Chapter one

53 2 4
                                    

"Oh! Mga suki bili na kayo murang-mura Lang sariwa pa "

Hush! Grabe sobrang nakakapagod talagang magtinda sa palengke
Ay pasensya sorry! Nakalimutan kong magpakilala
Ako nga pala si Jing-er Robles 22 years of existence in the planet earth at nag iisang dyosa ng Brgy. Commonwealth, Quezon City
And I'm proud being tindera sa palengke Hahaha!

"Oh,mga suki bili na murang-mura Lang "

"Ineng,magkano ireng tilapya mo ?" Tanong ni nanay.

"Ahm,one hundred sixty pesos po isang kilo nay . "

" paki bigyan nga ako ng dalawang kilo anak "

Kumuha na ako ng isda at nilagay sa tray at kinilo ito ng makita kong sakto ng dalawang kilo ay kinaliskisan ko at tinanggalan ng hasang bago ko iplastik.

"Nay,eto na po "

Inabot ko kay nanay ang binili nya at ibinigay din naman nya ang bayad.

"Balik po kayo ^_^"

Binigay ko naman agad sa kahera ang bayad ni nanay.

Sumapit ang uwian, grabe sobrang nakakapagod pero kiber lang yan ng beautiness ko Hahaha !
Alam nyo kaya marami ang suki sa pwesto namin dahil sa kagandahan
Ko Haha charot Lang ^o^

"Oh, jing pauwi ka na ba ? " tanong sa akin ng amo kong lalake
Tsk ! Alangan namang tumambay pa ako dito sa palengke syempre gusto ko ng umuwi .
Nginitian ko nalang sya ng pilit .

" ah, opo bakit po ? "

" ihatid na kita sa bahay mo para di ka na gumastos sa pamasahe "

Tang juice naman oh ! Lolo na nga gumagarutay pa .

" ah naku hindi na po salamat nalang po "

Bago pa sya makapagsalita ulit mabilis na akong lumayas sa harap nya . Jusme Lang ! Ang tanda na malandi pa din .
Naghanap na ako ng masasakyang trycycle , agad naman akong nakakita at sumakay doon.

" manong , dyan nalang po sa tapat "

Bumaba na ako at binayaran ang trycycle kinuha ko ang susi ko sa bag ko at binuksan ang padlock ng bahay ko . Di naman kalakihan ang bahay ko parang kwarto lang dahil pang individual person lang talaga
Ang gamit ko sa bahay ay isang maliit na tv at ceiling fan lang , ayoko magdami ng gamit dahil mag isa lang naman ako sa bahay .
Nagpalit muna ko ng damit , pagkatapos ininit ko na iyong natirang ulam kanina hindi na din ako nagsaing dahil may bahaw pa naman akong natira.

Mmmmm... Yum yum yum
Ang sarap talagang kumain ng pinaghirapan .

TOK TOK TOK

Huh ? Sino naman kayang istorbo na to ?
Bago ko buksan nagsalita muna ko baka mamaya nyan magnanakaw pala .

" sino yan ? "

" bakla ! Ako itey ang iyong friend naajunda "

Grrrr... Nandito na naman ang beki na to panigurado mag coconfessed na naman sa akin ito tungkol sa kanyang sawing lovestory .
Binuksan ko na ang pinto para makapasok sya.

Love Moves In Mysterious WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon