[AN]
HELLO!!!! baka araw araw akong maguupdate dito kasi nga diba diary? hahaha okay.
HAPPY HAPPY BIRTHDAY KAY LUHAN NA MANLY NA MAHILIG SA HELLO KITTY. NAMIMISS NA KITA. SOBRANG NAMIMISS NA KITA HUHUBELLS. INAY NAGTATAKSIL NA SI TAY SEHUN SAYO. BUMALIK KA NA DAW :(((( HUHU. LABYU MWA
————————————————————-
Entry#2
150420
Dear Diary,
Birthday ni Luhan hyung ngayon. Tapos diba nga pumunta kami sa Hello Kitty Restaurant? Alam mo ba nung pagpasok pa lang namin dun, biglang tumakbo si Sehun kay Luhan at niyakap siya ng mahigpit. Sobrang tuwang tuwa silang dalawa. Halatang namiss nila ang isa't isa. Tapos meron pa!!!! si Tao biglang nilapitan si Kris tapos niyakap ng mahigpit sabay bulong na "Hyung, bili mo ko gucci bag" tapos halata kay Kris na gusto na niyang saksakin si Tao gamit ang baba niya kasi parang di daw siya namiss, gusto lang daw pala magpabili ng gucci bag.
Oo nga pala, nagustuhan ni Luhan yung regalo ko sakanyang hello kitty na brief. hehe sobrang tuwang tuwa siya. Tapos halos lahat kami ang regalo sakanya may hello kitty. Di ko alam kung manly ba talaga to o hindi. At habang kumakain ako di ako maka concentrate kasi yung buhok ni Luhan hyung sabog eh. tinanong ko siya kung bat ganun buhok niya tapos sabi niya, dahil daw bago siya pumunta sa HKR, nagtali siya ng apple hair tapos nung tinanggal niya daw yung tali ganun na daw yung kinalabasan. Try ko nga din minsan mag tali ng ganun.
Sobrang saya naming lahat. Kompleto kami ulit. Sobrang nakakamiss kasi yung OT12. Yung 12 kaming nagpeperform sa stage :( Nag groupfie kami kaso di namin pwedeng iupload sa ig. Kasi nga diba bawal. baka mapagalitan kami ng ceo naming asungot. At speaking of ig, sabi sakin ni Chanyeol ang dami daw nagcocomment sa mga pics niya na bakit daw dinelete ko acc ko sa ig. Eh hindi nga kasi ako marunong! puro upload lang ginawa ko tapos gusto ko maglagay nung dp or icon ba yun kaso di ako marunong tapos yung sa bio pa. AYAW NILA AKO TURUAN. kaya dinelete ko na lang hehe. Pero eto seryoso, Hinding hindi ko makakalimutan tong araw na to. Nakompleto ulit kami at ang sarap sa feeling nun. I miss Luhan hyung and Kris hyung so much syempre lahat kami namiss sila. Hoping that we're like this all the time...
Love,
Kai puti na ubod ng gwapo

BINABASA MO ANG
Jongin's Diary
De TodoDiary ni negro to. Dito nilalagay ni Kai lahat ng kabaliwang pinaggagagawa niya pati na rin ng EXO at ang lahat ng kanyang mga dinadamdam.