Movie marathon
Alice POV
Cause you are the piece of me I wish I didn't need
Chasing relentlessly, still fight and I don't know whyIf our love is tragedy, why are you my remedy?
If our love's insanity, why are you my clarity?(Hey-ay, hey-ay-ay. Hey-ay, hey-ay-ay.
Hey-ay, hey-ay-ay. Hey-ay, hey)sinasabayan ko ng kanta at pag sayaw ang kanta na clarity na ni-play ko sa youtube habang nagwawalis ng kwarto ko.
"If our love is tragedy, why are you my remedy?
If our love's insanity, why are you my clarity?" dagdag ko pa at Agad kong tinaas ang Walis at ginawa itong parang mic ang hawakan. napangiti naman ako sa kalokohan na ginagawa ko.aminin niyo kayo din ganyan yieee
"ALICE!!"
Lah!
napatigil ako sa ginagawa ng biglang May sumigaw mula sa labas ng kwarto ko. who's that fucking storbo?!
lumapit ako sa speaker at pinatay ito kasama ang selpon ko. nilagay ko din ang Walis sa gilid ng pinto at Inis na bumaba para tignan kung sino yung hinayupak na storbo sa concert ko!. sabado ngayon at Wala akong kasama ngayon dito sa bahay. sina mama at papa kasama si Amy ay nasa probinsya namin sa batangas. kanina 2am pa sila umalis. angsabi ni mama ay may aayusin daw sila na lupa Doon. Lupa na ipinama ni lola noon sakanya. isinasama nila ako pero mas pinili ko na manatili na lamang dito sa bahay. mas gusto ko ang nandito sa bahay kung hindi mag sagot ng school works ay paglilinis ng bahay ang ginagawa ko. saka ang sabi ko kay mama ay mas mabuti narin na maiiwan ako dito para may tao ang bahay.
lumabas ako ng kwarto at pumunta ng Gate para tignan kung sino yung tumawag.
"Alice!! kyaaaa!!" si lilly. agad niya akong niyakap at nagbeso pa. nagulat ako ng makita kong kasama din pala niya sina, Peter, Charlotte, James, chloe, at Stephen.
"Hala! bakit andito kayong lahat? pasok kayo" gulat parin na tanong ko. May mga dala pa silang mga bagpack.
"Nagkataon kasi na wala kaming ginagawa at boring " habang nagsasalita si lilly ay naglalakad kami papasok ng bahay.
"Ahh. E bakit hindi kayo nagchat na pupunta pala kayo sana nagluto ako ng meryenda" sabi ko
"Hephephep. don't worry Alice we're bring foods and drink! look!!" agad na itinaas ni chloe yung mga pagkain na sa tingin ko ay chichirya at.. ha? popcorn? may inumin din silang dala na mga softdrinks at juice. Yung softdrink at juice ay puro mga easy open can.
grabe handang handa ah
agad ko napansin ang mga suot nila. sina Peter at James ay naka jacket at short ang suot si tipen ay t-shirt na block at short din. sina Charlotte at chloe ay mga naka jacket din at jogger samantalang si si lilly naka jacket pero short naman ang pang-ibaba.
"akala ko may practice kayo ngayon, tapos na?" tanong ko sa mga boys
"wala na last practice na namin kagabi" si James ang sumagot. tumango naman ako bilang sagot.
YOU ARE READING
I CAN'T GIVE YOU THE SAME (Three 'I' Series)
Teen FictionAlam mo yung feeling na na-basted? ♥Chuchi