14 : Kirot

7 5 0
                                    

"KIROT"

labing limang taong gulang
ngunit nalalapatan pa rin ng palad mula sa mga magulang
pinipilit na mag tiis at nagpapakita ng galang
ulo'y umiinit na tila ay nakakain ng maanghang

malalim na hininga
dibdib ay hindi mapakali't nangangamba
puso'y humihina
napupuno ng kaba

sa bawat masasamang salita
sa sariling ulirat ay nawawala
nais magwala
kasabay ng luhang kumakawala

masamang bagay ay muntik ng magawa
buhay ay muntik mawala
tila hindi masisilayan ang araw at ang huling makikita ay mga tala
mawawala na lamang na parang bula

All Of My Poems[AOMP] : Library 1Where stories live. Discover now