Sign # 1

1.2K 30 6
                                    

10 Signs na In love ka na sa kanya

#1 Parati mo siyang iniisip

~~~

Dear Diary,

Nakakaloka ang araw na ito. Alam mo ba? Syempre hindi pa kasi sasabihin ko palang. Biglang nagpa surprise quiz si Professor Tuko! Langya! Math pa naman subject niya! Edi syempre di ako naka-pag review. Resulta? 9 over 30 lang naman ang score ko. Sino ba kasing nag pauso ng surprise quiz? Pag nakilala ko yun, sapak siya! Ang hirap kaya nung quiz. Nangyare? Sagot ko sa paper ko puro "Matthew". Kaloka pa nga eh. Iniwanan pa ako ni Professor Tuko ng note sa papel eh, "Whoever 'Matthew' is, he has no connections here Ms. Abreba. Wake up." Jusko nag english pa. Atleast nga naisulat ko pa pangalan ni Matthew eh. Siya nalang kasi parati laman ng isip ko. Yung mata niyang chinito. Yung ilong niyang matangos. Yung cheek bone niya. Yung buhok niya! Jeske! Kaenlab! Yan muna sa ngayon. Pinagluluto na ako ni mama eh.

Love,
Meleah

10 Signs na In Love ka na sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon