Chapter 7: Farewell Party

258 14 1
                                    

Chrysler

"Ako na bahala mag-aayos ng mga gamit mo kuya.", pagpresinta ko sa pagliligpit ng mga gamit ni Kuya Jerome.

"Thank you Zia, pwede ikaw na rin magturo kay Chris sa kanyang magiging kwarto?"

Wala sa sarili akong napatango kahit labag sa loob ko ang hinihinging pabor niya sa'kin. Napatingin siya sa cellphone niya nang umilaw ito.

"I need to go, kailangan ko pa sunduin si Christelle for ultrasound. Babalik ako dito bukas para kunin ang mga gamit ko. ", pagpapaalam niya.

I give him a short nod. "We're going to have a farewell party for you at friday, don't miss out your party. ", pagpapaalala ko.

He nodded and smiled at me. "I will, don't be mad at your uncle about not letting you know na siya ang magiging bagong manager ninyo, gusto niya na sopresahin ka niya."

Hindi ko pinansin sinabi at nagpaalam ulit siya pati sa mga kasamahan ko saka umalis.

Agad din akong nagtungo papunta sa itaas, sa kwarto ni kuya Jerome, malapit lang ito recording room. Ramdam ko ang prensensya ng taong kanina ko pa hindi pinapansin.

"Uy my baby pamangkin, kanina mo pa ako hindi pinapansin.",saad nito nang sinundan niya ako dito sa loob ng kwarto.

Hindi ko siya kinibo at kumuha na ng dalawang maleta at nilapag sa kama para buksan ito.

He poked my back pero agad ko din iniwasan iyon at binuksan na ang closet para kumuha ng mga gamit.

"Zia, my lovely princess. Kausapin mo naman ang gwapo mong kuya.", malambing na himig nito.

"Hindi mo ba ako namimiss baby Zia?"

Napaismid ako sa sinasabi niya, patuloy lang ako sa pag-aayos ng mga gamit ni kuya Jerome.

"Zia Princess."

"Uy princess. "

Napipikon na ako sa kaka princess niya. Mabilis kong natapos sa paglalagay ng mga gamit ang isang maleta dahil sa pagmamadali.

"Princess."

Isa...

"Baby Zia. "

Dalawa...

"My baby princess psst."

Tatlo...

"Uy hindi mo ba ako namimiss prince-"

Padabog kong binagsak sa kama ang maleta na walang laman at hinarap siya.

"Tangina! Isa pang baby at princess sa mukha mo ulit ibabagsak ko itong maleta!", pagbabanta ko kaya gulat siyang napaatras.

"Hey chill! Hindi mo kase ako pinapansin. ", pagpapakalma niya sa'kin.

"Bakit kita kakausapin matapos mong maglihim sa'kin.", malamig na turan ko.

"Sorry, I didn't mean to hide it from you, gusto ko lang na i-supresa ka.", nakangising sambit niya.

Napaismid ako sa sinabi niya.

"You didn't even fucking tell me na last week ka pa pala nakauwi, kahit yun lang sana sinabi mo sa'kin. You even ghosted me.", matalim ko siyang tiningnan.

"Sorry naman, gusto ko lang talaga na sopresahin ka. Akala ko matutuwa ka sa sopresa ko."

"Do you think na masaya ako sa sopresa mo? Hindi, nung mga panahon na kailangan kita hindi kita ma contact because you ghosted me for almost fucking 2 months!", I almost shouted at him.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's The General's Grand DaughterWhere stories live. Discover now