Crush?
Alice POV
"Look girls ayun mga boys oh!"
Kasama ko ang tatlo na sina lilly dito sa parking lot kakatapos lang ng klase. si Peter kasama sina tipen ay dumeretso na sa music room dahil ang sabi daw ni William sakanila ay dumeretso sila Don at kunin ang mga guitara na hiniram nila sa school. saka sabay-sabay na daw silang pumunta sa bahay nina William.
mula dito sa parking lot ay kitang kita namin sina William kasama sina Peter habang papalapit dito. May naka sabit sa kanang balikat ni Peter na bag na sa tingin ko ay guitara ang Laman. tulad niya ay may dala rin sina Jack at Harry na guitara. nangunguna si William katabi niya si ethan habang sa likod naman nila sina Peter. natatawanan silang pareho. habang papalapit samin.
"heyaaa girls!" masayang bati samin ni Jack at nakipag high five.
si Charlotte naman ay hinalikan si James sa pisngi.
yak!
"baby hindi na muna kita ihahatid ngayon ah" aniya ni James sa baby kuno niya. Hahaha joke
"ayos lang baby"
"Gosh! ang cringe niyo talaga!" si chloe
"sus! inggit ka lang! anjan si jack oh!" pangiinis ni james.
"hi chloe babes!" Ang mokong na si Jack kinindatan niya agad ito.
"Gosh! Charlotte Tara na nga! nasusuka ako sa pagmumukha nito!"
"grabe ka naman chloe babes sa gwapo kong to nasusuka ka? HAHAHAHAHA beri rooongg!" napailing iling nalang ako sa kahanginan niya. samantalang si Harry at ethan naman ay pumunta sa kotse nila.
edi wow may kotse.
"William let's go" tawag ni ethan sa kapatid niya
tumingin ako Kay ethan na nasa kotse na niya. ni-hindi man lang niya kami kinausap o kamustahin yung araw namin. nakasakay na siya sa kotse at nakahawak sa manibela. kita mula dito sa labas ang loob ng kotse. in short hindi ito tinted.
mula rin dito ay pinagmasdan ko ang itsura niya. nakahawak siya manibela habang diretso ang tingen at seryosong seryoso ang mukha.
bakit kaya ang cold ng lalakeng to? angsungit sungit pa tignan aish!!
nanlaki ang mga Mata ko ng makitang lumingon siya sa gawi ko. o sabihin na natin lumingon siya sakin! kahit may kalayuan siya ay kitang kita ko ang pangungunot ng noo niya.
hala!
agad kong iniwas ang tingin at tumama iyon kay Peter. naabutan ko siyang naka tingin sakin ng mabilis niyang inilipat kay lilly na kasalukuyang nakikipagkulitan kay Jack.
"So.. see you sa Monday guys?" Mayamaya pa ay nagpaalam na sina William saaming mga girls.
"see you sa Monday guys ingat kayo!" sabi ko sakanila at kinawayan sila
YOU ARE READING
I CAN'T GIVE YOU THE SAME (Three 'I' Series)
Ficção AdolescenteAlam mo yung feeling na na-basted? ♥Chuchi