James’ Point of ViewI DID what I said. I stayed by her side and didn’t leave her.
I started to give her anything she liked. I started to buy things she wanted and needed. Ako na rin ang bumibili ng sanitary napkin niya. Palagi kaming magka-chat at gabi-gabi namang magka-video call.
Dahil pagkagising ko pa lang, cellphone na ang hawak ko dahil hinihintay ko ang messages niya, huminto ako sa pagdya-jogging sa umaga. Sa gabi’y hawak ko pa rin ang cellphone ko dahil kailangan kong makipag-video call sa kanya. Late na akong natutulog at madalas, kulang na kulang pa. Dahil doon, parang bumigat bigla ang katawan ko. Tingin ko’y unhealthy na ako.
Hindi na rin ako masyadong nakapo-focus sa pag-aaral ko dahil siya lang ang laging nasa isip ko. Iniisip ko ang nararamdaman niya. Nag-aalala ako at baka may mabigat siyang pinagdaraanan na hindi ko alam.
I never imagined that this would happen. I never thought that I could do those things for a girl. Ang nasa isip ko lang, mahal ko siya at obligasyon kong gawin ang lahat ng ‘yon.
But I knew I wasn’t happy. I knew I didn’t want what I was doing, but I felt obliged to do it.
Kung napansin ko lang na unti-unti kong sinisira ang buhay ko, siguro’y mas maaga kong napahinto ang sarili ko. Pero sarado ang utak ko noong mga panahong ‘yon dahil naniniwala akong mahal ko siya at ‘yon lang ang mahalaga.
Totoo ngang kung ano ang pinaniniwalaan mo, ‘yon ang nagiging totoo sa paningin mo. So you should be careful what you believe because it might destroy you.
Kakatapos lang mag-discuss ng aming teacher at pagkatapos nito, may pinasasagot siyang activity sa amin. Hanggang ngayo’y nakatitig lang ako sa papel kong wala pa ring laman.
Dahil blangko talaga ang utak ko, palihim akong sumilip sa papel ng katabi ko. He wasn’t covering it. May tiwala siya sa akin. Ayokong magyabang ngunit tinitingala niya ako at bilib siya sa akin.
Halos palagi niya akong pinupuri. Matalino raw ako, cool, at hindi nauubusan ng ideas. Sabi pa nga niya, hindi lang daw magandang itsura ang mayroon ako kundi creative and great mind din. Ang taas ng tingin niya sa akin, pero hindi ko alam kung bakit naisipan kong mandaya at gayahin ang sagot niya.
Ipinagpatuloy ko ang panggagaya sa sagot niya hanggang sa matapos ako. Noong tingnan ko siya, hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. ‘Yon ‘yong pagkakataong nalaman kong nahuli na pala niya akong nagtsi-cheat.
His face became serious. ”Kailan mo pa natutunang mag-cheat, James? Ang isa sa pinakamagagaling na estudyante sa STEM ay nanggaya sa taong hinahangaan siya nang husto. Paano naging posible ang bagay na ‘yon?”
“I’m sorry,” was all I could say.
“James, okay lang sa akin kahit gayahin mo ang sagot ko, pero ang problema rito, nanggaya ka at mali ‘yon. You are a good student, James. Magaling ka sa paningin naming lahat. Huwag mong ipagpalit ang reputation mo para sa kahit anong sagot sa activity o test.”
“Sorry talaga. Hindi na kasi ako nakapagbabasa at nakapagre-review nitong mga nakaraang araw. ‘Tapos blangko pa itong utak ko.”
“Matagal ko nang napapansin na malaki ang nagbago sa ‘yo, James,” komento niya. “Kasama sa mga nagbago ay ‘yang itsura mo. You don’t look as good as you were – mukha kang stressed at matamlay. Nagkaka-pimples ka na rin. Ilang beses na rin kitang nahuling natutulog sa klase na hindi mo naman ginagawa dati. Nakikita rin kitang palihim na kinukuha ang cellphone mo sa bulsa mo para makapag-chat. Ang babaing ‘yon, siya ‘yong babaing nang-agaw sa girlfriend ng crush kong si Chelsea.”

BINABASA MO ANG
Forever with You (Under Editing And Revision)
RomantikForever With You Written By: GoddessTheophania "They say, forever doesn't exist. No, it does. Forever exists ... beside you. So, let me stay forever with you." Nasa elementary school pa lang silang dalawa, nagtapat na ng nararamdaman si Stephanie...