CHAPTER 34

232 19 7
                                    

Gen's POV

Nakarating na sina yzabel sa clinic at saktong dumating na ang ambulansya na magdadala kay cole

"Jaydee and dana maiwan muna kayo dito kami na lang muna ni gia ang sasama sa hospital" sabi ni abby habang sinasakay si cole sa ambulance

"Ate naman sasama ako" pagrereklamo ni jaydee

Tinignan naman ni abby ang prof nila, tinign na nagpapaalam king pwede

"Sige na villaruel sumakay ka na" sabi ng prof nila at sumakay naman sila, huling sumakay si abby pero bago sya pumasok ay sumenyas sya kay dana

"Dana paki tawagan si yaching at rachel" sabi nya at sumakay na

"Jusko naman lord tulungan nyo po si cole" sabi ni klaire at nag sign of the cross

"Evans yung pinapagawa ni ate abby" sabi ni jem

Kinapkapan nya naman ang bag ni cole at binuksan ang bulsa nito at binigay ang phone kina yzabel

"Oh kayo na tumawag baka mahimatay ako sa kaba pag ako kumausap" sabi ni dana

"Bwisit ka talaga kahit kelan evans" sabi ni jem at kinuha ang phone ni cole at nagdial

Nang magring ang telepono at binigay nya ito kay yzabel

"Ikaw na" sabi ni jem



Yzabel's POV

"Hello ate?" Tanong ni rachel ng sagutin nya ang tawag, nakaloud speaker ako para marinig naming lahat

"H-hello r-rachel ako to si a-ate yzabel mo" nauutal na sabi ko, kinakabahan ako

"Ay ate yza bakit po?"

"R-rachel s-si ate c-cole mo..."

"Ano po nangyari kay ate?!" Rinig kong nag aalala na ang kapatid ni cole at nginig na nginig na rin ang mga kamay ko na naka hawak sa phone, hindi ko to kaya


Kinuha ni ate sela ang phone at sya na ang kumausap kay Rachel

"Hello rachel si ate sela to, magkasama ba kayo ni yaching? Pumunta kayo ngayon dito sa hospital malapit sa campus mamaya na kami mag papaliwanag" sabi nito at pinatay na agad ang call

Gusto ko nang puntahan si cole pero hindi ko kaya makita sya sa ganong sitwasyon

"Evans nandito kapa akala ko sumama ka don" sabi ng isang lalake, mukhang hindi sya student kase ang laking tao nya at mukang matanda na rin

"Pinaiwan ako dito coach eh tyaka susunod din naman ako dun mamaya, bat ka pala nandito coach?" Tanong ni ate dana




Gen's POV

Tumingin naman ang coach sa pintuan ng clinic at pumasok si lara na hawak hawak si jaye na bugbog ang muka

Tumayo si dana sa pagkakaupo nya at lumapit kay jaye at sinuntok sa muka

"Gago ka ano ginawa mo sa kaibigan namin?!" Gigil na sabi ni dana habang pinag susuntok parin si jaye

"Evans, evans tama na" pagpigil ng coach at pinalayo si dana kay jaye

Lumapit naman sina jem kay dana para pakalmahin ito

"Hayaan mo na sya evans, school na ang bahala kung ano ang kapalaran nya" sabi ni jem at hinawakan ang kamay ni dana

"Jusko kanaman brual, dinala nga yan dito sa clinic para gamotin dinagdagan mo pa" sabi ng coach nila

"Hindi na yan dapat ginagamot" sabi ni dana



A ROAD TRIP OF US | YZACOLE  Where stories live. Discover now