FEBBY
NAGMAMADALI kaming tatlo na makaakyat sa ikatlong palapag kung saan nandoon ang kwarto namin.
"Febby, faster!" Sigaw ni Winter na nasa palikong hagdan na.
Alam naman nilang mahina ako pagdating sa takbuhan tapos sinama pa nila ako. Hawak-hawak ko ang laylayan ng dress ko para hindi ako matisod sa bawat paghakbang ko.
"Nasa likod mo na si Lady Asia!" Pabirong sigaw saakin ni Shin.
Nahuli lang naman kami ni Lady Asia na nakikinig sa usapan nila ni Lady Sollete. Ang sabi, may bago raw, lalaki at 16 years old.
Likas na chismosa ang mga kaibigan ko kaya hinila nila ako para makinig din sa pinag-uusapan nila Lady Asia.
"I c-can't breathe, Shin..."
Agad niyang nilagyan ng ventolin 'yong nebulizer ko at si Winter naman, inuna pa ang pag-lock ng pinto.
"I'm sorry." Kita ko ang pag-aalala sa ngiti niya. Inabot niya saakin 'yong mask ng nebulizer na ngayon ay may lumalabas nang usok.
"Huminga ka lang diyan, sisilipin namin 'yong paparating na bago."I stayed on my bed while inhaling this salty artificial smoke. Habang sila naman, nakasilip sa bintana. Tanaw kasi mula rito sa kwarto namin 'yong garden kung saan malapit ipinaparada 'yong kotse.
Kung 'di sana nila ako dinamay sa kalokohan nila, edi sana 'di nabawasan 'yong stock ko ng ventolin.
"Ayan na siya!" Napalakas ni Winter 'yong tili niya kaya nagising 'yong isa naming ka-room mate na si Harmony.
"Ano ba? Kita mong natutulog ako. Bastos lang?" She rolled her eyes and clenched her fists.
Alam kong hindi nagpapatalo si Winter kaya hindi na ako magtataka kung sasagot siya.
"Sweetie, it's 11 am. Walang rules na nakalagay na bawal mag-ingay sa bedroom ng tanghali."
Ngumiti pa si Winter dahilan ng paglipad ng unan sa direksyon niya. Well, hindi naman siya tinamaan.
"Hoy ang pogi niya, Febby!" Niliitan niya pa 'yong mata niya para mas makita 'yong lalaki.
I don't care kung pogi siya. Hindi ako 'yong tipo ng tao na, jowang jowa. Malay ko ba, baka serial killer 'yang bago na 'yan.
"Ladies and gentlemen, please proceed to dining area." Biglang tumunog 'yong speaker na nakakabit sa loob ng kwarto at narinig ko ang boses ni Lady Asia. Dahilan para tumaas mga balahibo ko.
"Ayan na, ipapakilala na!" Lumapit na saakin sina Winter at Shin. "Don't worry, kami na maglilinis niyang nebule mo." Pagpresinta ni Winter.
Pagkababa namin, lahat na sila ay nakaupo sa long table na nasa dining area. Maliban nalang kay Harmony na nasa taas pa.
"Where's Harmony Evendale?" Halata ang inis sa boses ni Lady Ivory. Kapag tinawag na kami sa full name namin, ibig sabihin, galit na siya.
"Tulog pa po, Lady Ivory." Magalang kong sagot sakaniya. Kahit na wala akong ginawang mali, halos hindi ako makatingin sa mga mata niya.
YOU ARE READING
He's From 2030 (ON-GOING)
Fantasy26 years old Wukas Cervantes, went through the grief of the death of his wife and child. With the help of a time travel machine that was invented by his friend, he desperately took a risk and tried to go back to the day before his daughter and wife...