Sabi nila introvert loves rain pero bakit ako hindi?
Oo, aminado akong introvert ako pero sobrang lungkot ko tuwing umuulan,
I felt something na nawala sa'kin pero I don't know kung ano yun.Nagising ako sa sarili kong kaisipan nang may ilaw na dumampi sa'king pisnge, ilaw ito ng bus dahil kanina pa ko naghihintay dito sa waiting shed.
Sa katagalan nga nito umulan pa kaya naisip ko yung thought na 'yun.
"Buti naman may bus na. " bulong na sabi ko sarili sabay sakay sa bus.
Patuloy pa rin sa pag-ulan habang nasa biyahe ako.
"GORGIA ligo tayo sa ulan." sabi nang matiponong lalaki na nakatayo sa harapan ko.
Nagtataka ako dahil hindi Gorgia ang ngalan ko kundi Summer.
"Halika na hindi ka na naman nagsasalita." sabi niya ulit at hinablot ang kamay ko papunta sa p'westo na walang silong.
Kitang kita ko sa mga ngiti niya ang saya at ganoon din ang nararamdam ng puso ko, sumabay na lamang ako sa kaniya kahit hindi ko alam ang nangyayari ngunit sobrang saya ko na kasama siya.
Niyakap niya ko nang mahigpit. "Sana maulit pa 'to mahal ko." nalungkot ako sa sinabi niya hudyat na kumalas ako nang kaunti sa pagkayakap niya.
Tinitigan niya ako na tila bang namamaalam na sa kapanglawan nito.
"Ti tengu caru, Gorgia." hindi ito familiar na lenggwahe sa'kin ngunit naiintindihan ko 'to.
Hinawakan niya ang aking pisnge, dahan-dahan akong hinalikan napansin kong nangingilid sa'ming mga mata ang luha na kanina pa naming pinipigilan na lalo kung pinagtataka.
"Ti tengu caru, Jhuno." bigla itong lumabas sa'king bibig na kinakirot ng puso ko.
"Umuwi kana Gorgia paparating na sila." Malungkot na sabi niya.
YOU ARE READING
Not all introvert loves rain
RomanceWhat do you feel when a rain started? Siguro ang iba sa'tin ay masaya o 'di kaya payapa ang tulog pero sa lagay ni Summer there's no peace of mind when the rain started. Thank you to @Uniquenightsofautumn for the bc. 2019 published on deleted fb ...