III: Chores

10 1 0
                                    

FEBBY

"Dad don't leave us, please." I begged him with tears falling on my cheeks.

"Hon, makinig ka naman. Maaayos pa natin ang lahat. G-gagaling pa ako!" Sinusubukan ni mommy na pigilan si dad sa pag-e-empake ng mga damit niya.

"Shan!" Hindi niya kami pinansin. Sa halip ay pumunta siya sa kwarto ni kuya.

"Shan! Go pack your things."

"What the--" Binunot ni dad 'yong saksakan ng computer niya.

What in the world? Bakit pati si kuya isasama niya? Naaawa na ako kay mommy. Halos lumuhod na siya para magmakaawa na 'wag siyang umalis.

"Ayaw kong umalis." Pagmamatigas ni kuya. Pero si dad na mismo ang nag-empake para sakaniya.

"Shan Sebi, Let's go!" Sigaw niya.

My knees are trembling in fear. Ngayon ko lang narinig na sumigaw si dad.

Mabilis ang paglalakad ni dad habang hila-hila niya si kuya sa braso. Nagpunta sila sa office niya kung saan hindi kami allowed pumasok ni kuya.

Pagkapasok nila sa loob, dali-daling sumunod si mommy at sinenyasan akong maghintay sa labas.

I wonder what they're doing there. Halos 10 minutes na ang nakalipas simula nang iwan nila ako dito sa labas ng pinto ng office. Gusto kong sumilip kasi baka sinasaktan ni dad si mommy.

"Febby..." Mag-isang lumabas si mommy. Hawak-hawak niya ang bonet niya na dapat ay tumatakip sa nalalagas niyang buhok.

"What happened, mom?" Niyakap ko agad siya nang ma-realize kong umiiyak siya.

"I-I don't know... They're gone. They time traveled."

"Good morning mga anak. Magsibangon na kayo para sabay-sabay tayong kumain ng umagahan."

Nagising ako sa malambing na boses ni nanay Sollete. Agad kong tinignan ang oras. It's 7 am. Magsisimba pala kami mamayang 9 am.

"Maganda talaga ang umaga kapag si nanay Sollete ang nanggigising." Nakangiting sabi ni Shin habang nag-aayos ng higaan niya.

Sa tatlong Lady na tagapamahala nitong Spring Home, si Lady Sollete ang pinaka-close namin. Parang nanay na namin siya. Actually, lola kasi 54 years old na siya. 

"Kairita, mapaparami ulit kain ko nito." Ani ni Winter habang tinitiklop ang kumot niya.

We know she's just joking. Kapag si Lady Sollete ang nanggigising saamin, siya aang nagluluto ng breakfast. Yes, maipapahinga ang tiyan ko sa nakakasukang lasa ng pork and beans.

Sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto nang marinig ang tunog ng bell. Hudyat na oras na para mag-breakfast.

"Good morning, nay." Isa-isa kaming niyakap ni nanay Sollete at may kasama pang halik sa pisngi namin. We're teens now pero para parin kaming bine-baby ni Lady.

"I-enjoy niyo ang breakfast. Masarap 'yan, 'di katulad no'ng pork and beans." Bulong niya saamin na may kasamang mahinang pagtawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's From 2030 (ON-GOING) Where stories live. Discover now