Sign # 3

627 19 7
                                    

10 Signs na In love ka na sa kanya

#3 Hinahanap hanap mo siya pag wala siya, pag nakita mo na di mo na maalis ang tingin mo sa kanya

~~~

Dear Diary,

Nakakakilig ang araw na to! Promise! Pero may onting scenes na nakakainis. Oh ganito, kasi nung umaga bago ako pumasok sa klase ko dumaan muna ako sa kwarto nila Matthew. Sumilip ako ng pasimple sa bintana kaso di ko siya nakita. Nilibot ko pa ang mata ko sa classroom nila kaso wala talaga. Tas nagulat ako kasi pagtingin ko sa relo ko male-late na pala ako kaya tumakbo agad ako sa classroom namen. Tas eto na nga! Nung hapon naman pauwi na sana kami ni Kim kasi sabay nalang daw kami. Kaso nagulat ako ng makita ko sina Matthew na tumutugtog! Shocks! Para akong naging bato sa pwesto ko! Alam mo yung parang huminto bigla ang oras ng makita ko siya! Ganun yung feeling! Tas nakalimutan ko na kasama ko pala si Kim! Tas nakita ko siya nakaupo na sa bench nakatulog na! Hala! Ganun ba ako katagal napatitig kay Matthew? Ang haba na pala netong nasulat ko, medyo sumakit kamay ko ah.

Love,
Meleah

10 Signs na In Love ka na sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon