30 : Wala nga bang pag-asa?

2 0 0
                                    

WALA NGA BANG PAG-ASA? ”

Ako'y mabilis na nagtago,
habang sya'y nagbibilang sa likod ng puno,
paningin sa kanya'y hindi naglalaho,
tila sya'y aking gusto,

isa, dalawa, tatlo,
pagbilang nya'y rinig ko,
masayang nakatingin sa puno,
habang sya'y tinititigan ko,

apat, lima, anim,
tila namamatay ang halamang itinanim,
lumabas mula sa ilalim,
sumilip sa ulap na makulimlim,

pito, walo, siyam,
naalalang ika'y namaalam,
nakikita ko'y imahe mo sa aking imahinasyon,
imaheng nakangiti't naka-ahon,

sampo,
sana'y hindi kita iniwan sa puno,
sana'y sinamahan kita hanggang sa dulo,
hindi inisip na ika'y mawawala sa isang dapo.

hindi hinayaan ng panahon na ika'y makasama,
biglang nawalan ng pag-asa,
kasabay ng pag buhos ng ulan,
mukha ko'y luhaan.

All Of My Poems[AOMP] : Library 1Where stories live. Discover now