Entry #4
150422
Dear Diary,
Ang saya saya namin ngayon!! alam mo ba kung bakit? kasi #CallMeBaby12thWin!!!! tapos #CallMeBaby2ndTripleCrown!!! o diba? Kaya nag-celebrate kami!!! Syempre libre nanaman ng leader naming pandak hehe sino pa ba? edi si Suho hyung hehe kahit naman ganyan ako kay Suho hyung, mahal na mahal ko yan. Sobrang dami na ng pinagdaanan ng leader namin no. 7 years or more than siya nag training. Tapos tingnan mo ngayon, leader siya ng EXO sobrang swerte namin na siya ang naging leader, alam niya kung paano kami alagaan at sigurado akong mahal na mahal niya kaming lahat, sobrang mahal...
Teka, magre-reminisce muna ko. Simula nung mag training ako sa SM ent. Syempre sobrang saya ko nun kasi nakapasa ako sa audition at ayun nga sa pagt-training ko ng ilang years, isa isa kong nakilala sila Suho, Chen, Xiumin, Chanyeol, Baekhyun, Tao, Lay, Kris, Luhan, D.O at Sehun. At ayun natupad na ang pangarap namin. Nabuo ang EXO :) Di ko nga inakala na magiging kagrupo ko sila eh. Pero sobrang saya naman kasi kung wala ako, walang EXO, kung wala sila, walang EXO. diba? We Are One nga eh diba? :) Yung tipong bago kami mag debut, sobra sobra yung naranasan namin na minsan sobrang pagod na pagod na kami galing sa practice sa mga ganun ganun tapos naaalala ko pa dati nun nung kakadebut pa lang namin, so medyo di pa kami famous, konti pa lang yung pumupunta sa mga fansign event namin tapos yung mga panahong di pa kami masyadong kilala sa ibang bansa. Pero tingnan mo naman ngayon, ang layo na ng narating namin. Mas nakilala na kami sa iba't ibang bansa. 3 years na kami since na magdebut kami. At sa loob ng 3 years na yun sobrang daming nangyari, may masaya, malungkot, nakakatawa, nakakainis, nakakaloko at kung ano ano pa.
Last year, yung kay Kris hyung at Luhan hyung. Sobrang nasaktan kami nun kasi di namin inexpect na mangyayari yon. Grabe iyak namin nun. Naalala ko pa nga nun nung pagka-alis ni Kris hyung, si Tao naiwan sa loob ng practice room binuksan niya yung window ng practice room tapos nagpatugtog siya ng ng isang kanta na medyo nakakaiyak tapos yung mga fans sa labas ng building naririnig yun tapos umiiyak na si Tao nun. Sobrang close kasi nila... diba? Tapos yung kay Luhan hyung naman si Sehun sobra din iyak... Syempre lahat kami. Pero tingnan niyo naman ngayon, okay na :) nakakapagusap pa naman kami nila Luhan at Kris hyung kahit na medyo busy na kami syempre si Kris at Luhan nasa China tapos mga artista na sila don, may mga awards na din sila nakuha, sobrang proud na proud kami sakanila :) Tuwing may nakukuha silang awards, tinatawagan o tinetext namin sila tapos cinocongrats namin sila. Oh diba? OT12 parin kami kaso di nga lang sa stage at sa mga concerts OT12 parin kami in real life :) Sana nga lang wala ng umalis samin. Sobrang hirap nung 10 na lang kaming nagpeperform sa stage eh, pano pa kaya pag 9 na lang? sobrang kulang na kulang at ang laki ng space ng stage kaya sana wala na......
Okay tama na nga drama. haha
Love,
Jongin
==========================================================
[AN]
Hi. haha sobrang drama ng entry #4 na to ha. nakakaloka haha. Siguro alam niyo naman na yung rumor diba? sana tumigil na to... sana....
BINABASA MO ANG
Jongin's Diary
DiversosDiary ni negro to. Dito nilalagay ni Kai lahat ng kabaliwang pinaggagagawa niya pati na rin ng EXO at ang lahat ng kanyang mga dinadamdam.