"P'wede ba? Umalis kana nga! Mamalasin pa 'ko dahil sa'yo eh!" Sigaw sa'kin ni Mama dahil sinusundo ko siya para umuwi na.
"Pero Ma... anong oras na po, hindi pa kayo kumakain." Pamimilit ko.
Bigla nalang niyang tinapos sa'kin ang basong may laman na alak. "Punyeta! Anong pakialam ko?! Buhay ko 'to! Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko! Bobo ka ba? Bingi? O tanga?! Umuwi ka nalang! Pabayaan mo na 'ko!"
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang umiyak at punasan ang sarili ko dahil nabasa sa alak. Hindi rin nawala ang mga tingin ng tao sa'kin at pinagtatawanan ako.
"Bes, tara! Hinahanap ka ni James sa quadrangle!" Pagtawag sa'kin ng best friend ko at hinila na 'ko palabas.
Tumambad sa'kin si James na may hawak na bouquet. Sa likod niya ay ang mga kaibigan niyang lalaki na may hawak na banner, nakalagay 'will you be my girlfriend?'.
"OMG, Bes! Kinikilig ako! Lapit kana dali!" Halos itulak na niya ako papalapit kay James.
No choice. Nasa tapat niya na 'ko ngayon. Si James ay manliligaw ko, halos limang buwan na rin siyang naliligaw sa'kin. Hindi ko ikakaila na gusto ko na rin siya. Sadyang natatakot lang ako dahil kilala siya sa school namin bilang playboy. Pero sa loob ng limang buwan niyang panliligaw, napatunayan niyang nagbago na siya.
"Alam mo kung gaano kita kamahal, Sophia. Binago ko ang sarili ko hindi lang para sa'kin, kundi para patunayan sa'yo na karapat-dapat ako para mahalin mo."
Sincere ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Ang mga labi niyang matatamis ang mga ngiti ay tunay na nakapagbibigay sa'kin ng kakaibang pakiramdam.
"Gusto kong iparamdam pa sa'yo ang pagmamahal ko. Will you be my girlfriend, Sophia?"
Nagtilian ang mga babaeng nanonood sa'min at naghiyawan ang mga tropa niyang lalaki. Mas lalo silang humiyaw nang dahan-dahan akong tumango at binigkas ang salitang 'oo'.
"Phia! Nako! Ang nanay mo!" Bungad sa'kin ni Aling Janet nang mapadaan ako sa tindahan niya.
"Po? Bakit po?" Kinakabahan kong tanong.
"Nasa Ospital! Eh paano, nagkapikunan sa sugalan, ayun! Umabot sa pisikalan! Nasaksak nung asawa ni Karen at nagsasabunutan sil--"
'Di ko na pinatapos pa si Aling Janet at dali-dali na akong pumunta sa ospital. Naabutan ko si Mama na nakahiga at walang malay. Ginamot na ang sugat niya sa tagiliran na may bahid pa ng konting dugo.
Maluha-luha naman akong lumapit sakanya. "Ma...ano bang nangyari?"
"Punyeta, Sophia! Ano na naman bang ginagawa mo rito?!" Galit na galit niyang sabi. Sinusundo ko kasi siya sa sugalan.
"Ma, bawal ka nga po muna umalis-alis kasi 'di pa po magaling--'
"Eh ano bang pakialam mo?! Hindi ba dapat nga masaya ka at wala ako sa bahay! Walang mag-uutos sa'yo! Walang magbubunganga?!" Sigaw niya kaya naman pinagtitinginan kami ng mga kalaro niya pati na rin ng ibang tao.
"Ma.. umuwi nalang tayo." Pagpupumilit ko.
"Mare, inaaya kana ng anak mo oh. Sumama ka nalang. Hindi ka pa pala magaling." Sabi ng kalaro niya.
"Hindi! Hayaan mo siya d'yan! Oh dali, ikaw na." Sagot niya at nagpatuloy sa paglalaro. Hindi niya man lang ako inintindi ulit.
Naglakad nalang ako pauwi. Naabutan ko si James sa tapat ng bahay namin. May dalang paper bag.
"James? Anong ginagawa mo rito?" Kinakabahang tanong ko.
Tatlong buwan na nang maging kami pero hindi ko pa rin nasasabi kay Mama na boyfriend ko siya.
YOU ARE READING
Historias de amor
Short StoryThere are several varieties of love, as well as various types of pain and wide variety of stories.