Prologue

75 4 0
                                    

Caleb laughed.

Sa lahat ng bagay na alam kong ginagawa ni caleb ito ang pinaka nakakainis ang pagtawanan niya yung sinabi ko. Alam ko na gwapo siya kapag tumatawa pero sa ngayon ang pangit niya sa paningin ko. The way throw his head back while laughing like a little kid, it never fails me to stop and stare at him pero ngayon parang walang effect. My hands turned to fist dahil sa inis.

"What? Is this another prank?" Tumingin siya sa paligid at naghanap ng kaibigan namin na nagtatago. So he thinks na prank lang yun? At this very moment im starting to hate the words what and is and this and another and prank. I tuck my hair behind my ear.

"pero caleb..." Tumingin siya sa akin at ngumiti ng malaki. Napatigil ako. Hindi ba niya nararamdaman na seryoso ako sa sinasabi ko?

"Kendall, let me tell you something. This joke, ginawa na namin ito dati nila michael nung freshman year natin kaya hindi niyo na ko maloloko." He chuckled. Inalis niya ang sumbrelo niya. Inalis niya ang tingin niya sa akin at patalikod na sinuklay buhok niya galing gamit ang mga daliri niya. Isinuot niya ulit ito ng pabaliktad. I bit my bottom lip.

"pero caleb..i really like you.." pabiro niya kong sinuntok sa braso. Hindi na siya sumagot pero may ngiti pa din sa labi niya. Inakbayan niya ako at nagsimula kaming maglakad. Pakiramdam ko nawala bigla ang boses ko. Hindi ako katulad ng iba na inabot pa ng madaming taon bago mag confess ng nararamdaman niya dahil kung tatanungin niyo ako kung kailan pa ako may gusto kay caleb?

Nung isang araw lang.

Nung sinabi niyang mas bagay sa akin yung nakashoes ako kaysa nakahigh heels. Because you see, hindi ako girly. Naiinis ako kapag nagpapacute yung mga babae. Lalo na kapag bigla nalang hihinahon sila magsalita tapos biglang hihinhin kapag may gwapo sa paligid. Nagtataka pa din ako dahil bakit kailangan nila magpanggap? Hindi ko lang magets. Hindi din ako babaeng-babae manamit. Im more on pants and shoes. Dresses? Once in a blue moon. High heels? Never. Marunong naman ako pero simula noong natapilok ako at hindi nakalakad ng halos isang linggo, siguro kapag emergency nalang ulit ako magsusuot noon.

And i act like a boy. No, hindi ako tomboy. But having three brothers and one father, how do you expect me to behave like a girl? And isama mo pa ang mga barkada ng dalawa kong kuya na puro din lalake. You see, punong puno ng lalake ang buhay ko. But i know when i should behave like a girl. Kapag dumadating sila grandma and grandpa from new york. Kasi grandma loves to give me a lot of money para magshopping.

At gusto ko siya dahil, kahit kailan hindi ko siya narinig na sinabihan akong magbago physically. Kahit na hindi ako nakatakong o bistida, sinasabihan niya pa rin akong maganda kahit na dinutuktungan niya ng ' o naniwala ka naman?'. And then i jut found myself thinking about him a lot simula nung isang araw. Mejo nakakainis na kasi hindi ako makapagfocus sa mga gingawa ko kaya naisip kong baka kapag sinabi ko na sa kaniya, maging okay na.

Kaso hindi. Nabadtrip lang ako dahil tinawanan ako ng loko. Tuloy pa din kami sa paglakad at natatanaw ko na ang mga kaibigan namin. Pero hindi pa din siya nagsasalita. Kaya nagsalita na ako.

"Caleb--" huminto siya sa paglakad at pumunta sa harapan ko. Narinig ko siyang huminga ng malalim tsaka nagsalita.

"Kendall." Sabi niya sa seryosong boses. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinignan sa mata. " biro lang yun diba?" he ask me nervously. Hindi agad ako sumagot, dahilan para humigpit ng konti ang hawak niya sa akin. I know what i did was stupid. Confessing your unsure feelings. Alam ko yun at bago ako nagsabi sa kaniya na gusto ko siya, hindi ako nag expect ng kahit ano. Gusto ko lang mailabas ito. And no, hindi ko ineexpect na kapag umamin ako sa kaniya e maiiyak siya sa tuwa, sasabihing gusto niya din ako, tapos magkikiss tapos kami na. Kasi kapag nangyari din iyon hindi ko din baka masuntok ko siya sa mukha.

But somehow, for some reason it hurts.

Nakatingin pa din siya sa akin. Naghihintay ng sagot ko. 5 minutes ago i know i dont if like him that much pero biro nga lang ba yun? Hindi kaya binibiro lang din ako ng pagkakataon?

"hoy kendall diba nagbibiro ka lang?"

No, i don't think im joking. I thought but i didn't say it. I know I'm not expecting anything pero somehow... Somehow theres that tinny tiny hope. And i don't know what that hope is for.

Ngumiti ako ng malaki sa kaniya at tumango. "Oo biro lang iyon." Slowly, his eyes looked more relaxed now. Huminga ulit siya ng malalim at ngumiti na din.

"Sabi ko na e. Kinabahan ako dun ah." Gusto ko sanang tanungin kung bakit siya kinabahan pero wag nalang. Siguro infatuation lang ito. At yung nararamdaman kong sakit? Its because of the rejection. Nothing else. Naningkit ang mata ko sa kaniya at sinuntok siya ng mahina sa tiyan dahilan para mag ilag siya at maalis ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Wow ah. Feeling mo totoo yun? So feeling mo may gusto ako sayo? Asa boy." Naglakad na ulit ako. Naramdaman kong sumunod siya agad at inakbayan ako.

"Syempre seryoso ang itsura mo kanina. Seseryosohin ko din sana kaso baka pagtawanan mo ako kaya ako nalang tumawa." Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa sinabi niya. Kaya hindi nalang ako sumagot. Nakita kong tumatakbo papunta dito si max, kaibigan namin. Huminto siya at sumabay sa amin ni caleb maglakad.

"Hoy san kayo pumunta ha? Anong ginawa niyo dun?" Sunod-sunod niyang tanong sa amin ni caleb.

"Sure ka bang gusto mong malaman?" Tinignan ko ng masama si caleb. Subukan lang niyang sabihin na nagconfess ako sa kaniya. He looked at me and cleared his throat. " joke lang. Tara na nga ang dami mong alam max." Bigla niyang bawi. Niyaya niya na si max na pumasok sa loob ng bahay namin pero tinawag ko ulit siya.

"Caleb tara." Sumama si max sa paglapit kaya hinila ko si caleb at tinulak sa mukha si max. Tumingkayad ako at bumulong sa kaniya. " huwag mong sasabihin yung ginawa ko kanina ha." Tumungin siya sa akin na parang 'wala-akong-balak-pero-dahil-sinabi-mo-sasabihin-ko-na' look. Hindi pwede malaman ng mga lalake ko sa buhay iyon dahil siguradong araw-araw nila along aasarin. Lalo na kay kuya kristoph, panganay na kuya ko.

"Anong binulong niya?" Sabi ni max. Hindi siya pinansin ni caleb. Nakatingin pa din siya sa akin ng nakakaloko. Nang umangat ang gilid ng labi niya alam ko nang trip ako ng lalakeng to.

"Kris!" Sigaw niya sabay takbo sa loob ng bahay namin. Agad ko siyang hinabol pero nakapasok na siya ng bahay. Nakasalubong niya si papa at huminto para magmano sabay takbo papunta sa sala. Hihilahin ko na sana siya sa tshirt nang bigla akong tinawag ni papa. Napakagat ako sa labi.

"Hello pa." Nagmano ako at tumingin sa direksyon kung nasan sila caleb. Nakita ko siyang may sinasabi siya kay kuya pagkatapos sumimangot si kuya. Talaga naman tong lalakeng to! Humanda to sa akin mamaya. Naglakad ako papunta sa kwarto ko pero bago pa ko makapasok, tonawag ako ni kuya.

"Baket koyang?" Sabi ko. Wag kang titingin kay caleb kendall. Baka mahalata ka.

"Mag-usap tayo mamaya." Mejo nanlaki ang mata ko. Sinabi niya talaga? Tumalikod na si kuya kaya tumingin na ako kay caleb ng masama at tinaas ang kamao ko. Nagkibit-balikat lang siya at tumalikod papasok sa kwarto. Dumiretso ako sa kama at sinubsob ang mukha ko sa unan tsaka nagpapapadyak.

Kendall, what have you done?

Maybe somedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon