. "...Ano po sir. Nagkamali lang po ng pasok. Sige po alis na ko." Bago siya makalabas ay binagalan niya ang paglakad at tinignan muna ako. Naniningkit ang mga mata niya. Kawawa naman. Pahiya. Hinintay siyang makalabas ni mister zampay tsaka pumunta sa lamesa niya sa harap classroom. Siguradong asar sa akin yon. Okay lang. Di ba kendall okay lang? Oo okay lang.
"Everybody get a one whole sheet of paper and answer the following." Halos lahat kami nagreact pagkatapos iyon sabihin ni sir. Kumuha ako ng papel tsaka ballpen. Nakapunta na kaya yun sa klase niya? Pinaikot ko ang ballpen ko sa pagitan ng middle finger at pointing finger ko.
"Miss kendall." Tinigil ko ang ginagawa ko at tumingin kay sir.
"Bakit po sir?"
"Make sure you and caleb wont do PDA in front of your teachers next time." What?
• • • • • • •
Chapter two!! Took a while bago makapag update since the word "vacation" doesn't mean "break" to me. Hope you like it guys!
-H

BINABASA MO ANG
Maybe someday
Humor"Alam mo? Gusto ko magbago para sayo. Kasi naisip ko na wag nalang. Kasi hindi ka naman worth it." Napakasinungaling mo talaga kendall. Sabi ko sa sarili ko. Nakatingin lang kami sa isa't-isa. At ngayon ko lang nalaman na, habang pinipigilan mo pa...