MILLERS SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By...emzalbinoNang matanggap ni Eloisa at Fely ang address na binigay ni Lizel ay agad din nilang pinuntahan ang lugar at namangha si Eloisa dahil ang akala niya ay isang simpleng bahay paupahan lang ang kanilang uupahan ngunit isa itong napakaganda at napakalawak na bahay....
Halos hindi maihakbang ni Eloisa ang mga paa at napatulala ito sa kanyang nakikita ng biglang hatakin ni Fely ang kanyang kamay para ayaing lumapit sa may gate kaya wala siyang nagawa kundi parang robot na lumakad ito na nakasunod sa kaibigan habang palinga linga sa paligid ng biglang bumukas ang main door ng bahay at iniluwa ang isang may edad nang matandang babae....
Agad na nginitian sila ng matanda at nagmamadaling nilapitan sila nito sabay bukas ng gate......"Mga iha kayo ba ang sinasabi ni Lizel na uupa ng kwarto?....nakangiting tanong ng matanda sa dalawaat maya maya ay natuon ang mga mata nito kay Eloisa na mas lumawak pa ang ngiti...
"Opo lola!....sabay na sagot ni Fely At Eloisa....
"Ah ganoon ba, mabuti naman at naparito agad kayo dahil baka kasi may makakuhang iba eh sayang naman"...,saad ni nanay Darya...
"Oo nga po eh"......agad na sagot ni Eloisa...."Kayo lang po ba ang nakatira sa napakalaking bahay na ito?....tanong ni Eloisa ng hindi na niya matiis ang magtanong sa matanda...
"Oo iha, dalawa lang kami ng aking asawa ngunit kung minsan ay dumadalaw dalaw ang mga anak at apo ng may ari nitong ancestral na bahay. Si don Sebastian ang may ari nito pero minsan nalang siya dumalaw kasi sa America siya nakatira sa isa pang anak niya doon at ang isang anak nito ay namatay na na siyang ama naman nila Wayne at Duane..Si Duane naman ang ama ng kambal na sina Darylle at Darlene at si Wayne ang ama ni Rayne at Rhannie"....kwento ni nanay Darya kay Eloisa na kahit na parang nalilito ay tumango tango nalang...
"Halina kayong dalawa at ituturo ko sa inyo ang magiging kwarto ninyo"....maya maya ay yaya ni nanay Darya sa dalawa na agad namang tumalima..
"Salamat po!...sabay pang sagot nina Eloisa at Fely....
Kung kanina ay namangha ang dalawa sa laki ng bahay peto ngayon ay hindi sila makapaniwala sa magiging kwarto nila...
"Nanay Darya dito po ba kami matutulog ni Fely?...hindi makapaniwalang tanong ni Eloisa habang palinga linga sa kabuuan ng kwarto..
"Oo iha kasi sira iyong aircon sa kabilang kwarto na siya sana talagang magiging kwarto ninyo pero pansamantalang dito muna kayo habang hindi pa nagagawa,hindi pa kasi napapagawi si Darylle dito para tingnan ang sinasabi ko sa kanyang dapat na ayusin dito sa bahay dahil masyadong abala ang taong iyon at maging ang mga magulang nito kaya ipinasya kong dito muna kayo".....salaysay ni nanay Darya...
"Nakakahiya naman po nanay Darya kasi po pang mayaman po ang kwartong ito at hindi kami nababagay sa klase ng kwartong ito at baka magalit po ang may kwarto nito....may pag aalalang wika ni Eloisa samantalang si Fely ay tahimik lang na naupo sa ibabaw ng kama...
"Naku hindi ganoon ang pamilyang ito! Mababait sila at hindi sila mapang mata sa kapwa"..,..sagot agad ni nanay Darya sa sinabi ni Eloisa..
"Ay ganoon po ba nanay Darya paensiya na po kasi nag alala lang po ako".....hinging paumanhin ni Eloisa sa matandang mayordoma ng bahay..
"Walang anuman iha, siya sige ayusin na ninyo ang inyong mga gamit at maiwan ko muna kayong dalawa para makapagluto na ako ng ating pananghalian"...saad ni nanay Darya sa dalawa...."Sige po nanay Darya"....sabay na wika ng dalawa at noon din ay iniwan sila ng matanda at tahimik lang sina Eloisa at Fely na naupo sa may kama...
"Eloisa ang ganda ng magiging kwarto nating dalawa"...maya maya ay basag ni Fely sa katahimikang nakapagitan sa dalawa..
"Oo nga eh Fely kaya hindi ako makapaniwala na dito tayo tutuloy dahil pang class lang ang ganitong kwarto at bahay"....sagot naman ni Eloisa saka inumpisahan nitong inayos ang mga gamit nito at maging si Fely ay inayos narin nito ang kanyang mga gamit..
Pagkatapos na iayos ni Eloisa ang kanyang mga gamit ay agad na bumaba siya at tinungo ang kusina kung saan ay abala ang matanda sa pagluluto...
"Tutulungan ko na po kayo nanay Darya"...prisenta ni Eloisa sa matanda saka hinimay na nito ang mga gulay na lulutuin ng matanda...
"Marunong ka bang magluto hah Eloisa?"....anang nanay Darya habang nakaharap sa kanyang niluluto..
"Marunong din po kahit papaano"....nakangiting sagot ni Eloisa..
"Ay mabuti kung ganoon kasi mas maganda sa isang babae ang marunong magluto para kung mag asawa na ay mas lalong mapapamahal ang iyong magiging asawa sa iyo".....ani nanay Darya sabay harap kay Eloisa..
"Nanay Darya naman, eh wala nga po akong boy friend paano ako makakapag asawa niyan".....natatawang pahayag ni Eloisa..
"Ano wala ka pang nobyo?....hindi makapaniwalang tanong ni nanay Darya kay Eloisa..
"Opo".....tipid na sagot ni Eloisa....
"Hindi ako naniniwala, Sa ganda mong iyan,wala ka pang nobyo?.....muling turan ng matanda na titig na titig kay Eloisa na tumango lang ito...
"Hindi po kasi iyon ang priority ko sa buhay dahil ang tanging pangarap ko sa ngayon ay maiahon ang aking pamilya sa hirap at mapag aral ang aking mga kapatid para kahit papaano ay makapagtapos sila ng pag aaral para magkaroon sila ng magandang bukas".....pahayag ni Eloisa na naging dahilan ng pagngiti ni nanay Darya...
"Alam mo Eloisa kahit ngayon palang kita nakita ay ramdam kong mabait kang anak at kapatid kaya alam kong marami kang matatanggap na biyaya mula sa Poong Maykapal"......masayang saad ni nanay Darya...
"Sana nga po nanay Darya eh magkatotoo ang sinasabi ninyo".....turan ni Eloisa sa matanda...
.....
Samantala...
Dahil sa pagiging abala ni Darylle sa nalalapit nilang kasal ni Mayeth ay hindi niya masyadong nabibigyan ng pansin ang iba pang negosyo nito basta naire report na ang mga detalye sa kanya ay sapat na iyon...
"Babe im so excited for our wedding".....naglalambing na wika ni Mayeth habang nakayapos sa bewang ng katipan..
"Me too babe at hindi na ako makapaghintay"......buong asam na turan ni Darylle sa kanyang fiancee at noon din ay naghinang ang kanilang mga labing puno ng pananabik sa isa't isa...
Halos parang ayaw ng bumitaw ni Darylle sa tuwing kayakap niya si Mayeth dahil sa labis na pagnanasa sa babaeng nakatakda nang maging kanyang kabiyak...
Ilang sandali rin silang magkasama at naihatid na ni Darylle si Mayeth sa kanilang bahay ng biglang mag ring ang kanyang cell phone kaya agad niyang sinagot ito..
"Hello nanay Darya bakit po kayo napatawag?....ani Darylle habang nagmamaneho ito at naka loudspeaker nalang ang kanyang cell phone para hindi maabala ang kanyang pagmamaneho..
"Ah iho naririto na kasi sa bahay ang mga tenant na uupa sa isang kwarto kaya nais ko lang na ipaalam sayo at para sabihin din sayo na kailangan ng mapaayos ang sirang aircon".....saad ni nanay Darya..
"Ah ganoon po ba! Sige po at bukas na bukas ay pupunta ako riyan para maiayos na ang sirang aircon para hindi nakakahiya sa kanila"....ani Darylle at maya maya ay bigla nalang naputol ang kabilang linya kaya hindi na naitanong pa ni Darylle ang kanyang sasabihin kay nanay Darya...
.....itutuloy...
BINABASA MO ANG
MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...
RomanceTeaser..... Si Darylle Miller ay anak ng kilalang pamilya sa bansa at siya rin ang panganay sa kambal nina Duane Miller at Margaux Samonte-Miller... Mapagmahal siyang nobyo sa kanyang nobya at gayun ang kanyang nobya na si Mayeth Falcon... Dahil nas...