Author's POV
Rinig ang sigawan at tili ng mga students sa hallway
"bakit sila nagsisigawan" tanong ni yzabel sa mga kasama nya "ito ang sinasabi naming tradisyon" sabi ni kath habang naka tingin parin sa hallway
lahat ay tumili nagsisigawan dahil sa pagdaan ng isang grupo na papunta sa locker nila na malapit lang sa kinatatayuan nila yzabel
"hay nako naman ang ingay" sabi ni amy ng naka simangot
"sus parang hindi ka naman sanay" sabi ni coleen at tumingin sa phone nya
{On the other side}
Habang naglalagay sila ng gamit nila sa mga locker nila
"ano ba yan ang ingay" reklamo ni lara habang nilalagay ang mga notebooks at books nya sa locker nya
"parang di ka naman sanay every school year kaya ganito tayo, chill ka lang first day of school eh hb mo tignan mo si dana kumakaway kaway pa nga eh oh HHAHAHA" sabi ni gia at tumingin kay dana na ngumingiti at kumakaway sa mga taong nasa paligid nila
"lakas ng tama umagang umaga HHAHAHA" (insert dolphin laugh alam nyo na to) sabi ni jaydee at kumaway narin
"lakas daw ng tama eh sya din naman" sabi ni lara at sinara na ang locker nya
"later guys we have meeting sa studio kase may importante kaming sasabihin ni gia so be there okay at half day lang naman daw tayo ngayun eh" sabi ni abby at tumingin sa phone nya
"what? First day of school tapos half day? Wtfudge" sabi ni mainiting ulo na si lara
(In the other side)
"Sino sila?" Tanong ni yzabel at tumingin ang mga kasama nya sakanya
"They are the el hiraya or el vision a well known group here in campus" sabi ni coleen
"take note hindi lang sila basta group they are band, famous band hindi lang dito sa school even outside pa nga" sabi ni amy
"wow nag english ka ah" tawang sabi ni coleen sakanya "oo minsan lang ako may baong english" tumawa ding sabi ni amy
"kaya pala grabe yung tili at sigawan ng mga students dito" sabi ni yzabel
"yup and marami pang mga sikat na students dito" sabi ni jem at tumingin sa paligid
"so kilala nyo lahat ng students?" tanong ni yzabel
"uhm well hindi naman lahat pero we know some, since they are joining a club hindi kase ganun ka kilala ang mga students dito if wala kang club na sinasalihan" mahabang paliwanag ni sela
"if you wanna know sige I'll introduce them to you" sabi ni klaire
"ayun yun si lyza yung babae na kasama yung nakatutok lang sa cellphone nya si direk naman yun" sabi ni klaire habang tinuturo yung mga babaeng nag lalakad
"direk talaga pangalan nya?"tanong ni yzabel tumawa naman silang lahat
"gagi hinde yung totoong pangalan nya is princess" sabi ni sela
"and silang tatlo ay part ng dance club dito sa campus" sabi ni klaire
"wow so they dance well" sabi ni yzabel
"oo naman pambato kaya sila sa mga national and international dance competition" sabi ni klaire
"ayun naman yung grupong yun alam mo na sila yung el hiraya yung naka simangot na babae yan si lara laging mainitin ulo nyan hindi naman lagi pero beast mode yan lagi yung katabi nya naman ayan si batas" sabi ni klaire
"batas?" tanong ni yzabel
"oo batas yan laging nag poprotekta sa grupo nya pati na rin kay ate sela" sabi ni klaire ang tumingin silang lahat kay sela
"hoy wag nyo ko tignan ng ganyang" sabi ni sela na namumula ng kaunti ang kanyang mukha kaya nag tawanan silang lahat
"si abby pala yan yung batas and then next yung katabi ni ate abby si gia yung laging nahahangin sa sobrang hangin nya akala nya lahat may crush na sakanya" sabi ni klaire at nag tawanan silang lahat
"grabe naman kayo" sabi ni yzabel
"ay hinde ate as in talaga pag nagkikita kami sa cafeteria sasabihin nya yan uy crush mo ko no tas ipipilit nya talaga na crush mo sya hyst" nanggigigil na sabi ni amy
"Yung nasa gilid nya naman na kumakaway si evans" sabi ni jem habang nakatingin sa babae
"dana evans" sabi nya ulit at tumingin sa direksyon nila yzabel
"magaling na drummer yan beh oo tapos nag pplay din yan ng guitara" sabi ni klaire
"yung isang loko na kumakaway din yan si jaydong, jaydee villaruel part naman sya ng dance club" sabi ni amy
"eh bat sya nandyan" tanong ni yzabel
"eh kase yan yung grupo nya part nga sya ng dance club pero pag kalokohan dyan sya" sabi ni amy
"at dyan naman talaga sya eh na part ways lang sila kase pinursue nya yung passion nya sa pagsasayaw" dugtong ni jem
Yzabel's POV
"Sino naman yung isa tanong ko" sakanila habang naka tingin sa babaeng tinutukoy ko
"huh meron pa ba?" sabi ni coleen
"lima lang naman sila ah" sabi ni amy
"oo nga" pagsang ayon ni ate jem
"kung ano ano nakikita mo mami noot huh" sabi ni klaire
"kumpleto naman sila ah si abby, lara, gia, jaydee at dana" sabi ni sela at tumingin din sakanila
Hindi ba talaga nila nakikita yung nakikita kong matangkad na babae na payat na maganda at pogi din? Hala baka multo sya omg
"may multo ba dito?" tanong ko sakanila malay mo diba nagpaparamdam siya sa mga new students
"sa ilang years na kaming nandito sa school nato parang wala naman" sabi ni ate jem
Wala pero hindi nila nakikita yung isang babae na nakikita ko so ano yun? pansin ko rin na hindi sya kinakausap ng mga katabi nya
"Uy char lang nakikita namin yung babaeng tinutukoy mo" sabi ni klaire at tumawa bwisit talagang mga to
"Yung nasa likod na babaeng matangkad yan si cole the cold hearted-" hindi na natapos ni klaire ang sinasabi nya ng sunod sunod na nagsalita ang mga kaibigan nila
Mean - coleen
Snobber - sela
Rude - jem
Angry - amy
Scary - ella
Person - dugtong ni kath sa mga sinabi nila"Huh? She looks nice naman ah" sabi ko totoo naman she looks nice
"Hindi mo pa kase sya ki-" hindi natapos ni amy ang sinabi nya nung nag ring na ang bell
"Ok enough of chikahan na tayo pumasok na kayo sa classroom nyo see you later" sabi ni ate sela
"See you at lunch time" sabi ni amy at umalis na
"Oh tara na pasok na tayo bago pa tayo maabutan ng prof dito" sabi ni klaire at umupo na kami sa kanya kanyang upoan namin
🐧🗼
-----------------------
YOU ARE READING
A ROAD TRIP OF US | YZACOLE
Hayran Kurgu"Love is about you and me but sometimes it's not destiny" Handa na ba kayo kiligin? Masaktan? Mainis? At ma bored? expect kaconyohan and slow UD