Hi! Di ko alam kung paano 'to uumpisahan. Amff. HAHA! Ah basta. Lezz start. =))
Feb 14. Pinag-red shirt kami nung Officer sa school. Valentines nga daw kasi eh. So yun, pagpasok ko palang. Lahat ng tao, naka-red. As in, LAHAT! O'diba? May cooperation yung mga tao dun. Kahit na ayaw talaga namin magred nun. Kasi naman, ang gusto eh, mag red shirt 'tas nakapalda and black shoes. O diba? Public School lang ang peg. Pero wala, wala kaming nagawa. Kaya nagsuot nalang kami ng ganun.
Pinapila na kami nung mga naka duty that time. Ako naman, twing pipila. Hinahanap ko agad siya. Kasi mamaya, late nanaman siya e. Umakyat na kami sa room. Still, wala parin siya. Nagkakwentuhan na kami't lahat lahat. Wala pa rin siya. Kinakabahan nga ako e, kasi mamaya di siya pumasok. Kasi kagabi nagkachat kami ganito pa nga convo namin eh:
Siya: Hala, wala akong red shirt.
Ako: Hala, haha. Don't worry, di lang ikaw. =))
Siya: Wag nalang kaya ako pumasok.
Ako: Lah, panget mo! :P
Siya: De joke, hahanap nalang ako.
Ako: Manghiram ka nalang. =))
Siya: Sige. Try ko. :P
Oh diba, magkakaron ka ng pagdududa kasi ganyan yung convo niyo nung gabi e. 'tas yun, malulungkot na sana ako kung di lang nagsalita si Alyssa and Aika.
"Uy Liah, anjan na yung buhay mo" Sabi nila.
Ako, tumingin ako sa bintana. Kapag kasi may umaakyat ng hagdan kita mo dun e. Kahit na nasa taas yung bintanang yon. At yun, anjan na nga siya.
Nilagay niya yung bag niya sa upuan niya, sa tabi ko. :"> Magkatabi kasi kami sa seatplan ngayon e. Swerte 'no.
*Recess time*
Napansin kong may pinaguusapan sila Alyssa, Aika and yung bf ko. Naccurious ako, kaya nagtanong ako sakanila.
"Oy, ano yung pinaguusapan niyo? Share!" Sabi ko.
"Eh, basta. Mamaya" Sabi nung bf ko.
Amffff, mamaya pa daw. Eh tae, naccurious na talaga ako.
Dumaan yung isang subject na nawalan na kami ng teacher kasi pinapractice nila yung mga 3rd years and 4th years na may JS Prom kinabukasan.
Naghead down ako kasi, inaantok ako. Bigla niya kong inakbayan.
"Oh bakit ka malungkot?" Sabi niya.
"Di ako malungkot, inaantok lang ako" Sagot ko.
"Weh? Baka naman nagtatampo ka kasi di ko sinasabi sayo yung pinaguusapan namin" Sabi niya.
"Hindi ah, ge lang" Sagot ko.
Lumapit yung bibig niya sa tenga ko, at yun binulong niya yung dapat gagawin niya.
"Kasi ganto yun, pinapakanta nila ako. Kantahin ko daw yung Nasa iyo na ang lahat ni Daniel Padilla, favorite mo daw yun eh"
Ako naman, tago tago kilig. Shiz! Yung hormones ko, parang gusto nang lumabas at magsalita na, "TAMA NA, KINIKILIG AKO EH" haha.
Then yun, di natuloy yung pagkanta. Eto kasing si Loran, nagpauso. May maliit na bible kasi dun sa may table. 'tas nagsalita siya sa harap namin ng mga sinasabi nung Pari kapag may kinakasal. Yung mga tipong for sickness and in health chuva chuva. So yun, pinatulan nung mga kaklase kong nakakatuwa. Nakisali silang lahat.
Una, nasa upuan lang kami. Then, dun kami sinermonan ni Loran. hahaha! Hanggang sa dumating na yung point na, "YOU MAY KISS THE BRIDE NA"
Sabi nila, "Kiss? Dapat hug muna."
So yun, bumulong siya sakin.
"Uy hug daw? Okay lang? "
"Sige, ayos lang."
THEN NIYAKAP NIYA KO! hahaha! :""""""> Daming nagtilian that time. Patii nga siguro lalaki nakisali e. haha
Di nakuntento yung mga kaklase ko. Gusto tumayo pa kami. So yun, nakakatuwa nga siya e. Pinapatulan niya yung trip nung mga kaklase naming babae.
Yon, yung mga girls. Nagpunit ng red na colored papers para daw kunwari confetti. Then, yung sa center dun kami dumaan. May naghatid pa nga sakin kunwari e. HAHAHA! Mejo naffeel ko na yung feeling ng kinakasal.
Then, andun na. Pareho na kaming nasa harap ng teachers table. Then, si Loran parin pastora namin. XD
"Mr. K--------- D-- T------ do you accept Liah Caringal to be your wife?" (Di yan yung pinaka dialog na sinabi niya e. Pero ganyan na rin point niya)
"Yes!" Sabi niya. :">
"Ms. Liah Caringal, do you accept Mr. K-------- D-- T----- to be your husband?
"Yes!" (Sino ba naman ako para tumanggi diba? Eh mahal ko naman yung lalaking yun e.)
Then yun, LUMABAS NANAMAN YUNG WORDS NA, YOU MAY KISS THE BRIDE.
That time, yung mga kaklase ko. Humingi na talaga ng kiss. Gusto nila kiss na. HAHA! Then bago yun, nagtanong sila kung okay lang daw ba sakin.
"Sige, basta cheeks lang" Sabi ko.
Then, dumating na yung time na, KINISS NA NIYA KO! :">
(Nangyari lahat ng yan, bago magluch)
After nun, every subject. Lagi niyang hawak kamay ko, Lagi siyang naglalambing. Super sweet niya pa. Kaya ang masasabi ko lang, ANG SWERTE SWERTE KO SAKANYA. :">
----
Thanks for reading! :">
![](https://img.wattpad.com/cover/4206540-288-k247574.jpg)