#enjoy !
****
Dito ko na pinatulog si cristina a.k.a Christopher , napagod sya sa kakaarte at pagdradrama nya sa akin kanina , halos bumaha na ng luha ang bahay ko eh buti nalang tumigil din sya .
Humiga na ako sa tabi nya kampante naman akong wala syang ibang gagawin tsaka sanay naman na akong tabi kami matulog dahil minsan dito sya natutulog sa bahay.
" jing , nasaan ang mga magulang mo ? " tanong nya bigla .
Shit ! Ano ba naman yan bakit bigla syang nagtanong ng ganyan ?
" ah .. Eh .. " ano bang sasabihin ko ? Alangan namang sabihin kong patay na ang mga magulang ko samantalang buhay pa naman .
" umamin ka nga pinalayas ka ba talaga ng tiya mo ha ? "
Di ako makasagot parang hinuhuli nya ako na nagsisinungaling lang talaga ako .
" jing , di naman ako magagalit eh bilang kaibigan mo gusto ko magsabi ka ng totoo mapagkakatiwalaan mo naman ako eh "
Sasabihin ko na ba ? Bahala na nga mapagkakatiwalaan ko naman sya eh .
" ang totoo nyan lumayas talaga ako sa amin , ipapakasal kasi ako ng mga magulang ko sa lalaking hindi ko mahal syempre may mga pangarap naman ako na gusto kong maisakatuparan paano ko iyon matutupad kung mag aasawa na agad ako mahalaga sa akin ang kalayaan ko masakit man sa akin na iwanan ang mga magulang ko pero kailangan ko iyong gawin para hindi ako matali na pagsisihan ko habang buhay .
Patawarin mo sana ako kung nagsinungaling ako sayo "
Mahabang paliwanag ko sa kanya .Bigla naman syang umupo at humarap sa akin .
" salamat ha at nagsabi ka ng totoo , una palang kasi nagdududa na ako sayo , halata kasi sa mga ikinikilos mo na hindi ka basta-bastang tao lang " nakangiti nyang sabi sa akin .
" parang gumaan iyong pakiramdam ko ah hehe "
" gagaan talaga yan nailabas mo na eh , matulog na nga tayo maaga ka pa bukas sa palengke next time nalang tayo mag kwentuhan about sa life mo kapag di na tayo busy "
BINABASA MO ANG
Love Moves In Mysterious Ways
RomanceSPREAD THE LOVE. Si Jing-er ay umalis sa kanilang bahay dahil gusto syang ipakasal ng kanyang mga magulang sa isang lalaking hindi naman nya mahal. Si Jaresh Montecillo ay isang lalaking sawi sa pag ibig, dahil sa kagustuhang maka...