Chapter 6 : New Manager

290 12 3
                                    

Chrysler

I'm watching my bandmates silently as they do their morning routine. We have a gym area dito sa studio house namin malawak ito at kompleto ng mga kagamitan. They're living a healthy lifestyle.

"Pupunta dito si Manager Jerome dahil may importante daw siyang sasabihin sa atin." Teagan's sudden announcement while wiping his dripping sweat using his towel that place on his right shoulder.

Kakatapos niya lang gumamit ng dumbbell.

"Haah! sana maganda ang sasabihin niya." Everett stated while catching his breathe, Zacraiah sat on his back while he's on doing some push-ups. Zacraiah enjoyed drinking his yogurt drink.

Biglang bumagsak ang katawan ni Eve dahil hindi na siguro kinaya ang bigat ni Zac. "Put-- ang bigat mo! Alis na! hindi ako makabangon!", napaungol na reklamo ni Eve na nahihirapang bumangon dahil nakaupo parin si Zac sa kanya. Saka lang tumayo ito tumayo nang maubos ang iniinom nito.

"Hindi ako mabigat, mahina ka lang talaga." nakasimangot na usal ni Zac sa kanya.

"You're fucking heavy Zac, lamon ka kase ng lamon." sabat naman Eve at hinubad nito ang kulay abo nitong sando na nabasa ng pawis.

"At least mas malaki parin ang muscles ko kesa sayo." ani Zac na dumila kay Eve.

Zacraiah has perfect muscle build than Everett, kaya hindi nahahalata na matakaw siya sa pagkain.

Napatingin ako kay Drix na abala sa pagjujumping rope. Tumatagaktak ang kanyang pawis sa bawat pag talon niya. Nakahubad ito ng damit pang itaas tanging ang kanyang suot at ang kulay gray na jogging pants na hapit sa kanya.

Nabaling ang tingin ko kay Claude na kakalabas lang galing C.R. bagong ligo ito nakatapis ang puting tuwalya sa kanyang beywang, makikita mo parin ang kanyang v-shape kahit nakatuwalya na ito. Siya ang unang natapos mag workout.

"Who's next?",tanong niya habang pinupunasan ang tumulong buhok gamit ang isa niya ng hawak na puting tuwalya. Pinupunasan niya din ang kanyang 6 pack na abs na gustong-gusto ng mga girls na nagkakakandarapa sa kanya.

Sanay na ako sa ganitong kaganapan pag nandito ako sa studio house.Hindi naman sila mga bastos kahit mukha silang siraulo,they know how to respect me lalo na ako lang ang nag-iisang babae sa grupo namin. Isa pa, they know na apo ako ng isang heneral sa bansa, natatakot sila kay Lolo Tope.

"Ako na ang susunod?" Saad ni Zac na nagtaas pa ng kamay saka tumayo at pinalo muna ng malakas ang pwet ni Drix na napaigtad sa sakit.

"Fuck you Zac!"sigaw ni Drix sabay pinakita nito ang kanyang gitnang daliri. Babatohin niya sana ito ng bato galing sa flower pot ngunit kumaripas ng takbo si Zac papuntang C.R.

Mabilis kumapit ang karma kay Zac dahil nadulas ito at nabagok pa sa pinto ang kanyang ulo.

"HAHAHAHAHA"

"Buti nga sa'yo HAHAHAHA."

Pinagtatawanan siya nina Drix at Everett kami lang tatlo ang nakakita sa kanya na nadulas. Napalingon naman sina Teagan at Claude na napahinto sa paglalakad dahil sa malakas na kalabog nung nadulas si Zac.

"What happened to you?", takang tanong ni Claude kay Zac na mukhang paiyak na.

"He tripped on the floor.", natatawang sagot ni Drix pati si Teagan ay natawa na din kay Zac dahil sa itsura nito na mukhang bata na inagawan ng candy.

"Zia oh, tinatawanan nila ako oh.", parang bata na nagsusumbong sa'kin si Zac.

Napailing na lamang si Claude ng tumalikod ito at naglakad palabas dito sa gym dahil sa pagdadrama ni Zac.

She's The General's Grand DaughterWhere stories live. Discover now