Stalker:

241 5 0
                                    

pagkatapos kong magsimba ay dumadaan talaga ako dun sa may labasan upang kumain ng fishball. napansin ko nung habang papalapit ako dun sa fishballan ay may lalakeng matangkad na medyo mataba na tumititig sa akin pero patay malisya lang ako.

tapos na rin siyang kumain ng fishball dahil nagbayad na siya kay kuya. nagulat na lang ako nung nagsalita siya na magbabayad na, alam mo kung bakit? dahil malamya ang kanyang boses at alam kong bading ang mamang yon! meron pa siyang dala dalang malaking backpack na bag.

so ako dedma lang sa kanya, habang tumutuhog ako ng fishball at chicken balls ay alam kong nakatingin siya sa akin dahil napapansin ko yung mga galaw niya, kahit hindi ko siya tinitignan.

lumipas ang ilang mga minuto ay pumwesto siya sa gilid ng kalye at nag aantay nang masasakyan na bus o jeep pero ang pinagtataka ko lang ay hindi pa rin siya sumasakay kahit na hindi naman puno yung mga pasahero. hindi  mapakali yung lalakeng yon at sumisimple pa siyang tumitingin sa akin.

nung medyo tinatagalan kong kumain ay bumili na naman siya ng makakain pero hindi na dun sa fishball kundi dun sa proven o yung parang balat ng manok. hindi kalayuan dun sa mamang fishball mga ilang metro lang ang pagitan.

after 30 mins tapos na ako kumain pero yung mamang parang bading ay nakatambay pa rin dun at hindi pa rin sumasakay. ilang jeep at bus na yung dumadaan, marami na siyang pinalagpas na mga sasakyan pero nakatanga pa rin siya dun.

maya maya ay nagbayad na ako at pagkatapos nun ay maglalakad ako papuntang mall para makapag deposit ng pera sa bangko kasi pag linggo bukas sila. ngayon eto na, duda na ako na minamatyag ako nung lalakeng yun. ang ginawa ko ay medyo binilisan ko yung paglalakad at nagulat na lang ako na sumunod siya sa akin at sinasabayan na ako sa paglalakad.

as in pinapantayan niya yung paglalakad ko from the left side. sa sobrang inis ko kung tutuusin puwede akong mag reklamo sa kanya pero hindi ko ginawa dahil pumasok sa isipan ko na kasisimba ko nga lang pala pero pag may ginawa siyang moves sa akin na hindi kanais nais ay gugulpihin ko ito kahit na mas malapad pa katawan at mas matangkad siya ng konti ay wala akong pakielam.

nung malapit na ako sa mall ay bigla siyang lumapit sa akin at nagsalita nang AY EXCUSE ME SAAN BA SAKAYAN PAPUNTANG ALABANG? hindi ako nagsalita! sa akin okay lang magtanong pero yung mga ganung damoves ay hindi papasa sa akin.

bakit kamo? unang una na, ang tagal tagal niyang nakatayo dun sa abangan ng mga sakayan. syempre bago sumakay puwede naman siyang magtanong sa driver kung dadaan ba sa ganito o ganyan yung lugar na pupuntahan niya.

pangalawa, lahat nang dumadaan na bus at jeep ay may karatula o sign board na nilalagay. halimbawa ALABANG, CASIMIRO, SM SOUTHMALL, TIMES, MOONWALK, ETC. so kalokohang hindi niya mababasa yun. hindi naman siya bulag. nakakapagtext nga siya at panay cellphone nung nasa fishballan ako e! tapos aantayin niya ako umalis para lang magtanong kung saan sakayan papuntang alabang? wow! ayos ah!

eto pa ang nakakatawang eksena, nung nasa loob na ako ng bangko upang mag fill up ng form para sa deposit slip ay napalingon ako sa entrance at nandun pa rin yung lalake, nakatingin sa akin na parang ngingiti ngiti pa! tinignan ko siya nang masama para alam niyang nababanas na ako sa kanya, sarap lang banatan nung pagmumuka! pero hindi na siya pumasok dahil wala naman siyang transakyon sa bangko at baka mahuli pa siya ng security guard. nung nasa pilahan na ako at dahil medyo maraming tao ay naisipan ko ulit tumingin pero nawala na siya sa paligid. tinignan ko din yung katapat na fast food chain at baka nandudun lang siya pero hindi ko siya nakita.

pagkatapos kong mag deposit ay lumabas na ako sa bangko pero imbes na lumabas ako sa mall ay umakyat ako sa 2nd floor. naisip ko din na baka pag lumabas ako ng mall ay nakaabang na naman siya at sundan ulit ako.

habang nasa escalator ako ay tumitingin tingin ako sa likod ko at sa baba dahil baka masundan ako at eto na nga nagulat ako na may kausap siyang ahenteng lalake sa kotse at humingi pa ng brochure. ang nakakatawa pa dun ay tinuturo pa niya yung isa dun sa dalawang kotse na nakadisplay sa gitna ng mall. siguro nagtatanong siya kung magkano yung downpayment o tinatanong kung anong modelo yung sasakyan na yun.

ang hindi alam nung ahente ay binobola lang siya o chinichika lang para kunwari bibili pero deep inside nangingilala lang.

nakita ko rin na may inabot na parang calling card yung lalakeng sumusunod sa akin dun sa ahente. kinikilig kilig pa si gago! hahaha! sa isip isip ko na lang na malamang may gustong biktimahin itong lalakeng to. well baka gusto niyang maka iskor kay ahente at nagbabakasakaling maiuwi niya yun sa kanilang bahay.

total wala na rin naman akong pakielam. ang importante ay hindi na siya nakasunod sa akin at mahirap na baka malaman pa kung saan ako nakatira.       

Kapag nahuli kita, Bingo ka sa akin! "COMPLETED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon