I don't
"Ang init-init naman dito! Ba't ba kasi dito tayo pumuwesto? Pwede naman sa bahay na lang namin."
Dinig kong reklamo ni Ellie. Kanina pa ito nagrereklamo. Mula sa mainit, tahimik, at walang mapaglilibangan, iilan lamang ito sa nirereklamo niya. Tama nga talaga ang desisyon ni Lorenzo na dito namin gawin ang Science Project namin.
Kung susundin namin si Ellie sigurado hanggang ngayon wala pa rin kaming planong magagawa. Buti na lang talaga.
"Okay naman dito sa Butterfly Garden," si Liah sa aking tabi. "At mas nakakapag-isip tayo dahil tahimik. Kita mo nga iyan halos matapos na tayo sa plano natin."
Tinuro ni Liah ang bondpapers na may sulat ng mga gagawin namin sa proyekto.
Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon kay Liah. "Finalization na lang ang kailangan natin. At tsaka kung okay na rin ito kay Lorenzo pwede na natin simulan mismo ang gagawin dito at itutuloy na lang kung nakulangan tayo sa oras."
Tantya ko kasi hindi talaga ito matatapos ngayon. Ang konsepto pa lang ang meron kame. Hindi pa kame nakapag-print at kailangan sa bahay iyon gawin. Pwede rin bukas sa school. Ang pwede lang naming gawin ngayon ay iyung foundation pa lang. Buti na lang at napag-usapan na namin ang mga materyales na gagmitin kahapon bale ididikit na lang namin ang mga detalye sa next meeting.
"Bakit may next meeting pa?!" muling maktol ni Ellie.
Naku talaga angbabaeng ito nakakainis na. Ipinakita ko sa kanya ang plano namin at itinuro ang mga detalye doon. "Kasi kailangan pa nating i-print ang topic na ito. Hindi naman pwede na gupitin natin ang libro ni Lorenzo," deretso kong sagot sa kanya sabay pakita sa libro kung nasaan ang tinutukoy.
Umismid lamang si Ellie. Sabay baling ng atensyon sa mga kababa lang na grupo ng mga lalaki. Mga basketball players ang mga dumating. Napansin ko kasi si Llafar. Siya ang center ng Senior High ng Eastern University. Kilala ko sya dahil nakakasama ko sya sa Regional Palaro. Representative kasi ako ng aming ciudad halos limang taon na para sa running events.
Siniko siya ng isa sa kaniyang kasama at itinuro ako. Nang nakita ako ni Llafar kinawayan nya ako. Ngiti naman ang iginawad ko sa kaniya. Tama nga ako na basketball team ang kasama niya dahil hindi naman ako makikilala nung isa kung hindi pa niya ako nakikita. Matapos ang simpleng interaksiyon na iyon ay bumaling na sila sa kasama nilang itinuturo ang malawak na court. Nang nakalayo na sila sa amin hindi ko iniexpect ang naging tanong ni Ellie.
"Kilala mo sya?" interesadong tanong ni Elli sa akin.
Nagdikit ang aking mga kilay sa kaniyang tanong. Nanlalaki kasi ang mga mata nito. Parang hindi makapaniwala na kilala ko ang grupo nina Llafar.
Tumango lang ako bilang sagot sa sinabi niya. may itatanong pa sana siya kung hindi lang sa biglang pagparada ng sasakyan nina Lorenzo sa parking lot. At dahil nakaharap kame dito at kitang kita namin ang mga dumadating at umaalis. Mabilis lang rin kame nakita ni Lorenzo.
Pagkababa nito ng sasakyan sinimulan na nitong kunin ang mga pinamiling gamit sa likod ng sasakyan. Kaya imbes na titigan lang siya ay tumayo ako para tulungan ito sa paghahakot. Tumayo rin sina Ellie at Liah ginaya ang ginagawa ko.
Lima kame dapat sa proyektong gagawin. Mukhang mahuhuli na naman si Simone. Ewan ko ba sa lalaking iyon, parati na lang nawawala kung kailan kailangan namin siya. Nung isang araw nasa kabilang building ito ang sabi'y may titingnan lang pero 'di na bumalik. Kaya sa text lang siya nasabihan sa plano namin ngayon.
"Naparami naman tong mga gagamitin natin," puna ko ng nakalapit na kay Lorenzo.
Ang driver nito ay bumaba na rin ng sasakyan. Tumutulong na rin sa pagbaba ng ilang plastic. At imbes na pasamahin pa ito kung saan kame gagawa ay isang simpleng tango lang ang ginawa ni Lorenzo at mukhang nakuha na agad nito ang gusto namin. Kinuha ko ang isa sa mga plastic na hawak niya at bago pa ako magsimulang maglakad ay sinagot niya na ako.
BINABASA MO ANG
Deeply Rooted
General FictionShe is a nun who dearly loves the orphans at Horiozo's Home. She knew that serving the less fortunate children was her calling. However, a powerful man tempts her in every possible way. She respects herself and believes in having the highest morale...