Later that day...
"Jena,aalis na daw si Rhuz mamaya.." kwento ni Yam.
"Huh?!anong oras daw?"
"mamayang gabi daw.."
"5:45 pm na!!"
Biglang umalis si Jena para puntahan si Rhuz ng...
"Jena! Jena Robles!"
"I'm sorry miss but im in a rush.."
"Don't worry, this won't cost your time.."
Plak!
Isang malakas na sampal..
"Sino ka?"
"Sino ako? Okay magpapakilala ako. I am Tina! Fiance ni Jaren."
Nagulat si Jena, hindi niya alam pero parang wala siyang sakit na naramdaman.. Ang nasa isip lang niya ay mapuntahan si Rhuz..
"Wala ka bang sasabihin Jena! Alam kong ikaw ang unang girlfriend ni Jaren ,pero saakin siya engage.."
"Isa lang masasabi ko Tina. Sorry.. Pakisabi din kay Jaren na wala na siyang babalikan. Now, would you excuse me. May hinahabol kasi akong tao na importante saakin, at i think bukas ka na magpakita kay Jaren, para mameet mo yung babae niya este yaya daw niya."
Nagmadaling sumakay si Jena ng taxi para pumunta ng airport.. pagtingin niya ng oras ay mag 6pm na..
"Kuya,paki adjust naman ng orasan niyo!gawin ninyong 12pm. nakakatensdm kasi,para akong nasa movie.." Nakapagbiro pa si Jena..
Tinatawagan niya din si Rhuz,pero walang sumasagot.. Traffic pa..
"Kuya malapit na ba tayo?"
"Opo miss ,pwede na nga po lakarin,kung nagmamadali kayo.."
Bumaba si Jena at tumakbo papuntang airport.. Hingal na hingal siya ng makarating siya,ngunit kailangan niyang makita si Rhuz..
"Ahm kuya saan po dito ang flight ng papuntang America.."
"Ay miss kakaalis lang po eh."
Nanghina bigla si Jena.. Hindi niya akalaing ganito magtatapos ang lahat sakanila ni Rhuz.. Umupo si Jena at kinuha ang isang papel sa bulsa..
"Dear Rhuz,
I don't know how to say this.. Una sa lahat,maraming salamat sa mga maligayang araw na kasama ka. Oo aaminin ko na naging mean ako sayo nung una..pero habang tumatagal at nakikilala pa kita,doon ako lalong humahanga sayo.. Sana ganito nalang lagi. Hindi ko na nga alam kung paano ba ako pag wala ka. May mga nararamdaman din akong kakaiba pag kasama kita.. Ang gaan mong kasama eh,at sana pag nabasa mo to matuwa ka.. Kasi sa tingin ko Mahal kita.. Mahal na yata kita.. Mahal na mahal kita Rhuz.."
"Hindi ko man lang nasabi kung gaano kita kamahal!"
Umuwi si Jena ng lumuluha.. Dinamayan siya ng papa niya at ng mga kaibigan niya.. Sobra siyang nagalit sa sarili niya.. Sobra siyang nasaktan,pero hindi yon naging dahilan para hindi ngumiti..
3 years later..
"Feb 14 nanaman! Maiingit nanaman ako sa mga lovers!"
"Ano kaba Jena,don't worry! Mas iingitin kita! hahaha."
"Haha funny! Tara na,late na tayo.."
Pagpasok palang nila sa campus ay may nakita na silang malaking paper heart sa gate.. Hindi alam ni Jena,pero napangiti siya nang makita iyon.. Nauna na si Yam sa room nila,dahil mag-reresearch pa si Jena sa library..
"Ay kabayo!"
isang paper heart ang nahulog sa harap ni Jena..may nakasulat dito kaya kinuha niya ito,at binasa..
"Sorry natagalan ang pagbalik ko.. Hindi kita kayang pag-hintayin sa wala. Akala ko kasi hindi ako ang pipiliin mo.. May tanong sana ako.. Please be my valentine." Love, Rhuz.
"Ano miss, okay na ba yan para ibigay sa babaeng pinakamamahal ko?"
Pinunit ni Jena ang papel.. Mukha siyang galit..humarap siya kay Rhuz at sinampal ito..
"Bakit?"
"Dahil yan sa pag-iwan sakin,at dahil binalikan mo ako. Eto ang sayo.."
Hinalikan ni Jena si Rhuz,at naging maligaya silang dalawa.. Maligayang maligaya..
-End-
-Vote, comment:))
Thank you. Happy valentines!
BINABASA MO ANG
We found LOVE?
RomanceA Valentines day special.. "Oo bitter ako,at yang valentines na yan! Pang baduy lang yan. There's no such thing as true love,destiny,at lalo na ang right guy!" - Jena.