II: His Future & My Past

19 2 4
                                    

FEBBY

WALA sila Lady Sollete, Ivory at Asia. Nagkaroon kasi ng general meeting ang mga tagapangalaga ng iba't-ibang orphanage kaya kami-kami lang ang nandito.

"Dalhin niyo na muna sa clinic." Mahinahong utos ni Nikki sa mga boys.

Pinagtulungan nilang buhatin ang walang malay na si Wukas. Habang si Winter, nanginginig sa kaba.

"What happened, Febby? Ikaw 'yong kasama niya kanina." She turned herself to me.

"I don't know. Nag-uusap lang kami tapos bigla siyang napatigil." Paliwanag ko sakaniya habang pilit siyang pinapakalma.

"Next thing I knew, namimilipit na siya sa sakit." Dagdag ko.

"Sunod tayo sa clinic." Hinila ni Winter 'yong kamay namin ni Shin at agresibo kaming hinatak papunta sa clinic, kung saan dinala si Wukas.

May clinic dito sa sa loob ng bahay. Para kung sakali man na may nangyaring disgrasya, magagamot agad.

"What?" Bungad saamin ni Nikki.

"Gusto sana namin siyang bantayan. Is that okay?" I said in a nicest way possible. Kapag nagalit si Nikki, delikado na baka maparusahan ulit.

"No"

"What!? Payagan mo na kami! Gusto lang naman namin--" Hindi na natapos pa ni Winter 'yong sasabihin niya, dahil tinakpan na ni Shin 'yong bunganga niya.

"At bakit ko kayo papayagan, Ms. Winter?" Deretso lang ang tingin niya kay Winter.

Hindi siya mukhang galit pero alam kong hindi siya nakikipag biruan.

"Gusto mo bang malaman nila Lady?" Winter stood straight and confidently said those lines.

"Malaman ang?" Pinagkrus ni Nikki 'yong dalawa niyang braso.

"Na may secret relationship kayo ni kuya Wynne." A curve on her lips slowly formed.

Nagulat kaming tatlo sa sinabi ni Winter. Hindi namin ing-expect na kaya niyang i-blackmail ang isa sa pinaka-nirerespeto naming tao dito.

"'Wag kang gagawa ng kalokohan. Febby, Shin. Sumama kayo sa loob. Make sure that there's no funny business na mangyayari." Binuksan ni Nikki 'yong pinto at hinayaan kaming pumasok sa loob.

"Guess I can now make Nikki to obey me by just saying those lines." Pagmamayabang ni Winter.

"There's something between them?" Tanong ni Shin. Nilagay niya pa 'yong palad niya sa bibig niya para malamang na-shock siya

"Wala sa ugali ni Nikki na pumatol sa kuya mo." Pagbibiro ko kaya inirapan ako ni Winter.

Agad kaming kumuha ng upuan na monoblock at umupo sa tabi ng kama ni Wukas.

I hope he feels better when he wake up.

"Gising na, baby..." Winter gently touched his fingers.

"Ang harot mo. Ikaw kaya matulog tapos kulit-kulitin." Hinampas ni Shin 'yong kamay ni Winter na nakahawak sa kamay ni Wukas.

"Ayos lang naman. Basta si Wukas 'yong manggugulo saakin." She giggled.

He's From 2030 (ON-GOING) Where stories live. Discover now