2

11 0 0
                                    

"Goodmorning best!" bati ni Yam.

"Goodmorning din best,ang ganda ng araw ngayon no!"

"Goodmorning girls!" biglang bati ni Rhuz.

"Ugh! Pangit na araw ko!"

"Alam mo Jena, dapat sanayin mo ang sarili mong ngumiti sa umaga,kasi yun yung magdadala sayo,sa buong maghapon." advice ni Rhuz.

"I don't have to smile at everyone. Ayaw kong maging mabait kasi, sinasamantala nila."

"Hindi ka naman mabait best." biro ni Yam.

"Okay, hindi mo kailangang maging mabait sa lahat,but you could've just atleast smile to everyone who smiles at you." tugon ni Rhuz..

"We are not the same Rhuz! Wag mo akong icompare sayo. I can't fake myself."

Natahimik si Rhuz,at wala ng nagsalita sa kanila hanggang makarating sila sa University.

"Anong meron?" tanong ni Yam.

"Fun run!" tugon ni Rhuz.

"Pano mo naman nalaman."

"Ayun oh nakasulat!" turo ni Rhuz.

"Sali ako dyan! Buti nalang may dala akong damit.." excited na sabi ni Yam,sabay alis.

Umaalis si Jena ng dahan dahan. Nang makalayo siya kay Rhuz ay dumeretso siya sa canteen.. Isusubo na niya ang biniling burger ng biglang.

"Ay kabayo!"

"Bat mo ako iniwan dun kanina?!" nagtatampong tanong ni Rhuz.

"Nag-eejoy ka kasi doon,eh nagutom ako,kaya akala ko okay ka lang doon."

"Ah okay,patikim nga ng burger." sabay kuha ang burger,at kinagat niya ito ng malaki.

Napaluha si Jena. Nagulat naman si Rhuz..

"Jena? Sorry,na-offend ba kita. I'm really sorry. Ibibili nalang kita ng bago." kinakabahang sabi ni Rhuz.

"No,forget about it."

Umalis bigla si Jena..

"Jena,what's wrong?" tanong ni Rhuz.

"Nothing's wrong."

Derederetso na ang luha ni Jena kaya binigay ni Rhuz ang panyo niya.

"Come on Jena,you can tell me. I will listen." sabi ni Rhuz.

"5 years ago nang iwanan ako ng lalaking minahal ko ng sobra. 3rd year kami noon ng nalaman kong pumunta siya ng america para doon mag-aral. Hinintay ko ang tawag,sulat,text niya,ngunit wala akong natanggap. Hanggang lumipas ang isa,dalawa,tatlong,apat,at pang limang taon kahapon. Lagi kong sinasabi na hindi ko na siya mahal,pero ang totoo,never siyang nawala sa isip ko,at lalo na sa puso ko. Alam kong imposible na bumalik siya,pero naghihintay parin ako. Ewan ko ba kung bakit ganito ko siya kamahal, eh gago naman siya. Masaya kasi siyang kasama, iba siya manlambing, napapangiti niya ako. Sinubukan kong makipag-date ulit,pero siya parin talaga ang iniisip ko. Kaya ayun wala ng nanligaw sakin. Hindi ko alam kung kaylan ulit kami magkikita,pero pag nagkita kami ulit,hindi ko na siya hahayaang mawala saakin. Ang tanga ko no! Wala akong magawa eh,mahal ko talaga siya."

Nakatitig lang si Rhuz kay Jena,habang nagkwekwento ito. Pinunasan din niya ang luha ni Jena..

"Ano bang pangalan ng ex mo? If you don't mind." tanong ni Rhuz.

"Jaren, Jaren Cruz."

Natahimik si Rhuz..

"Are you okay Rhuz?"

"Ah, ye..yes!" tugon ni Rhuz.

"Salamat Rhuz ah! Kailangan ko talaga ng makikinig saakin, kasi yung mga kaibigan ko,nagsasawa ng marinig ang pagmamahal ko kay Jaren."

"No problem." maikling sagot ni Rhuz.

"Can we start again? I'm Jena Robles."

Inabot ni Jena ang kamay..

"I'm Rhuz Ocampo. Nice to meet you Jena." nakipagshake-hands din si Rhuz.

"Alam mo Rhuz,yung ginawa mo kanina,it really reminds me of Jaren, he always do that. Lagi niya akong inaagawan ng pagkain."

"Oh really?" tugon ni Rhuz na parang wala sa sarili.

Buong hapon silang magkasama ni Rhuz,at maghapon ding kinwento ni Jena si Jaren.

"He's really amazing, inalis niya ang lahat ng fears ko,as in lahat."

"Jena, I have to go." paalam ni Rhuz.

"Ah okay,see you tomorrow. Madami pa akong ikukwento sayo tungkol kay Jaren."

Pumasok na din si Jena..

Simula noon ay lagi na silang magkasama. Lalong nakilala ni Rhuz si Jena,at ganon din si Jena kay Rhuz. Mas naging super close silang dalawa,dahil may napagsasabihan na si Jena ng tungkol kay Jaren. Mabilis na lumipas ang panahon,at mag-iisang taon na silang magkaibigan..

"Rhuz, jogging tayo!"

"I'm not feeling well Jena." tugon ni Rhuz habang nakahiga.

"What? asan si yaya?"

"Wala siya, nagbakasyon siya. Uuwi kasi si mama next week." tugon ni Rhuz.

Inalagaan ni Jena si Rhuz,hanggang sa bumaba ang lagnat nito. Hindi na din nakapasok si Jena dahil hindi niya maiwanan si Rhuz. Dun na din siya nakatulog..

"Jena, sana masabi ko na sayo ang lahat lahat. Ayaw kong maglihim sayo. Mahal na mahal kita." sabi ni Rhuz kay Jena habang tulog ito..

We found LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon