Fallen

13 0 0
                                    

( Past.. )

Elijah's POV

"Please bunso pumayag kana " pangungulit sakin ni ate habang niyuyugyog ang braso ko.

ano ba naman to si ate, ang aga mambulabog alas singko palang ng umaga bukod sa inaantok pako.

ayoko nga ..

Gusto niya kasing pumunta ko sa birthday party ng bestfriend niya , si Ken para magpanggap na siya dahil hindi siya makakapunta.

Nakalimutan niya kasi na birthday pala nito ngayon at naka pangako na siya kay mommy na sasamahan niya ito ngayon sa general mission.

Oo nga pala kung hindi niyo pa alam kambal kasi kami ni ate , bali nauna kong lumabas sa kaniya ng isang oras.

Sabi kasi nila mommy kung sino daw ang huling lumabas yun daw talaga ang panganay at kung sino ang nauna yun daw talaga ang bunso.

"ate , naman .. ayoko nga .." tanggi ko ng hindi nagmumulat ng mata.Tumalikod ako sa kaniya at saka nagtalukbong ng kumot.

naramdaman ko naman na sumampa siya sa kama.

"Sige na kasi bunso, pagbigyan mo nako ngayon lang naman to eh promise" pilit parin niya habang hinihila ang nakatalukbong kong kumot.

hyssss .. Bakit ba ang kulit ni ate,sinabi ko na ngang ayoko ,kahapon pa, saka kahit naman pumunta ko don sigurado naman ako na mahahalata lang din ni ken na hindi ako si ate dahil kahit na magkamukang magkamuka kami, magkaibang magkaiba naman kami pagdating sa pananamit ,kilos at lalong lalo na sa ugali.

Babaeng babae kasi magayos si ate, samantalang ako suklay at pulbos lang ayos na, sa damit naman hilig niya magdress or skirt samantalang ako T-shirt at jogging pants ang hilig ko tapos jeans pag aalis. ewan ko ba mas komportable kasi kong kumilos pag ganun yong suot ko.

Pagdating naman sa ugali medyo may pagkamahiyain ako sa una pero pagtanggal naman hindi na.Saka hindi kita papansinin kung hindi ikaw ang mauunang mamansin. Hindi katulad ni ate na approachable.

"Bunso , sige na .. magtatampo kasi sakin yun pag di ako pumunta" pilit parin niya habang niyuyugyog ako at hinihila ang kumot na nakatalukbong sakin.

haiytsssss -_-

"Ate , naman sabihin mo nalang yung totoo na di ka makakapunta dahil sasamahan mo si mommy,Sigurado namang akong maiintindihan ka nun"sabi ko ng di tinatanggal ang pagkakatalukbong ko.

narinig kong napabuntong hinga siya bago tumigil sa pagyugyog sakin.

"Ok fine ! kung ayaw mo edi wag ! Hindi na kita pipilitin"

nagpamulat ako ng marinig ang sinabi niya pero di ako nagtanggal ng talukbong ko.

naramdaman ko ang pagbaba niya sa kama.

"Siguro hindi nalang muna ko magpapakita kay ken ng ilang araw, oh ilang linggo oh siguro kahit kailan hindi na" daldal niya.

I rolled my eyes.

heto nanaman siya.

"Ano ba naman kasi yung minsan ka na nga lang humiling tapos hindi ka pa mapagbigyan parang hindi kapatid" dagdag pa nito na bakas sa boses ang pagtatampo.

agad akong nagtangal ng talukbong dahil sa sinabi niya. at kunot noong tumingin sa kaniya.

"Oh bakit !? totoo naman , ngayon lang ako humiling sayo pero hindi mo ko mapagbigyan pero pag si Macy ang bilis bilis mo ! mas kapatid pa ata turing mo sa ka niya kesa sakin ei " pag mamaktol niya na ang tinutukoy ay ang pinsan namin.

Moya LunaWhere stories live. Discover now