Jeep to Forever

9 1 0
                                    

Nakakainis naman! Kung kailan late na 'ko sa flag ceremony namin, wala pang jeep! Panay puno! Nakakaano naman kasi mag shuttle. Mahal eh, doble pa sa pamasahe sa jeep.

"Ay! Ayan na!" Napasigaw na 'ko habang habol-habol ang medyo hindi maraming pasahero na jeep. Pero dahil marami kaming nag-aabang din. Napuno na sa loob. Gusto ko na hilahin ang buhok nung babae kasi inunahan ako!

"Miss, meron pa rito sa harap!" Sigaw ni Kuya driver sa'kin.

Akmang uunahan ako nung isang beki nang hilahin ko siya. "Gaga ka! Miss daw, hindi ka naman miss!" (Disclaimer: I'm not against with LGBTQIA+. I just really need to go to school, because I am late!)

Inirapan naman ako ni bakla. Wala na akong time makipagtarayan sakanya. Sasakay na sana 'ko nang may kasama pala 'ko sa harap.

"Miss? Saan ka bababa? Sa may Bayan pa ako."

"D'yan! Sa school d'yan!" Turo ko nalang. Mauuna naman akong bumaba sakanya eh. Huwag na siyang ano d'yan. Late na 'ko!

Sa wakas! Nakaupo na rin ako. Kaya nga lang, tagaktak ang pawis ko. Dinaig ko pa ang nakipag marathon ah. Bwiset kasi naman, Lunes na Lunes, late nagising.

"Shit." Naiusal ko nalang nang wala akong makapang panyo sa bulsa ng palda ko! Kung mamalasin ka nga naman.

"Oh, gamitin mo. Pawis na pawis ka. Medyo ano, 'yung uniform mo.." Inabot niya sa'kin ang panyo pero iwas siyang tumitingin sa uniform ko.

Another kahihiyan for today! Wala pala 'kong nasuot na sando panloob! As in lantad ang colorful kong bra! Lord, super malas ko naman po ata today, ano? Wala na po bang mas maimamalas pa?

Tinaggap ko ang panyong inoffer niya at nagpunas kaagad. Iniharang ko nalang ang bag ko sa may dibdib ko para 'di mailang 'tong katabi ko. Akala mo naman talaga. Well, para 'di rin ako maconcious.

"Monday na Monday late ka ata ah?" Sabi nitong katabi ko kaya nilingon ko siya. "Sorry feeling close." Nginitian niya 'ko.

Napaiwas naman ako ng tingin nang ngumiti siya. "Kaya nga eh. Late na tuloy sa flag ceremony. Bwiset pa mga ibang pasahero. Makasiko akala mo eh may prize na makukuha. Competitive mas'yado." Inis kong sabi.

Bahagya naman siyang natawa. "Monday kasi. Marami talagang pasahero ng ganitong oras. Buti nga nakasakay ka pa."

"Uunahan pa nga sana 'ko nung bakla kanina. Sabi kasi ni Kuya driver, 'miss'. Akala siguro siya 'yung miss." Dagdag ko pa na ikinatawa ni Kuya driver at ng katabi ko.

"Miss na rin naman siya." Sabi nitong katabi ko.

"Pero kahit na. May egg balls pa rin naman siya!" Sabi ko pa na mas ikinatawa nila ni Kuya driver. "Ay wow, saya yarn Kuya driver? Pakibilisan naman po ang pagmamaneho, late na po ako." Seryoso kong sabi sakanya pero umiling-uling lang siya at tumawa.

"Nako, hija. Matatagalan pa tayo. Paubos na gas ko." Malokong sabi ni Kuya driver.

Nanlaki naman ang mata ko at napakunot-noo nang sobra! Ngayon pa talaga naisipang maubos ng gas na 'yan?

"7:10 na. First subject mo na, 'no?" Tanong nitong katabi ko.

Napasandal nalang ako at napabuga ng hangin. "Oo. Lintek talaga. Lagot ako neto sa adviser ko. May warning na 'ko."

"First time palang naman ata eh?"

"Kahit na! Role model pa naman ako sa school, tapos late." May bahid ng disappoinment kong sagot.

"Naks, role model." May halong pang-aasar niyang sabi.

Inirapan ko naman siya. "Parte kasi ako ng SSG. Oh, 'di ba? Ayos!"

Historias de amorWhere stories live. Discover now