A/Writers Note.
Please avoid copying any parts of this story and if you want to copy it please tell me.😄
And avoid spoiling the story.❤️
-annaesra
-----------------------------------------------------------Rose's POV
PAAKKK!!
Sampal, yan ang salubong sa akin ng tatay ko sa akin pagkatapos ko magpakapagod sa pag tratrabaho.
Anu ba naman yan kung kelan pagod na pagod ako oh!
"IKAW!!, SAN KA NA NAMAN GALING?!"sigaw sakin ng tatay ko.
"HAYUP KA TALAGA!!, NAPAKALANDI MO KATULAD KA NG NANAY MO!!"sigaw nya ulit sa akin pagkatapos uminom sa boteng hawak nya.
Pagkatapos nya ako sigawan ay nahimatay sya sa sobrang kalasingan kaya ang ending hinila ko sya papunta sa salas at hiniga sa sofa.
Kahit ganito ang tatay ko sa akin mahal na mahal ko siya at alam ko naman na hindi nya sinasadya ang mga nasabi nya nadala lang sya ng kanyang emosyon paniguradong mag-sosorry sya sa Umaga.
Alam ko naman kung bakit nagiging ganto siya.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit siya naglalasing kapag naalala niya si mama. Hindi naman kasi siya ganto dati...
Niligpit ko na ang mga bote na basag at ang mga plato na may lamang pulutan. Pagkatapos ko itong hugasan ay naligo na ako at tumulog kasi maaga pa ang pasok ko bukas sa paaralan at sa gabi naman ay may trabaho pa ako sa isang restaurant.
Pag gising ko kinaumagahan ay nagligo na ako at nagbihis ng uniporme at naabutan ko si papa na nagkakape at kumakain ng pandesal sa kusina namin pag baba ko.
"Good morning anak at sorry sa mga nasabi ko kagabi, Pramis anak simula ngaun magbabago na ako"Sabi nya sa akin.
"Talaga lang Pa ah, Aasahan ko yan para naman may katulong na ako sa pagbabayad ng mga bills natin dito sa bahay" Sabi ko habang niyayakap siya ng patagilid.
"Oo naman anak para makabawi naman ako sayo" Sabi ni papa.
"Oh, Tama na ang dramahan at ako ay malalate na pa sa paara--"naputol ang sinasabi ko ng biglang may sumigaw na lukang babae sa sala.
"GOOD MORNING PEOPLE IN THE HOUSE!"sigaw ng kaibigan kong si Ali. Napatakip naman kami ni papa sa biglaang sigaw nya.
"Aba'y good morning din iha"sagot naman ng papa ko sa kanya.
"Pa, may kakilala kabang doctor at ipapagamot ko na tong kaibi--"naputol ang sinasabi ko ng biglang may bumatok sa akin. Ako naman ay galit na tumingin sa kanya.
"Sorry beh" snabi nya habang naka peace sign.
"Oh sya tama na ang kulitan at baka kayo ay malate na, Anak baunin mo nalang itong agahan mo" Sabi ni papa.
"Salamat Pa, late na talaga kami eh"Sabi ko naman kay papa.
"Bakit parang nagmamadali ka ngayon pa?" Tanong ko sa knaya.
"Ah natanggap kasi ako anak dun sa construction site sa may kanto."Sabi naman nya na nagpagulat sa akin.
Niyakap ko siya ng mahigpit bago kami nagpaalam ni Ali na papasok na.
Ang dami namang magandang nangyari ngayon sana magtuloy tuloy na.
Itutuloy.......
.
.
.
-----------------------------------------------------------
A/Writers Note.Again thank you for reading my story and please avoid trowing hate comments about me or how I write the story.❤️❤️❤️
Please vote and share my story.😊
-annaesra
-----------------------------------------------------------❤️