Honesty is the Best Policy:

313 5 0
                                    

paano mo masasabi kapag ang isang tao ay nagsasabi ng totoo? well, mahirap yan! nasa sayo na yun kung maniniwala ka o hindi at depende na rin sa taong pinaniniwalaan mo.

lahat naman ng tao sa buong mundo ay nagsisinungaling. bakit ko nasabi? dyan na kasi pumapasok ang salitang WHITE LIES. ano ang ibig sabihin nun? yan yung mga may dagdag na kwento o yung gumagawa ng istorya na kadalasan ay hindi naman totoo. minsan effective din yan sa mga taong iniiwasan mo. kunwari magpapalusot ka! o kaya naman mag iimbento ka para lang may dahilan ka.

bigyan kita ng example...

halimbawa nasa inuman ka, pinapatagay ka ng kakilala o kaibigan mo pero ang sinasabi mo sa tanggero ay hindi ka iinom dahil may trabaho ka kinabukasan. maaga ka babangon! maaga ka aalis ng bahay pero in short WALA KA NAMAN TALAGANG PASOK.

okay lang yun! white lies yan! respeto na lang ika nga! wag kang mag alala ginagawa ko rin yan dahil hindi naman ako hard drinker. umiinom naman ako kaya nga lang minsan isa o dalawang bote lang! kapag ayoko nang uminom ang sinasabi ko PASS AKO!

kung gusto mo talagang makaiwas na inuman o kapag wala ka sa mood ay magdala ka ng sasakyan para siguradong may dahilan ka. alam mo kung bakit? syempre magddrive ka e! mahirap na at baka maaksidente ka pa!

eto pang isang example...

meron kang kaibigang lalake tapos may girlfriend siya, tapos yung lalakeng kaibigan mo ay nakita mo sa restaurant na may kasamang ibang babae na hindi naman niya tunay na GF. ngayon ikaw syempre dedma na lang!

pagkaraan nang ilang oras ay tumawag naman sayo yung girlfriend ng kaibigan mo at pagkatapos ay hinahanap sayo yung BF niya na kung kasama mo dahil hindi siya sumasagot sa mga text at tawag.

anong sasabihin mo sa kanya? malamang hindi mo sasabihing "AY OO NAKITA KO SIYA PERO MAY IBANG KASAMANG BABAE! NILOLOKO KA NANG TROPA KO! NANDUN SA MALL KUMAKAIN, ANG SWEET SWEET NILA"

syempre kung ikaw ay magsisinungaling ka na lang diba! dahil pag aawayin mo pa silang dalawa at baka magkapatayan pa kapag sinabi mo. sabihin na nating sinungaling ka pero mas mabuti na yung siya na lang ang makatuklas na nambabae yung BF niya na barkada mo. KAYA MANAHIMIK KA NA LANG AT WAG NANG MAKIELAM SA KANILA!

may word naman na KARMA kaya hayaan mo na lang na siya yung sumalo. ipaubaya mo na lang kay KARMA!

siya nga pala meron akong ibabahaging kwento...

pauwi na ako galing quezon avenue at umakyat ako sa hagdan papuntang mrt station. nung nasa itaas na ako at pagtingin ko sa booth nang bilihan ng ticket ay medyo mahaba ang pila. hindi agad ako pumila, ang ginawa ko ay bumili muna nang maiinom na gulaman.

pagkatapos kong uminom ay nararamdaman kong naiihi ako kaya't naisipan kong pumunta sa cr. nung ako'y nasa loob na ay meron dalawang binatang lalakeng naghuhugas sa lababo at patingin tingin sa salamin.

doon sana ako iihi sa may toliet bowl at hindi sa cubicle. papasok na sana ako sa toilet bowl ay napansin kong meron buong limangdaang pisong lukot lukot sa sahig na katabi mismo ng cubicle. kung titignan mo ay parang yellow paper lang na nilukot pero kapag tinitigan mong mabuti ay pera. siguro hindi napansin nung dalawang lalake.

so ang nangyari ay pinulot ko at yun na nga, hindi ako nagkamali 500 peso bill nga!! at ang nakakagulat pa doon ay may buong 200 peso bill pang kasama, so 700 pesos lahat!

habang yung dalawa ay busing busy sa pagaayos sa lababo. pagkatapos kong umihi ay tinanong ko sila!

ah mga brad! nag cr ba kayo dito? "tanong ko"

sabay nagulat silang dalawa, siguro nagtataka yung mga yon kung bakit ko tinatanong.

sabay sumagot yung isa nang HINDI E! BAKIT?

nawawalan ba kayo ng pera? kasi nakapulot ako! "sagot ko sa kanila"

sabay kapkap at chineck nila yung mga bulsa nila at tinignan yung wallet. sabay natigilan ang dalawang binata, malamang napapaisip kung talagang nawawalan sila ng pera.

e magkano ba yang napulot mo kuya? "tanong nung isa"

syempre hindi ko sabihin sainyo baka mamaya hindi naman sainyo to! "ang sagot ko sa kanila"

sabay nagusap yung dalawa...

check mo nga maigi baka nawawalan ka ng pera, kasi ako tama naman tong pera ko tsaka hindi pa ako gumagastos. "sabi nung isang lalake"

hindi ko kasi matandaan kung magkano yung pera ko, pero nag withdraw ako sa ATM kanina ng dalawang libo. "sabi niya"

tapos ay pasimpleng naghahanap sa wallet niya...

naku kuya baka nga sa akin yan! nawawalan ako ng isang libo kasi kanina inaayos ko yung pera ko baka nahulog, malamang hindi ko napansin! "pahabol na sagot niya"

sabay natawa na lang ako...

pasensyahan na lang chong! hindi isang libo tong hawak ko tsaka dapat kung nawawalan ka dapat alam mo at lukot lukot tong pera nung nakita ko, hindi naman to nakatupe! tsaka puwede ba yun ka wiwithdraw mo lang tapos lulukutin mo at ilalagay sa wallet? nagkakalokohan tayo nyan e! masamang nilulukot ang pera. "sabi ko sa lalakeng nagpapanggap na nawawalan ng pera"

sabay hindi na siya nakakibo.

biglang humirit yung isang kasama niya...

sayang sana pala jumingle muna tayo! ayan tuloy naunahan tayo! "sabi niya"

oo nga e akala ko makakalusot! "sagot nung isang barberong lalake"

sorry! hindi para sainyo to! hindi ako nagkulang dahil kung tutuusin puwede ko nang hindi sabihin sainyo diba! puwede ko nang itago to! "sagot ko sa kanila"

magkano ba yan kuya? "tanong nung isang lalake"

sabay pinakita ko sa kanila, binuksan ko ang aking kanang kamay.

"sabi ko" o ayan 700! isang limangdaan at isang two hundred na buo.

ayan nga pera ko nga yan! "birong napasigaw yung lalake na may kasamang ngiti"

libre naman dyan kuya! "sagot nung isa"

tumawa na lang ako at lumabas ng CR!!

Kapag nahuli kita, Bingo ka sa akin! "COMPLETED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon