Chapter 1: Military Training

1.1K 49 3
                                    

Chrysler

"Good morning lo",bati ko sa lolo na nakaupo sa gitna ng lamesa na siyang katapat ng inuupuan ng papa ko.Hinalikan ko siya sa pisnge.

"Good morning din apo"

Lumapit naman ako kay papa para batiin din at hinalikan din siya sa pisnge. "Good morning pa",bati ko sakanya.

"Good morning too baby princess"nakangiting sambit niya.

Napangiwi nalang ako dahil sa pagtawag niya sakin na 'baby princess'.

"Pa,hindi na po ako bata para tawagin niyong baby princess.",nakasimangot na sabi ko at umupo na sa tabi ni lolo.

"Princess nalang",nakangiting sabi niya.

"Pa naman"

Napatawa si papa sa akin habang nakasimangot parin ako."Alam kong ayaw mo ng tinatawag kang princess, prinsesa parin ang turing namin sayo"

"Tama ang papa mo apo, prinsesa ka namin dahil ikaw lang ang nag iisang prinsesa ng mga Del Luna. Ikaw lang ang nag iisang babae kong apo."

"Fine, I lost." pagsuko ko.

"Hahaha, kamusta tulog mo apo?",nakangiting tanong ni Lolo.

"Ayos lang po",tipid kong sagot.

"Anna, tawagin mo na ang ibang mga apo ko na nasa kwadra para mag almusal.",utos ni lolo kay Manang isa sa mga taga silbi ni lolo, yumuko muna ito bago umalis.

Maya maya nagsidatingan na ang mga pinsan ko.

"Good morning tito,Zia and lolo",bati ni Keith samin,siya ang panganay na anak nina tita Carmela ang pangatlong anak ni lolo at ni tito Juaquin.

Si papa ang panganay na anak ni lolo,ipinangalan sa kanya  ang pangalan ni lolo kaya naging Christopher II siya.

"Good morning"

"Maayong buntag"

Sabay sabay naman na bati nina Killua at Killian ang kambal at bunsong kapatid ni Keith. The Identical Twins.

Agad naman silang nagsiupuan.

"Good morning, uy ang aga mo yatang nagising Lettuce"

"May himala bro HAHAHA",natatawang nagsi apiran ang dalawang mag kambal na sina Ryder at Rohan mga anak nina Tito Lucas ang pang limang anak ni lolo at ni tita Rochelle. Magkaiba nga ang mukha ng kambal, makapareho naman sila ng ugali. Mga utak bolinaw. Sila mga pinsan ko na mahilig mang-asar sakin. Tinatawag nila akong Lettuce dati sa nickname sakin ng mama nila na 'Letty' na galing sa second name ko na Letizia. 

Huling dumating si Lucian ang nag iisang anak ni tita Luciana ang pang anim na anak ni lolo. Siya ang pinaka tahimik ang walang kibo sa mga pinsan ko. Tahimik siyang umupo sa tabi ko. Pag dating sa pinsan siya ang isa sa mga pinakagusto kong pinsan, dahil hindi magulo at solid kasama hindi maingay,he's a bookworm kaya tinatawag siyang nerd. I hate noisy and annoying people.

Wala dito ang mga parents nila dahil abala dito sa mga duty nila, si papa lang ang may day off ngayon.

6 palang ang nandito na mga pinsan ko. Bale 12 kaming mga apo ni lolo, ako lang ang nag iisang babae saming mag pipinsan. The rest of my cousins are in abroad and nasa ibang lugar.

Wag na kayong magtaka kung bakit marami kami dahil 7 lahat ng anak ng lolo ko, si tito Christoff nalang ang bunsong anak ni lolo ang natitirang walang asawa. He is a fresh graduate from abroad. I don't know kung kelan siya uuwi dito.

Magulo dito sa mansyon ni lolo pag kompleto kaming lahat lalo na sa mga pinsan kong mahilig mantrip sa akin.

Tahimik lang akong kumakain habang abala sila sa pakikipag-usap kay lolo about military and their ranks. My lolo is a high ranked in military, he is a general.

She's The General's Grand DaughterWhere stories live. Discover now