Masakit man sa damdamin ay pinili ko parin kung ano ang nararapat.
Sobrang sisikan sa terminal dahil siguro ay bakasyon na at marami ang gustong lumuwas pero pilit kong tinitiis para naman ito sa ikabunuti ko. Tulakan, sikuhan at walang katapusang sigawan na may kasama pang mga malulutong na mga mura.
Pagkatapos ng halos isang oras na pakikipagsisikan ay nakakuha ako ng mauupuan at dahil nga sa sobrang dami ng tao ay marami rin ang nakatayo at sobrang puno kahit anong gawin mo kahit sinisipon ka at Hindi makaamoy Hindi makakatakas ang hindi mo maintindihang amoy ng mga tao.
Habang nakasakay sa bus ay pilit kong pigilan ang hininga para Hindi ko masinghot ang nakakamatay na amoy pero hindi ko magawa at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may isang tao ang hindi ko inaasahang makita lalo na sa mga oras na ito. Ilang taon narin ang nakalipas ng siyay huli kong nakita. At ang nakalipas na iyon ay sinusumpa ko ng balikan at alalahanin.
Parang tumigil ang oras ng makita ko siya.
Sa sobrang pagkagulat ay diko namalayang napatagal na pala ang aking pagititig sa kanya at halatang hindi parin nawawala ang pagiging obserbatibo nito at nakaramdam ata ng may tumititig sa kanya.
Iniwas ko agad ang aking titig sa kanya ng bigla siyang naglikot ng tingin para ata hanapin kung sino man ito at dinarasal ko na Hindi malamang ako iyon.
Ngunit mukhang hindi pinakingggan ang aking kahilingan dahil nahuli niya ang mga mata ko na nagpapaligoy ligoy ng tingin para sanay Hindi niya mapansin pero walang kwenta.
Bakas sa kanyang napakapungay niyang mga mata ang pagkagulat. Ohh diyos ko huwag ninyo naman po akong gawing isang napakarupok na tao. Huwag sa mga mata niyang nakakabighani sa ganda.
Ang medyo mahabang titigan ay biglang nawala ng makaramdam ako ng parang may mali pero baka napapraning lamang ako.
Hindi pala ako napapraning maririnig sa mga kasama ko sa loob ng bus ang Kaba at takot. At dahil sa mga kasama ko rito ay Hindi ko narin mapigilan ang kabahan at maging praning.
Takot at Kaba ay unti-unting ay until unting bumabalok sa aking katawan. Puno ng tili at takot ang sinasalyan namin. Mayroong nagdadaaal na sa takot at mayroong ring tumatawag na sa mga kamag-anak nila sa hula nilay hindi na kami mabubuhay pa.
Hindi na kaya ng akong utak at katawan ang takot na ito. Unti-unti nanamang bumabalik ang mga iyon mga pangyayaring tingin koy nakalimutan kona pero unti-unti nanamang bumabalik.
Hindi na ako makahinga, pinipilit Kong huminga pero di ko kaya. Wala akong makuhang hangin. Luha'y diko namalayang tumutulo sa nangyayari ngayon. Hindi na sumagi sa isip ko na hanapin sa bag ang inhaler ay gamitin dahil baka mas lalala pa ang mangyayari.
Mas lalo akong nawalan ng hininga dahil sa gulat ng may biglang humawak sa kamay ko.
Hindi ko alam pero Hindi na ako nagulat ng makita Kong siya iyon. Kahit noon pa siya palagi ang kasama ko kapag may mga ganitong pangyayari.
Gaya ng dati hawak ang aking kamay para pakalmahin. "Ayos kalang, f*ck sabi ng kapag may nangyayaring masama kumalma ka wag kang kabahan. Nasaan inhaler mo?" Kahit nahihirapan huminga ay naibigay ko pa ang bag ko sa kanya.
Dali Dali niyang hinanap sa bag ko ang inhaler at saka ibinigay sa akin. Parang uhaw na uhaw na tao at nakakita ng balon, ay kinuha kinuha ko na ito agad. Ilang sandali ay nakakahinga ako ng medyo matiwasay.
Dahil sa pilit kong hinahabol ang aking hininga ay hindi ko naramdaman at napansin na parang may mali sa sinasakyan namin.
"Hindi ko na kayang imaneobra tong bus kung kaya niyo tumalon nalang tayo papalapit na tayo sa matarik na bahagi at may malalim na bangin dun kaya mas mabuting tumalon na kayo agad hanggad medyo ligtas pa ang dinadaan natin" ani ng drayber na mas lalong nagpaingay sa mga kasama ko.
"Sakto tayo ang nasa dulo, kaya mong tumalon? Medyo may putik dinadaan natin Hindi ka naman mamatay. Halika na." Anyaya niya pero Hindi ko alam bakit Hindi ako makagalaw. Nagsisitalunan na Ang mga kasama namin sa bintana ng bus at dahil sa pagmamadali nila ay naiipit ako ngunit nabawasan ang sakit dahil sa tulakan dahil sa taong nasa harap ko na pinoprptektahan ako.
Ng medyo kaunti na Ang tao o sabihin nating parang kami nalang nag naririto ay hinablot na niya ang aking kamay saka tumalon.
Dahil sa malakas na ulan at sa lakas ng pagkakatalon ay ramdam king parang may tumama sa ulo ko na matigas na bagay.
Parang mag tumulo ng Hindi ko alam at alam kong Hindi iyon ulan. Unti-unting lumalabo ang aking paningin at kahit na pilitn kong buksan ang aking mata ay Hindi ko kaya.
Hindi ko alam kung ito na nga ba ang huli.
Audrey, gumising ka please.....