IKALAWANG PARTE

92 12 4
                                    

"Miss, gising" pagtapik tapik sa'kin nang katabi ko.

"Hmm," maikling tugon ko, nakatulog pala ako ng 'di ko namamalayan at sa balikat pa nang katabi ko.

"Nandito na." sabi ni kuyang driver.

"Salamat, Kuya!" pagpapasalamat ko sa kuyang nagdadrive,  agad akong bumaba nang bus.

Kinuha ko ang payong sa'king bag dahil umuulan pa rin, patuloy akong naglakad papunta sa bahay.

Tinignan ko muna kung anong oras na dahil may gagawin pa 'ko.

Habang tinatahak ko ang daan lumilipad na naman ang isip ko na tila may gustong alalahanin.

"Ano ba yung na panaginip ko?  karugtong 'ata 'yun nung iba ko pang panaginip?" tanong ko sa sarili.

"Ti teng—? Ambastos naman psh." bulong ko sa sarili na bahagyang natawa.

"Ti tengu caru." nagulat akong nang may nagsalita sa likod ko na familiar ang boses.

Siya siguro 'yung nagtapik sa'kin sa bus para magising ako, balak ko sana 'tong lingunin pero mas pinili ko na lang na ipagpatuloy ang paglalakad ng matulin.

"Ti tengu caru, Gorgia." hinatak ako nung lalaking kanina pa 'ata sumusunod, sa paghatak niya na iyon nabitawan ko ang payong na hawak ko.

"Mister, Anong ginagawa mo?" takang tanong ko.

Niyakap niya ko nang mahigpit hudyat na lumaki ang mata ko sa gulat.

"P'wede ba bitawan mo 'ko, nababasa na rin ako ng ulan!" Pag-aangal na sabi ko.

"Why do you hate rain?" pagtatanong niya sa'kin balak ko sa siyang sagutin ng pabalang pero mas pinili ko na lang munang huminahon.

"Do I know you?" mahinanong tanong ko napansin kong nalungkot siya sa tanong ko.

"Jhuno hè u mo nome." matipid niyang sagot.

Hindi ko alam ang sasabihin ko napahinto ako sa pagkakatayo ko dahil naunawaan ko ito.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa'kin,
hindi ko namalayang may tumutulo na pala naluha saking mata.

"Hindi ko alam? sino ka ba? bakit nasasaktan ako nung sinabi mo ang pangalan mo?" pinipilit kong pigilan ang pagiyak ko pero ayaw ng aking mata.

"Naalala pa nang puso mo."

"Nung pinaalis kita Gorgia pinagsisihan ko yun sana pala tinakas na lang kita at namuhay tayo nang masaya."

Hindi ko tinanggap yung pera na binigay sa'kin ng papa mo para layuan ka kaya pinapatay niya ko." bulong na sabi niya.

"Bakit?" ito lamang ang nasasabi ko dahil patuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil unti lang ang naalala ko dahil din sa iba ko pang panaginip.

"Itinago ko ito sa'yo pati na rin ang papa mo."

Hindi ko na alam ang sasabihin ko sobra na kong nasasaktan dahil sa kaunti lang ang naalala ko at wala akong nagawa.

Not all introvert loves rain Where stories live. Discover now