CHAPTER 6

220 17 0
                                    

Sela's POV

Nag lalakad parin kami at papunta na kami sa mga clubs dahil tapos na namin libutin ang mga rooms na importante at kailangan nya malaman

"So this is the studio or dance studio" sabi ko at pumasok kami allowed naman pumasok and also to let her see kung ano ang dance studio dito sa campus

"Wow its really big" sabi ni yzabel habang nililibot ang tingin sa loob ng studio

"Marami kaseng members ng dance troupe and iba't ibang klase ng mga dance performances din merong hiphop ballroom etc kaya malaki talaga ang dance studio nila" sabi ni klaire

Lumabas na kami at pumunta sa susunod na room or club

"Ito naman ang arts and design kaso hindi tayo pwede pumasok dyan eh alam nyo na fragile baka may ma sagi tayo na mga paintings pero every year meron namang arts display dito" sabi ko at sa bintana na lang kami tumingin

"Next naman dito is film club mga props nila sa pag fifilm ang naka tambak dito, dito din sila nag pplan ng film na ipapalabas as school etc." pag eexplain ko

"Yan lang naman ang ilan sa mga clubs dito sa school meron pa yan pero bala pagod na kayo kakalakad gusto mo pa ba makita yzabel?" Tanong ko sakanya

"Ah ok na ate makikita ko naman siguro lahat mahaba pa naman ang school year maiikot ko pa yung ibang clubs" sabi ni yzabel

"Ate punta muna ako myu club pina tawag ako ni prof eh may meeting kami" sabi ni kath saamin

"Sabay na lang tayo kay kath ate para makita din ni yzabel yung myu club or music club natin" sabi ni klaire

Sumunod naman kami at nag lakad hindi naman ganun ka layo sng myu club

Author's POV

"Alam mo mami noot dalawa ang music room yun isa dun naka lagay yung mga instruments yung isa naman for practice" pag kukwento ni klaire kay yzabel

"Gagi ate mini auditorium yung isa dun madalas nag rerehearsal ang mga mag peperform na students or banda" sabi ni amy at tumawa

Inirapan lang sya ni klaire at nag patuloy sa pag lalakad

"Oh akala ko ba sa music room?" Tanong ni ella

"Sa mini auditorium daw" sabi ni kath

"Pumasok kana kath mag hihintay lang kami dito baka kase importante yan sige na" sabi ni sela at nag si upo na sila sa mini garden sa labas ng mini auditorium kung saan palagi nag rerehears yung banda

"Sige ate saglit lang po" sabi ni kath at pumasok na

Pag pasok ni kath nakita nya lahat ng members ng el hiraya na kinakausap ng prof

Kath's POV

"Oh Kathleen nandito kana pala" sabi ni prof max

"Bakit nyo po ako pina tawag sir?" Tanong ko

"Well kase as isa ka rin sa mga tumutulong mag produce at mag compose ng kanta sa el hiraya they have announcement so since nakita ko kayo kanina at alam ko naman na hindi pa kayo umuuwi u better know this announcement also" sabi ni prof max

"Ano po ba yung announcement?" Tanong ko

"So abby and gia can't participate sa mga next rehearsals and ganap sa banda due to their responsibilities abby is focusing on her academics and also sa pagiging student council and gia is catching up her projects kase kung hindi baka hindi sya maka graduate so because of that we need to hire a vocalist or just to sub for the two girls we need to make audition asap so we can start na" sabi ni sir

"Cge sir thank u for informing me" sabi ko

"So kayo na bahala? I can't assist you I had a lot of things to do" sabi ni prof at tumingin samin

"Yes prof kami na bahala" sagot ko sakanya wala talaga silang balak mag salita nakikinig lang sila

"Cge I will count on you huh bawal palpak sige bye I have a lot of things to do pa" sabi ni prof max at umalis na ng mini auditorium

"May count on you count on you pa syang nalalaman kala mo naman malaki naging ambag nya sa pag buo ng mga kanta natin" rinig kong bulong ni cole

"Oh parang problemado naman kayong lahat" sabi ko sakanila

"Paano namang hindi eh andami ko pang tatapusin na project" sabi ni gia

"Teka may nagawa ka ba kath na kanta?" Tanong sa akin ni ate aby

"Wala pa ate hindi pa naman ako binibigyan ng go signal at masyadong busy kase ngayun eh" sabi ko sakanila

"Pag graduating talaga no ang hirap ang daming kailangan gawin tapos igigive up jusko naman" sabi ni gia at umupo sa upoan

"Teka may tao ba sa labas?" Tanong ni jaydee

"Ay oo mga kasama ko" sabi ko sakanila

"Oh eh bat hindi mo pinapasok? Papasukin mo" sabi ni ate dana

Lumabas ako sa auditorium para tawagin ang mga kasama ko

"Ate pasok daw kayo" sabi ko

"Akala ko ba may meeting kayo?" Tanong ni yzabel

"Wala tapos na may sinabi lang naman sila kaya tara na" sabi ko

Sabay kami pumasok at tumingin sa mga parang lantang gulay na members

"Oy mga pare anong problema nyo bakit para naman kayong namatayan" masiglang sabi ni amy sakanila

(Gen's POV)

"Di na muna kami mag pperform" walang gana na sabi ni abby

"Luh edi hindi ko na makikita paboritong banda ko sa stage ngayung school year?" Tanong ni amy

"Kami lang ni gia" sabi ni abby

"Eh pano kayo mag pperform kung kulang kayo?" Tanong ni sela

"Yun yung pinag usapan namin kanina na kailangan namin mag pa audition asap para merong mag sub samin" pag papaliwanag ni gia

"Pero parang isa na lang kailangan natin na member nandito naman si amy diba amy?" Sabi ni dana at ngumiti kay amy

"Oo nga pwede naman si amy na lang" dugtong ni cole at bumaling muli sakanyang cellphone

"Ay anong ako? ayoko madami akong ginagawa sa buhay tyaka okay na ako na sumasama minsan sa inyo wag lang yung mag susub baka pag bumagsak ako kami ng aso ko mag sswap ng bahay"

"Sige na amy please" sabi ni dana at lumuhod pa sa harapan ni amy

"Ate kahit gustohin ko man na makapag perform kasama kayo eh ayaw din ni erpats alam nyo naman na pareho lang tayong graduating" sabi ni amy

"So pano yan?" Tanong ni jem

"Edi ituloy ang audition bukas" sabi ni dana at umupo

"Baka may kakilala kayo dito sa school na interesado paki sabihan dito sa auditorium bukas pagkatapos ng klase" sabi ni abby

🐧🗼
-----------------------

Hindi ko na alam kung ano ano na sinusulat ko pero isa lang alam ko

Malapit na silang mag kausap yyyyiiiiieeee
okay bye

A ROAD TRIP OF US | YZACOLE  Where stories live. Discover now