PROLOGUE

38 6 7
                                    

WUKAS

Nakaupo ako sa malaking metal na upuan, nakatali ang mga paa at kamay gamit ang leather strap. May eight na wire din ang nakadikit sa noo ko.

Muntik kong makalimutang sabihin, nandito ako ngayon sa loob ng pabilog na cage na naimbento ng kaibigan ko. He called it, "Time Travel Machine". At ako ang pinaka unang susubok nito.

"Ready ka na?" Nasa labas siya pero naririnig ko ang boses niya dahil may speaker na nakakabit sa loob.

I'm ready, as I always am.

Desperado na ako. Gusto kong makabalik sa panahon kung saan buhay pa ang asawa at anak ko.

"Kapag gumana 'tong time traveling experiment mo, paano ako makakabalik?" Nilakasan ko ang boses ko para siguradong maririnig niya.

It's funny, how I didn't thought about that before.

"Tawagan mo ako. Nasa'yo naman 'yong phone mo 'diba? At alam mo naman ang number ko." May na-se-sense akong pag-aalala sa boses niya. Parang hindi siya siguradong gagana 'to. "Kapag natawagan mo na ako, gagawin ko ang trabaho ko para maibalik ka dito."

"8 months, Wukas. You have 8 months na mag-stay doon. Pero kapag lumagpas ka ng 8 months, hindi ka na makakabalik." Dugtong niya.

Ing-duct tape namin kanina 'yong phone ko sa bewang ko para siguradong hindi ito mawawala.

"Gagawin ko na. Paalam, Wukas."

Ramdam ko ang matinding kuryente na dumadaloy sa katawan ko. Hindi ako makasigaw o maigalaw manlang ang daliri ko. Hinang-hina na ako at pakiramdam ko, mawawalan na ako ng malay.

***
"Gising na siya."

Puting kisame ang unang tumambad saakin, pagkamulat ko ng mga mata ko. Iginala ko agad ang paningin ko at nakitang may nakakabit na IV sa kamay ko.

"Ano'ng name mo, kuya?" Tanong saakin ng babaeng naka kulay puting fitted na polo. May hawak siyang folder at ballpen. Maamo ang mukha niya at mahinhin ang boses niya.

"W-Wukas Cervantes." Kinusot ko ang mata ko para makasiguradong tama ang nakikita ko. "Bakit ako nandito?"

She slightly raised her brows. As if she's shocked for some reason.

"Nakita ka kasing walang malay sa kalsada."

Did it work? Bigla kong naalala ang time travel machine. Kanina lang nakaupo ako doon at ngayon, nandito na ako.

Masakit pa ang ulo ko at nanghihina pa ako dahil sa kuryenteng dumaloy saakin kanina.

"May masakit ba sa'yo? Nahihilo ka ba?" Dahan dahan lang ang pagsasalita niya. She have this sweet and soft smile and it kinda annoys me. As if she's trying to mask her true personality with her smiles. It makes me want to wipe it off her face.

"I'm okay." Tipid kong sagot.

Nahagip ng paningin ko 'yong kalendaryo na nakasabit sa puting dingding. I squint my eyes to see the numbers clearly.

"May... 2020-- WHAT?" Nanlaki ang mata ko at kinapa kapa ko ang bewang ko. "'Yong cellphone ko, nasaan!?" Tumayo ako at pinagtatanggal ang bed sheet ng kama para tignan kung nandoon ang phone.

I'm stressed, I'm panicking, I'm having an emotional crisis right now.  2020!? I'm supposed to travel back before my wife and daughter died, not before the year I met my wife!

"I-Ito ba, sir?" Inabot saakin ng nurse ang itim na phone na nakabalot pa sa blue na duct tape.

"Thanks" medyo kumalma ako nang makita ang phone ko. "Aalis na ako."

"Teka, Wukas. May magulang or panilya po ba na maaaring sumundo sa'yo?" Nag-aalalang tanong saakin ng nurse.

"Ulilang lubos na po ako. At wala akong uuwian na pamilya." Pagsisinungaling ko. Pero totoo naman na wala akong uuwiang pamilya.

"Kung gano'n, 'wag ka munang umalis. May tatawagan kami."

Bumalik ako sa hospital bed at piniling mahiga muna hanggang sa makatulog ako.

"Wukas Cervantes. Wala ka bang nanay, tatay, kapatid na mauuwian?"
Tanong ng babaeng nasa edad 40. May suot siyang rectangle na salamin. At maayos ang kaniyang pananamit.

Sa likod niya ay may isang matandang babae na may hawak na bag at pamaypay. At katabi niya ang isang lalaking malaki ang pangangatawan.

"I don't have a family. Namatay na silang lahat." Malamig ang tono ng pananalita ko.

"Kami ang nangangalaga sa 'Home For Youth'. Pinapatira at inaalagaan namin ang mga katulad mong ulila, ng libre. You have a choice na sumama saamin." Tumititig siya saakin at hinihintay niya akong magsalita.

"Sasama po ako."

"Good. Just call me, Lady Ivory." hinarap niya ang matandang babae na nasa likod niya. "Ako na ang bahala sa hospital bill mo."

###

He's From 2030 (ON-GOING) Where stories live. Discover now