Deeply Rooted: Simula

5 0 0
                                    

"Ummm..... Nasan ba ang mga tao dito?" tanong ko sa kawalan matapos ang higit limang minuto ng pag-iwan sa akin ng guard mula sa labas.

Was I fooled? Tanong ko sa sarili pero hindi yan nila magagawa. Takot na lang nila sa Panginoon ko---- alagad kaya niya ako. Kaya dapat alam nila na mas malapit ako sa puso ni Jesus at maka-karma sila sa pag-iisip ng masama sa akin. Ang sabi sa akin may nag-aabang ng katulong sa akin para igiya ako sa Don, pero wala. Kahit na isang katulong wala akong maaninag. Ang makapal na berdeng halamanan at matataas na puno ng manga lang ang nakikita ko sa aking harapan.

Ba't ba kasi ako ang pinapunta dito ni Padre. Pwede naman si Sister Maria, o kaya si Sister Petra. Oo ng apala ba't di ko iyon naisip. Mula sa bulsa ng aking makabal na kulay tsokolateng bestida ay kinuha ko ang aking de-keypad na telepono. Ang tawagan si Padre Theo ang pinaka angkop na gawin sa mga oras na ito.

Nabitin ang pagpindut ko ng pangalan sa aking contacts ng marinig ang isang kaluskos mula sa aking gilid. Tinitigan ko kung anong meron doon pero wala naman, mga malalaking paso lang ng mga halaman ang naroroon. Nang wala talagang nahanap na rason ng pinagmulan ng kaluskus ay ibinalik ko na ang aking atensyon sa tatawagan.

Unang pindot ko pa lang sa numero ni Padre Pio ay nag-ring na ito. Matapos ang pangliman ring ay sinagot na rin niya ang tawag.

"O, Aika?" si Padre Pio

"Hello, Padre. Alam po ba ng Don na paparating ako?" tanong ko ng deretso.

"Bakit? Iniwan ka lang ng guard nanaman ng basta-basta?" alam na talaga ni Padre ang mga ganitong pangyayari.

Ganito rin kasi ang reklamo nina sister Maria at sister Petra kung pumupunta sa Mansion ng mga Hozorio. Sila na ngayon ang namumuno sa nagbibigay ng pinaka malaking donasyon sa bahay ampunan. Mula nga sa St. Francis Homes, kilala na ito bilang Hozorio's Home sa ngayon.

Sabi ni Padre Pio ang Donya mismo ang nag-alok na huwag isarado ang bahay ampunan at ilipat sa kalapit na Orphanage Homes ang mga batang naroroon. Kwento pa nga nito na nung nagsisimula pa lang ang bahay ampunan sa lalawigan ay aktibo na nga sa pagtulong ang Donya. Matapos ang tatlong dekada ay aktibo pa rin ang matanda maging ang Don.

Biglang umangat ang aking mahabang tsokolateng palda na naging rason ng malakas kong sigaw.

"Jusko!" malakas kong sigaw.

Damang-dama ko ang mabilis na pintig ng aking puso. Kinakabahan kung ano ang dahilan ng pag-anagt nito.

"Anong nangyayari, sister Aika?" tuloy-tuloy na tanong ni Padre sa kabilang linya na hindi ko na nabibigyan pa ng pansin dahil sa mas nakakakabang pangyayari.

Isang pares ng maliliit na kamay ang nakikita ko sa dulo ng aking tsokolateng bestida. Bumigat rin ang bestidang suot-suot lalo na ang sa ibabang bahagi nito. 


Hapong tapat, huwag mong sabihin pinaglalaruan ako ng maligno sa mansion ng mga Hozorio. Usap-usapan pa naman sa bayan maging ng mga katulong dito na minamaligno ang bahay na ito.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Nakapikit habang nagdarasal ng taimtim.

"In Jesus mighty name, I rebuke you evil!" paulit-ulit kong sabi habang nakapikit at mahigpit pa rin ang hawak sa magkabilang palda.

"Tulungan mo ako Padre......" hindi ko na naiwasang isigaw matapos marinig ang paghagikhik sa ilalim ng palda.

"Sandee!" sigaw babala ng boses sa aking tabi.

Sandee? Totoo ba itong naririnig ko na hindi naman talaga multo ang nasa ilalim ng aking palda kundi tao? Isang maliit na tao sa tamang salita.

"Stop that Sandee!" patuloy pa nitong saway.

Nakadilat na ngayon ang aking mga mata at tinitingnan ang batang nasa ilalaim ng aking uniporme.

Matingkad na tsokolateng buhok ang una kong nakita. Nang inangat nito ang mukha nito nakita ko ang bilugang mata nito na napapalibutan ng mahahaba at makapal na pilik mata. Ang ilong nito ay matangos at may namumulang mga labi. Mukhang nasa tatlong taong gulang ito.

"What are you doing?" patuloy pang atake ng tanong ng lalaki sa tabi.

May ideya na ako kung sino ito pero ayaw ko lang pabuluanan. Pero masaya pa rin ako na mukhang ito ang ipinadalang tulong para matigil na ang masamang engkanto kanina.

Tama nga ako ng hula. Dahil pagkabaling ko ng tingin sa aking kaliwa si Florenzo Yllod Hozorio ang naroroon. Natagalan pa ang titig ko sa mukha nito. Hindi makapaniwala na mukhang disenteng-disente ito ngayon. Mukhang kagagaling lang sa isang mahalagang pagpupulong.

Nang tumingin ito sa akin ay isang matalim na titig ang ibinigay niya sa akin bago binalik ang mukha sa harapan nito. Ang magkabilang mga kamay ay nakatungkod na sa magkabilang gilid ng balakang. Mukhang istriktong supervisor na hindi nagustuhan ang pinaggagawa ng estudyante.

"I'm just checking if she's wearing panties," nakangising rason ng bata.

Bigla akong namula sa sinabi ng bata hindi inaasahan ang rason kung bakit niya ako tinakot ng ganon-ganon. Panty lang pala ang gusto nitong makita! Bakit hindi pa ba ito nakakakita ng isa?

"Stop that!" saway nito pero napansin ko ang malawak na ngiti sa labi nito.

Binuka 'ko ang aking bibig para sawayin ito pero hindi ko naituloy dahil nagpatuloy ito.

"That's wrong and inappropriate!" si Floyd pa rin.

Isang malawak na ngisi ang ginawa ng bata bago tumakbo papasok ng mansion na sinalubong ng isang babae.

"Ba't naman ganon ang anak mo?" madiin pero kalmante kong tanong sakanya.

Kung hindi lang tumutulong ang pamilya nila sa bahay ampunan baka nasapak ko na ito sa inis.

Hayyy..... panginoon patawarin mo ako, bigla kong kambyo sa isip mula ng matanto ang maling plano.

"She is my ......"

"Floyd, what did you do to Sandee?" biglang tanong ng babaeng kilalang-kilala ko. Ang mahaba nitong leeg pa lang ay alam ko na kung sino ito. Kaya pala ganon ang bata may pinagmanahan naman pala.

Lalagpasan ko na sana siya kung 'di lang nito tinuon ang atensyon sa akin.

"You actually end up being one of the forbidden. I didn't know you were that too heartbroken...."

Sa kalmanteng tingin nilinungan ko siya sabay sabi, "Am I really heart-broken, Vice Mayor? Naka-move on na ako. Dapat ikaw rin."

Deeply RootedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon