Finale...

26.2K 522 38
                                    

MILLERS SERIES1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By....emzalbino

Lumipas ang ilang araw at tuluyan ng nakalabas si lolo Baste sa ospital..Bilang pasasalamat ng pamilya ay naghanda ang mga ito ng kaunting salo salo sa bahay nila donya Amparo..

Buong pamilya Miller ay naroroon maging ang daddy Philip at mommy Mariana at maging lolo ni Margaux na si lolo Martin na matalik na kaibigan ni lolo Baste ay naroroon din..

Lahat ay masaya ng sandaling pagkakasama nilang iyon maliban kay Darylle na akala mo ay pasan niya ang buong mundo dahil sa hitsura niyang walang kaimik imik at kaylayo ng kanyang tingin na para bang may tinatanaw sa kawalan...

Napabuntong hiningang tumayo si Darylle mula sa mesa kung saan ay nagsasalo salo ang lahat saka tinungo nito ang veranda at nakatanaw na naman sa kawalan at maya maya lang ay hindi na niya napigil pa ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

"Eloisa nasaan kana mahal ko? Please magpakita kana sa akin! Nami miss na kita, sobrang nag aalala na ako sayo at pati narin ang iyong pamilya"......mahinang bulong ni Darylle sa sarili ng biglang may yumakap sa kanyang likuran..

"Anak sorry kung dahil sa akin ay nagdurusa ka ngayon, Hindi ko sinasadya ang lahat. Hindi ko intensiyon na saktan kayong dalawa, Nais ko lang na ilayo siya sa pagiging miserable dahil ang akala ko ay itutuloy mo ang pagpapakasal kay Mayeth, Sinabihan kong layuan ka niya dahil ayaw ko namang lumabas siyang kabit mo lang,babae rin kasi ako anak kaya alam kong masakit para sa kanya ang maging second choice kaya kinausap kong lumayo siya para na rin sa kanyang kabutihan, Ang perang inabot ko sa kanya ay hindi upang bilhin o insultuhin siya, kundi bilang tulong sa kanyang pagsisimula sa panibagong buhay dahil alam kong Pagkatapos niyang lumayo ay mawawalan na siya ng trabaho. Anak please forgive me, hindi ko sinasadya!......umiiyak na saad ni Margaux sa anak nitong umiiyak narin ng mga sandaling iyon.

"Mommy hindi ko alam kong saan ko siya hahanapin, Halos araw araw akong nasa kalsada dahil nagba ba sakaling makita ko siya sa daan o saan man ngunit wala parin. Nais nang sumuko abg aking katawan sa pagod mommy ngunit ang puso ko ay ayaw tumigil dahil alam ko,ramdam ko na makikita kong muli si Eloisa,makikita kong muli ang aking mahal dahil iyon ang ibinubulong ng aking puso"......sagot ni Darylle saka niyakap nito ang inang luhaan.

"Wag kang sumuko anak, wag kang mapapagod na hanapin si Eloisa dahil nais kong humingi ng tawad sa kanya sa mga lahat ng nasabi ko sa kanya,alam kong nasaktan ko siya ngunit gunawa ko iyon para hindi siya mapasama ng tuluyan ngunit ngayong naliwanagan na ang lahat lahat sa inyo ni Mayeth ay wala kang maririnig na pagtutol sa akin sakaling pakasalan ko si Eloisa anak"......

"Hahanapin ko siya kommy hanggang sa huling hininga ko at hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita".....ani Darylle saka niyakap nito ang kanyang ina.

Mula sa kinaroroonan naman ng mag inang Darylle at Margaux ay kitang kita sila ng magkapatid na Duane at Wayne na noon ay nakaupo na sala at iniwan ang mga kasamang naroroon pa sa mesa.

"Kuya ngayon ko lang nakita si Darylle na umiiyak dahil sa isang babae ah?......wika ni Wayne sa kapatid nitong si Duane habang nakamasid ang mga ito sa kinaroroonan nila Darylle at Margaux.

"Kaya nga eh! Akala ko ay hindi niya agagawang ko prontahin ang kanyang mommy sa nangyaring gulo sa kanila nang Eloisa na iyon ngunit nagulat ako dahil sa hitsura niya noon na halos parang isang leon ang kanyang hitsura na anumang oras ay lalamun ng isang buong tao."......iiling iling na sagot ni Duane habang ang tingin nito ay nasa kanyang mag ina.

"Eh may pinagmanahan naman kasi eh"......nakangiting turan ni Wayne.

"Huh! Kanino nagmana?.....kunot noong sabi ni Duane.

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon