Salisi Gang:

383 8 1
                                    

eto ang isa sa pinakamatinding gawain ng mga manloloko. kunwari may iooffer sayo na ganito, ganyan, yung iba naman sa simula magbabait baitan. kakaibiganin ka, kakausapin ka. lalo na kapag misteryosong tao minsan kasi nasa loob ang kulo nila. mahirap tanchahin! tsaka yung mga taong masyadong matanong lalo na pag hindi mo kilala. yung mga tanong na dapat hindi na tinatanong dahil personal na yun! labas ka na dun. daig mo pa ang showbiz reporter. gagawa at gagawa kasi ng paraan ang mga yan makuha lang ang loob mo. mas okay na yung nagdududa o nagtataka ka. good job yun! ibig sabihin gumagana yung isipan mo kung bakit ganon ang nangyayari.

dati may istilo akong nahuli at talaga nga naman kaduda-duda. meron isang lalake na pumunta sa store namin. naka simpleng pananamit lang siya at naka tsinelas. bumili ng isang boteng softdrinks, isang biskwit at kalahating kaha ng sigarilyo. nagkataong ako yung nagbenta o nag abot sa kanya nung mga nabili niya. sabi ko pa nga sa kanya kung ilalagay po ba sa plastic yung softdrinks ang sabi niya wag na daw dito na daw niya iinumin. nung binigay ko yung sukli bigla niya akong kinausap. eto ang sabi niya...

MANG GANCHO: ah! magandang umaga! e baka may mga sirang relo kayo diyan! mga alahas na patid o mga lumang singsing o kwintas na hindi niyo na ginagamit pati college ring kinukuha namin yan. tsaka yung lumang barya na malalaking piso basta yung kay presidente marcos.

RAY: ha? bakit para saan po?

MANG GANCHO: kailangan namin yan! kasi tutunawin yang mga silver o gold dun sa mismong pagawaan ng mga jewelry shop. dinidistribute namin yan sa mga iba't ibang kumpanya. ang hirap na daw kasing mag produce ng bagong ginto o silver sa ngayon. kaya hangga't maaari kung meron kayo bibilin ko.

pero kung titignan mo dun sa ayos niya para talagang hindi mo na siya mapagkakatiwalaan dahil sa suot pa lang niya. nagttrabaho daw siya sa isang kilalang company nakalimutan ko na yung sinabi niya pero halata namang imbento lang niya yun. empleyado daw siya tapos naka walking shorts o tsinelas? ni ID wala? gaguhan lang! kaya ang ginawa ko sinakyan ko yung trip niya. kumbaga hinuhuli ko siya.

RAY: okay sige maghahanap ako kung may sirang relo sa loob. teka! magkano naman yun ganun? kahit na anong relo basta sira na bibilin mo talaga?

sabay nag labas ng pera si gago nang libo libong piso hindi ko alam kung magkano yun basta makapal. feeling ko baka peke yung pera niya. eto na ang sumunod na nangyari...

MANG GANCHO: oo bibilin ko yan! ke pambabae o panlalake basta relong sira bibilin ko sayo. kahit na peke o class a lang tinatanggap namin. siya nga pala baka may baryang luma diyan maghanap ka na rin yung kay marcos mahal ang value 2k per coin. kaya kung may makita kang limang pirasong barya ni marcos automatic may 10k ka na.

pero hindi ako nasilaw sa pera alam ko may kabalastugan siyang gagawin. nung naghahanap ako ng puwedeng ipakita sa kanya nakakita ako ng dalawang sirang relo sa drawer ko. isang peke o mumurahing casio at isang medyo branded na kenneth cole. ngayon nilabas ko at pinakita sa kanya.

RAY: eto kuya dalawang relo. wala na yan as in hindi na ginagamit. magkano ang presyo?

sabay kinikilatis ni mang gancho yung mga relong pinakita ko sa kanya gamit ang magnifying glass at bigla siyang humirit.

MANG GANCHO: ay! iba pala to! gawang japan to e!

RAY: ha? sabi mo sa akin kahit anong relo e! casio pa yan at kenneth cole.

MANG GANCHO: hindi puwede ito! wala ka bang mga k-swiss, rolex, bvlgari. basta yung mamahalin.

dito na talaga ako nagtataka! sabay lumabas yung ermat ko at kinausap ni mang gancho. kahit yung ermat ko nagtaka na rin dahil pinipilit ni mang gancho na maghanap ng mga lumang alahas ang nanay ko at may sinasabi pa siya na keyso may nabili na daw silang sirang relo dun sa kabilang street naka 12k daw yung doctor na kinuhanan nila. binanggit pa yung pangalan nung doktor pero feeling ko kalokohan lang yun! nandun na daw sa isa pa niyang kasama yung mga nabili nilang mga jewelries. etc!  tapos may isang bahay daw silang babalikan mamaya dun sa may kanto namin dahil pinapahanap pa niya yung babae ng mga singsing tsaka kwintas. ayaw ring maniwala ni mang gancho na walang alahas ermat ko. maya maya ay pumasok na sa loob ng bahay ermat ko at kinausap ko siya at naparinig na ako...

Kapag nahuli kita, Bingo ka sa akin! "COMPLETED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon