VHAN POV
"Itanggggg!" Sigaw ko naman habang nakangiting tumatakbo palapit sa aking ama na may dalang sako ng isda na ihahanda para sa aking kaarawan.
Sarili naming lupa ang aming tinitirihan kaya naman wala kaming problema pag dating sa bahay ang kaso , maraming naiingit sa amin dahil puno nga naman ng kayamanan ang ilalim nito ngunit hindi namin ito pinapa-kailaman dahil bilin ito ng mga magulang ng aking itang.
Napakasaya ko dahil sumapit nanaman ang aking pinaka-hihintay na araw. Magkakasama na naman kaming muli ng aking mga magulang pati na rin ang aking anim na kapatid na sina Ivan , Christopher , Dave , Star , Heart at Jecca ang aming bunso. Pito kaming lahat isama mo pa sina itang at inang bale , siyam na kami sa aming tahanan. Ako na lamang ang nagaaral sa aming magkakapatid dahil kapos rin kami sa buhay at kulang pa ang kinikita ng aking ama at ina para sa aming pagkain kaya napag-desisyonan nilang ako muna ang pagtapusin. Fourth year high school na ako sa ngayon at malapit na rin ang aking pagtatapos.
"Vhan , kamusta? Ngayon na lamang tayo muling nagkita." Panimula namang pagsasalita ng aking ama.
"Oo nga po itang e , napaka-tagal nyo po kasi sa laot." Malungkot ko namang sabi sa kanya at saka sya niyakap ng sobrang higpit.
"Ikaw talagang bata ka , huwag ka ng malungkot. Kaarawan mo na ngayon kaya dapat lagi kang naka-ngiti." Sabi nya sa akin kaya agad naman lumabas ang aking mga ngiti sa labi.
"Oh Pedro , andyan ka na pala. Halika na at para maluto na ang mga isda mong dala." Sabi naman ng aking inang na naka-tayo sa tapat ng aming bahay.
Walang kasing saya ang aking nararamdaman kapag kasama ko ang aking buong pamilya.
~*~
Sumapit na ang kadiliman at oras na ng aming pagtulog. Nilatag na ng aking mga kapatid ang aming hihigaan ngayong gabi. At dahil daw aking kaarawan ngayon , magkakasama kami ng aking mga kapatid sa isang kwarto. Para lamang ito sa aming mga bisita. Maaliwalas ang hangin dito kaya gusto ng aking mga kapatid na dito matulog. Pinagbigyan naman sila ng itang kaya naman nagmadaling tumalon ang mga ito sa kama na malambot pa kaysa sa kama dun sa isang kwarto. Sa kabilang kwarto naman natulog ang aking mga magulang.
"Kuya , mabuti na lang at dito tayo natulong , ano? Mainit pa naman ngayong araw." Sabi naman ni Jecca habang nakahiga.
Humiga na rin ag iba kong kapatid at saka ako humiga sa tabi nila.
"Goodnight mga ate at kuya." Yan ang huli kong narinig na sabi ng aking mga kapatid.
Pinikit ko na ang aking mga mata dahil maaga pa ang aking pasok bukas. Na-alimpungatan naman ako ng makarinig ako ng ingay mula sa labas ng aming bahay kaya agad naman akong tumayo para tingnan kung ano ang nangyayari.
Kitang kita ng aking dalawang mata ang pagtutok ng baril ng isang armadong lalaki na hindi ko alam kung sino ngunit may isa syang kasamang babae at mukhang sila ay mag-asawa. Kausap nila ang aking ama at ina at patuloy pa rin ang pagtutok nito. Napatingin naman ako sa orasan na nasa tabi ng kamang aming hinihigaan ng aking mga kapatid. Alas tres pa lamang ng madaling araw.
"IBIBIGAY MO BA SA AMIN ANG LUPA O BABARILIN KITA NG TULUYAN KASAMA NG MGA ANAK MO? KAYA KUNG AKO SA IYO PIPIRMAHAN KO NA ITO!" Sabi naman nung armadong lalaki na may dalang papel at pilit pinapamirma ang aking ama.
"Huwag , maawa kayo sa aking pamilya." Sabi naman ng aking ina habang nakaluhod sa paanan ng mga taong ito.
Napa-isip tuloy ako kung nananaginip ba ako o hindi. Na-isip ko na lamang na matulog muli. Agad ko namang ipinikit ang aking dalawang mata.
Sampung minuto ang nakakalipas , napabangon naman ako sa aking pagkakahiga ng makarinig ako ng putok ng baril. Tumingin ako sa aming bintana at nakita ko ang aking mga magulang na nakahandusay. Naguguluhan ako! Ano ba talaga ang nangyayari?
Agad akong tumakbo palabas ng aming bahay. Tanaw na tanaw ko ang mga taong bumaril sa aking mga magulang. Mabilis silang tumatakbo palayo sa aming bahay.
Kitang kita ko ang mga dugong patuloy na umaagos sa katawan nila.
"ITANGGGGGG! INANGGGGGGGGGGG!" Akin namang sigaw ngunit parang walang nakakarinig sa akin dahil layo layo nga ang mga bahay dito sa aming baryo.
"TULONGGGG!" Muli ko namang sigaw habang yakap yakap ang mga bangkay ng aking mga magulang.
Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari.
"ITANGGG! INANGGGG! GUMISING KAYO DYAN!" Isa pang sigaw muli ang aking inilabas at humagulgul na ng iyak.
~*~
"Kuya! Gising!" Agad naman akong napabangon sa aking higaan ng marinig ko ang aking mga kapatid.
"Nananaginip nanaman si kuya tungkol sa ating mga magulang." Sabi naman ng aking bunsong kapatid na si Jecca.
"Oh kuya! Tubig." Inabot naman sa akin Ivan ang isang basong tubig , agad ko namang ininum ito.
"A-anong oras na?" Akin namang pagtatanong.
"Alas dyes na ng umaga kuya , kanina ka pa namin ginigising."
Agad naman akong napatakbo sa banyo upang maligo. Nagmamadali ako dahil dalawang oras ang nalalabi.
Natapos ako at agad kinuha ang aking mga gagamitin.
"Anong nangyari sa inyong kuya?" Pagtatanong naman ng aking Antie.
Sa kanya kami nakatira ngayon dahil nga wala na kaming mga magulang. Napanaginipan ko nanaman ang nangyari sa aking amang at inang. Sariwang sariwa pa rin sa aking isipan ang lahat kahit apat na taon na ang nakakalipas. Ang panaginip kong iyon ay isang tunay na pangyayari sa aking buhay na kahit kailan ay hinding hindi ko makakalimutan. Ang pagpatay sa aking mga magulang na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung sino ang pumatay. Nakita ko nga ang kanilang mga mukha ngunit hindi ganoon kadali ang humanap ng suspect.
"Nanaginip po muli sya." Magalang namang sabi ni Star at saka tumingin sa akin.
"Alis na ako. Kailangan ako sa office ngayon! Paalam. Antie kayo na po ang bahala sa kanila." Iyan ang aking sabi bago lumabas ng aming bahay.
Narinig ko pa ang mga sabi ng aking mga kapatid. Nakakapag-aral na sila ngayon dahil may permamenteng trabaho na ako.
Napaka-hirap sa isang anak ang mawalan ng magulang lalo na at dalawa pa silang nawala sa inyo.
"Magiging isa akong matagumpay na pulis. Pinili ko ang trabahong ito upang ako mismo ang makatuklas ng sariling misteryo ng aking buhay. Maghihiganti ako!"