The Answer

13 1 0
                                    

"Kynley, ito oh, sagot." Nakangiti siya sa'kin habang inaabot ang papel niya.

I rolled my eyes, "no, thanks."

"Sige na, ito 'yung tama na sagot--"

"Ayna, p'wede ba? Matalino ka, oo, pero kaya ko rin sagutan 'to nang mag-isa." Mukhang napahiya naman siya dahil pinagtitinginan kami ng ibang students. Pakeilam ko sakanila, mga chismosa.

Ngumiti pa rin siya, 'sige. Kapag need mo ng sagot, sabihan mo lang ako ah?"

"Mukha mo need. Plastic." Bulong ko at pinagpatuloy ang pag sagot.

Mas'yadong plastikada, feeling anghel, demonyita naman!

"Hay nako, masama naman talaga ugali n'yan!"
"Sinabi mo pa. Biruin mo, siya na nga tinutulugan, siya pa may ganang um-attitude!"
"Hindi na nga katalinuhan, ang arte-arte pa!"

Napadaan ako sa grupo ng mga kababaihan, at ako ang pinag-uusapan nila. Pinag-uusapan nila ang nangyaring eksena kanina.

"At least kahit papaano may talino ako. Eh, kayo? Panay paganda lang, malalandi pa! Feeling crush ng lahat ng mga lalaki sa school. Ha, hoy, kaya nila kayo nagugustuhan kasi madadali kayong kuhain! Mga pokpok!" Sigaw ko sakanila. Mga papansin amp, akala mo naman may ibubuga sa klase.

Aminado naman akong 'di ako super talino gaya ni Ayna, pero, duh! Kaya ko rin naman sumagot sa klase. Hindi ako sobrang bobo, basta masipag, p'wede na.

"Okay class, group yourselves into two."

"Ma'am, 37 po kami. Paano po 'yun, may isa magtatatlong group?" Tanong ng bida-bida kong classmate.

"Ah, oo nga pala. No, ang isa ay mag sosolo."

Nilibot ko naman tingin ko, lahat sila may partner na. Ha, so ako talaga ang mag sosolo? Psh, okay lang.

"Ms. Kynley, since ikaw lang mag-isa, instead of answering 10 questions, you'll just answer 5 questions." Mabait talaga 'tong si ma'am.

Lima nga lang gagawin ko, pero pagkakita ko naman, alam na.

"Ayna, pakopya nga kami sa no. 3."
"Ayna sa'kin sa no 5."
"Ayna sa'kin lahat!"

Pinagkakaguluhan si Ayna ng mga classmate namin. Katabi ko kasi siya, at nasasanggi na nila 'ko. Mga uhaw sa sagot,

"Kynley, pakopya."

Sabay-sabay kaming napatingin sakanya nang sabihin niya 'yon. Ang ilan ay natawa pa.

"Seryoso ka, pre? Kay Kynley ka kokopya?"

"Bakit? May masama ba ron?" Tanong nito, sabay tabi sa'kin at agaw ng papel ko.

"Ito nalang, Jigs, oh. Tama 'tong sagot ko." Sabat naman ni Ayna.

Tinignan lang ni Jigs 'yung papel, pero tinuloy niya pa rin ang pagkopya sa'kin.

"U-uy, inaalok kana ng sagot oh. Ayun nalang."

Tinignan niya naman ako, as in 'yung tingin na nanghahatak?

"Mali ba gawa mo?"

"Hindi ah!" Taas-noo kong sagot. Confident ako sa sagot ko, ako lang 'to.

"Confident ka naman sa sagot mo, 'di ba?"

"H-ha? Oo naman." Kahit papano naman nakinig ako sa lesson kahapon kaya alam ko ang sagot.

"Ayun naman pala eh. Edi sa'yo na ako kokopya."

"Alis nga d'yan! Nakakopya ka naman na 'di ba? At ikaw, ibili mo nga 'ko ng sandwich sa canteen! Nagugutom na ako, bilis!" Nabigla kami sa sigaw na 'yun ni Ayna.

Historias de amorWhere stories live. Discover now