Prologue

1 0 0
                                    


"Lexie, bilisan mong tumakbo, hawakan mo ng maayos ang kamay ni Niel! Bilisan mopa!"

Kanina pa kami tumatakbo. Halos panawan na ako ng ulirat sa sobrang hingal at pagod pero patuloy pa din kami sa pagtakbo. Ang dibdib ko ay sumasakit na sa paghingal at kumakabog pa ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba para sa buhay naming magkapatid. Pero hindi ito naging hadlang para tumigil sa pagtakbo, dahil sa sandaling tumigil kami paniguradong katapusan na namin.


"Tumigil kayo!" narinig kong sigaw ng mga humahabol samin


Napansin kong nahihirapan ng tumakbo si Niel kaya nilingon ko ito at kita ko ang luhaang mga mata nito na nababakasan ng takot at pagod. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinigpitan kona lang ang kapit dito.


Patuloy pa din kami sa pagtakbo pero di pa din napapagod sa paghabol sa amin ang mga masasamang tao na yun. Nagulat kami ng magpaputok ng baril ang isa sa kanila kaya muntik ng madapa si Niel na agad ko namang naalalayan.


"A-ate... na-natatakot ako" humihikbi ito habang nagsasalita 

"S-si mommy..." nangingilid ang luha ko 


Bumalik sa alaala ko ang katawan ni Mommy na walang buhay at naliligo sa sariling mga dugo. Ang mga hikbi namin ay nagsunod  sunod.


Lumingon samin si kuya dahil sa paghikbi namin. Naaaninag ko ang pagpupunas nito ng mata na mas lalong ikinaiyak ko. Lumiko kami sa isang eskinita patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa makalabas kami at may nakitang truck na may mga kahon sa loob. Lumapit kami duon pinilit ni kuyang buhatin ako pasakay sa truck kahit na buhat niya ang bunso kong kapatid na tatatlong taong gulang tas binuhat di niya si Niel bago siya umakyat at pinaupo kami sa may gilid. Kinuha ni kuya ang isang malaking karton at iniharang sa aming tatlo. Nginitian ako ni kuya bago niya iniabot sa akin ang bagpack na kanina pa nakasakbit sa kaniyang likuran.



"Makinig ka, Lexie." seryoso itong nakatingin sa akin na ikinatango ko.

Hinihingal ito at pinilit magsalita ng maayos para maintindihan ko ang sinasabi nito. 


"Huwag na huwag kayong gagawa ng kahit na anong ingay. Ang alam ko ay aalis ang truck na ito ngayon papuntang maynila sa isang bahay ampunan duon muna kayo magtago at kung may magtanong sa inyo kung sino kayo sabihin mo ang pangalan ninyo ngunit hindi ang apelyido natin. Maliwanag ba?"


"Bakit kuya di kaba sasama samin?" tanong ko at hinawakan ang braso nito nang akmang aayusin nito ang kahon na magsisilbing harang samin 

"Pare-parehong tayong mamamatay kung sasama pa kayo sakin. Kailangan ninyong maging ligtas kahit kayo na lang ang makaligtas, Lexie mangako ka sa akin na magiging ligtas kayo" nabasag ang boses niya na mas lalong nagpaiyak sa akin


"Kuya wag mo kaming iwan... huwag kanang umalis!" humahagulgol na ko at iiling iling na nagmamakaawa kay kuya na wag na kaming iwan


Pero kahit anong pagmamakaawa ko tinanggal pa din ni kuya ang kamay kong nakakapit sa kanya. Dahil sa panghihina ay nabitawan ko ang braso nito.


"Makinig ka magiging ligtas kayo dito at mas magiging ligtas kayo kung makakaalis kayo sa lugar na ito. " Mas lalo akong naiyak ng magumpisa na itong maglakad palayo sa amin


"Hahanapin ko kayo pangako ko yun sa inyo. Hahanapin ko kayo kahit na anong mangyari." Ang huling sinabi nito bago siya mawala sa aking paningin


"A-ate tatakot ako" napatingin ako kay Niel ng maramdaman ko ang panginginig nito kaya niyakap ko ito ng mahigpit para kumalma siya kahit papano



"Wag kang matakot andito lang si ate ako ang bahala sa inyo ni Liam" pagpapagaan ko sa loob nito kahit na mismong sarili ko ay di alam ang gagawin at nilalamon na din ng takot


Ramdam ko ang pag ugong ng truck na sinasakyan namin na senyales na aalis na ito. Rinig ko ang mga tawanan sa labas kaya natatakot akong yumakap sa dalwa kong kapatid.


"Leandro isara mona ang likuran ng truck ng makaalis na tayo at makarating nang maaga sa bahay ampunan"


"Sige at ng makauwi na rin ako sa aking pamilya paniguradong namimiss na ako ng mag ina ko" rinig kong sagot ng isang lalaki bagi nito isara ang likuran ng truck.


Dilim. Iyon ang bumungad samin ng masarado ang pinto ng truck napahinga akong malalim dahil nakaligtas kami sa humahabol sa amin pero mas ikinatatakot ko ang magiging buhay namin sa maynila.


Mulat na mulat ang mata ko kahit na wala akong makita na kahit ano. Tulog na tulog sa hita ko si Niel habang nakakalong naman sa kabila ang tulog na si Liam.


Nag-aalala ako kay kuya lalo na at may sugat siya dahil sa pagliligtas sa akin mula sa mga lalaking iyon. Nagdasal ako sa panginoon na sana iligtas at ilayo niya si kuya sa mga masasamang tao na yun. 




Niyakap ko ng mahigpit si liam dahil naaawa ako sa sitwasyon namin. Tinitigan ko ang loob ng truck pero wala akong makita na kahit ano dahil para lang din akong nakapikit dahil sa dilim ng paligid. Nagsisimula na akong matakot ng kaya mas pinili kong matulog na lang din para makapagpahinga kahit papano.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Worth of LivingWhere stories live. Discover now